KASALUKUYAN kaming nasa living room ni Storm at halos kalahating oras na kaming nag aaral.
“Nakuha mo ba?” tanong niya matapos i-explain ang isang equation.
Tumango tango ako at saka nag unat. “Yep, gets na gets.”
“Tsk.”
Ngumuso ako nang tumayo siya at pumunta sa kusina. Napatingin ako sa mga sinolve niya at do’n sa pinasagutan niya sa’kin. Bakit kaya ang dali dali makuha kapag siya ang nag explain? I mean, I’ve never felt this kind of confidence pagdating sa equations before. Pero nu’ng siya ang nagtuturo, ang bilis kong nakukuha.
Nang bumalik siya ay nagpatuloy na kami sa ibang subject, nakatitig lang ako sa kanya habang masinsinan siyang nagpapaliwanag. At ewan ko ba kung bakit parang napunta na ako sa ibang mundo habang nakatitig sa kanya.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at gusto kong lumayo sa kanya dahil pakiramdam ko ay maririnig na niya ang kabog niyon.
Ang tangos ng ilong niya, ang ganda ng mata niya lalo na kapag nasisinagan ng araw.
Tapos ‘yung lips niya, ang nipis.
Wala rin siyang kapimple pimple sa mukha at parang mas makinis pa ang mukha niya sa ibang babae.
‘Yung buhok niya na parang pang Korean ang style ay lalong nagpa gwapo sa kanya.
“Shan?”
Tapos ‘yung kilay niya na may kakapalan ay bagay na bagay sa kanya. Para sa’kin ay bihirang bumabagay sa isang lalaki ang makapal na kilay, pero sa kanya ay saktong sakto. Mas nakadagdag ng appeal niya ang pagkakaroon ng makapal na kilay ay mahabang pilik mata.
“Shan, are you listening?”
Napakurap kurap ako ng makita ang pagkakakunot ng noo niya at halos magsalubong na ang kilay niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa sobrang hiya, nahuli niya akong nakatitig sa kanya!
Omg ka Shan!
“Ah, oo.”
“Ano ang sinabi ko?” kunot noong tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti ng pilit sa kanya. Kailangan ba talagang ipamukha sa’kin na hindi ako nakinig at tumulala lang sa mukha niya? Tss.
“Sorry.”
“Makinig ka sa sinasabi ko at hindi sa mukha ko.”
Napaawang ang bibig ko at bahagyang napalunok. Nakakahiya, nagmukha siguro akong nagpapantasya sa kanya.
Umayos ako ng upo at tinuon na ang sarili sa pakikinig sa kanya, pero may minuto talaga na napapatitig na naman ako sa mukha niya at halos lumuwa na ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog niyon. Matagal ko nang gustong kumpirmahin sa sarili ko ‘to, unang kita ko pa lang sa kanya ay parang sasabog na ang dibdib ko 7 years ago.
Minsan nga ay napapaisip ako kung na ‘love at first sight’ ba ako sa kanya noon.
Napailing iling ako at pumikit nang mariin dahil sa naiisip.
Hindi pwede.
Ayoko.
Ayokong magkagusto sa kanya. Hindi kami magkapareho at mahirap siyang intindihin.
“And now, you’re not listening again.” Nawawalan ng pasensyang saad niya.
Napamulat ako at agad na nag peace sign sa kanya.
Napailing lang siya at sinarado na ang librong hawak. “We’re done, magpahinga ka na.”
Hindi na ako pumalag dahil marami rin talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Masyado akong nai-stress sa kung ano ba ‘tong nararamdaman ko kay Storm.
‘Yung awkwardness.
‘Yung pagbilis ng kabog ng dibdib ko na halos manghina na ang tuhod ko t’wing makikita ko ang mata niya at makikipagtitigan ako sa kanya.
‘Yung kaba ko ‘pag nandiyan siya…
Gusto ko ba siya?
Well, kung oo, siguro puppy love lang.
Umakyat ako sa kwarto ko nang lutang at muntik pa akong masubsob sa hagdan. See? Ganu’n ako ka-apektado ‘pag dating sa kanya.
Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumulala sa ceiling.
Seryoso kaya si Bri sa pagkakagusto niya kay Storm?
I mean, kung sakaling totoong may gusto nga ako kay Storm, magagalit kaya siya?
Napailing ako at sinabunutan ng mahina ang sarili ko.
“Wake up, Shan. Hindi pwede ‘yan!” ani ko sa sarili.
