KANINA pa ako pabalik balik sa bawat sulok ng kwarto ko at maging ang ilalim ng kama at sofa ay natingnan ko na rin pero hindi ko mahanap ‘yung paper bag na may laman ng regalo ko kay Storm. Ilang araw akong trinangkaso at kagabi lang bumuti ng tuluyan ang pakiramdam ko, sakto sa unang araw ng pasok ko ngayon. “Nasaan na ba kasi ‘yun?” inis na bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa relo ko at alas syete na ng umaga, alas otso ang unang klase ko kaya kailangan ko nang bumaba para makapag breakfast pa. Inis na napasabunot ako sa sarili ko at napagpasyahang mamaya na lang ituloy ang paghahanap. Hindi ko ‘yun napansin noong tinrangkaso ako at ngayon ko lang narealize na nawawala siya. Ang alam ko talaga ay sa table ko lang iyon huling nilapag, imposible namang maglakad ‘yun. Masama ang lo