Hindi pwede kasi naunang nagkagusto sa kanya si Bri. Saka hindi ko uunahin ang crush crush na ‘yan kaysa sa kaibigan ko. It’s always my bestie that comes first.
Nakatulog ako nang ‘yun ang iniisip at gumising rin na iyon na naman ang iniisip. Kanina sa breakfast ay halos hindi ako makatingin sa kanya dahil para akong mabibilaukan, at kahit nu’ng hinatid kaming dalawa papuntang university ay hindi ako tumingin at iniwasan kong madikit ang balat ko sa kanya.
“Shan, pwede ka bang umabsent muna sa session niyo ngayon ni Storm?” Si Bri habang ngumunguya.
Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. “Bakit?”
“Wala naman, gusto ko lang mag shopping mamaya kasama kayo.”
“Omg ka talaga, Brianna. Finals season ngayon, saka na ang gala.” Ani Drei.
Ngumuso si Bri at hindi na umapila. Sabagay, wala naman siyang ipangtatapat kay Drei.
Nakatitig lang ako sa carbonara sa harap ko at tamad na pinaglalaruan ‘yun gamit ang tinidor.
“May problema ka ba, Shan?”
Nag angat ako ulit ng tingin at pareho silang nakatitig sa’kin.
“Ha?”
“May problema ka ba kako?”
Bumuntong hininga ako at nagpabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa.
“Ahm… kasi.” Tumitig ako kay Bri, “Ano, hindi pa naman ‘to sigurado. Nalilito pa ako.”
Tamad nila akong tiningnan pareho. “Ano nga?”
“Tingin ko kasi ay may… gusto ako kay Storm?” naging patanong ang dating nu’n at halos mabali ko ang tinidor ko dahil sa higpit nang pagkakahawak ko ro’n.
Napaawang ang bibig ni Drei, habang nakatulala naman sa’kin si Bri.
Iwinagayway ko ang palad ko at umiling iling. “Hindi pa sure ‘yun ha? Saka kung totoo man, wala akong balak na makipag agawan sa’yo, Bri.” Kinakabahang ani ko.
Nagtinginan sila at maya maya ay parehong natawa. Hindi makapaniwalang tiningnan ko sila dahil tawang tawa sila, lalo na si Brianna.
“Haynaku, Shan.” Naiiling na ani Drei.
“Bakit?”
“Well, it’s kinda obvious.”
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. “What? I mean, paanong obvious? Eh ngayon ko nga lang napansin?”
“Duh, girl. Tingin mo ba talaga may maitatago ka sa’min?” umirap pa si Bri. “Saka siya ‘yung sinasabi mo sa We Care ‘di ba? ‘Yung reason kung bakit hindi ka na sumasama kay Tito pabalik do’n dahil kinakabahan kang makita siya. Imagine, nene ka pa lang hulog ka na sa kanya.” Natatawang aniya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
“It took you so long to realize that?” naiiling na ani Drei.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko. “Wait. Wait lang, naguguluhan ako sa inyo. Hindi pa ako sure dito, kaya ano ‘yang pinagsasabi niyo?”
Umirap na naman si Bri. “Whatever, Shan Ysabelle.”
Nagpatuloy na sila sa pagkain at hindi na ako pinansin na para bang ‘di big deal ang pinag-uusapan namin. Nakatanga lang ako sa kanila habang prente nilang inuubos ang pagkain nila.
Seriously?
Hindi tuloy ako naka-focus sa buong klase, at puro si Storm lang ang laman ng utak ko. Lalo akong hindi makakapag concentrate sa session namin niyan. Kainis naman kasi sila Bri.
“Alam mo, baka nakailang kamot na sa ilong ‘yung si Storm kakaisip mo sa kanya.” Natatawang ani Drei nang lumabas ang Prof.
“Ha?”
“Ewan ko sa’yo, Shan. Inlababo ka nga.” Naiiling na saad ni Bri at kinuha na ang bag niya. “Mauna na ‘ko.” Bumeso siya sa amin at agad na umalis.
“See you tomorrow, ‘wag mo masiyadong isipin, magkikita naman kayo mamaya.” Pang aasar ni Drei at bumeso rin muna sa’kin bago lumabas ng room.
Huminga ako ng malalim at napailing na lang. Ano ngayon ang mukhang ihaharap ko kay Storm?
Napasabunot ako sa sarili ko at yumuko sa desk ko.
Uuwi pa ba ‘ko? O ‘wag na?