Chapter 11

966 Words
ISANG lingo na ang nakalipas simula nu’ng i-acknowledge ko ang feelings ko kay Storm at simula no’n ay mas lalo akong nailang sa kanya. Sa t’wing tuturuan niya ako ay madalas akong napapatulala sa kanya, o kaya naman ay hindi ako makatingin sa kanya at halos isubsob ko ang mukha ko sa libro para lang maiwasan ang makatinginan siya. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ‘yun o wala lang talaga siyang pakialam. Napabuntong hininga ako sa naisip. Parang ang sakit naman isipin nu’ng wala siyang pakialam sa feelings ko. “Para kay Storm na naman ba ang buntong hiningang ‘yun?” Tamad kong tiningnan si Drei habang nakapangalumbaba sa mesa ko. “Tingin mo ba magiging big deal sa kanya kung malalaman niya na gusto ko siya?” Tumawa siya ng mahina. “Omg, Shan. Parang nu’ng nakaraan lang ay mukha kang hindi interesado sa kanya tapos ngayon ay mukha ka nang baliw na baliw sa kanya.” Ngumuso ako at tumingin ulit sa kawalan. “Ewan ko ba, Drei. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.” “Alam mo, umamin ka na lang kaya? Malay mo, crush ka rin niya.” Napailing ako. “Malabo ‘yan. Sabi ko naman sa’yo ‘di ba, nu’ng una ko siyang nakilala ay may babae na agad sa buhay niya.” Naikwento ko sa kanila ‘yung babae sa orphanage noong pumunta ako. Shan din ang pangalan nu’n sa pagkakatanda ko. “Oh, edi mag move on ka na. Taken na pala eh.” Simpleng saad niya at yumuko sa mesa niya. Kung sabihin niya ‘yun ay para bang sa iglap ay pwedeng i-uncrush ang tao. Tsk. Pero nasa’n na kaya ‘yung si Shan din? Ang tanda ko ay nangako sila noon na silang dalawa na habang buhay. Napaka corni nila noon, imagine, 12 years old ka pa lang pero nakikipag pangakuan ka na ng ganu’n. Samantalang ako no’n ay puro libro ang kaharap kahit wala naman akong naiintindihan talaga. Simula noon hanggang ngayon ay trying hard ako sa pag-aaral. “Uy, may chika ako.” Ani Bri na kababalik lang galing sa banyo. Tamad ko siyang tiningnan habang nakapangalumbaba pa rin. “Ano na naman ‘yan?” Nag-angat din ng tingin si Drei na akala ko ay natutulog. “Mag po-post na raw sila ng mga bagong kasama sa study room.” Mahinang aniya. Napaayos ako ng upo at ganu’n din si Drei. “Talaga? Kanino mo naman narinig ‘yan?” “Duh, edi syempre do’n mismo sa Dean. Nakasabay ko kanina sa hallway, pinag uusapan nila nu’ng Professor na kalbo.” Bumuntong hininga si Drei at bumalik sa pagkakayuko sa mesa niya. “I’m sure sa first section sila kukuha ng isasama du’n. Asa naman tayo.” Tumango ako at tumingin sa kawalan. “Oo nga, lagi namang kulelat ang section natin.” Hinampas niya kami sa balikat ng mahina. “Ano ba kayo, syempre ibabase parin nila ‘yun sa results ng test. Kaya kahit na last section tayo, may chance pa rin.” Umirap ako sa kanya. “Nananaginip ka ba, Bri? Ang makapasa nga ay halos gumapang na tayo, makakuha pa kaya ng highest score?” Nanlumo siya na para bang ngayon lang nag sink in sa kanya ang realidad. “Sabagay. Pero aminin niyo, pangarap niyong makasama ro’n.” “Oo naman, sino bang hindi?” Nanlumo kaming tatlo at pare-parehong tumingin sa kawalan. 1st year pa lang kami ay pinangarap na naming makasama sa study room. Naroon kasi ang top 50 ng buong high school department at may mga advantages ang napapasama ro’n. Bukod sa matatalino talaga ang kasama mong mag-aaral ay astig din ang Professor na nag hahandle ro’n, talagang marami kang matututunan. Kaya nga halos lahat ng estudyante ay goal ang mapasa sa top 50, ang kaso ay iilan lang talaga ang pinalad. Napatigil ako sa pagmumuni muni nang pumasok ang Homeroom Prof namin na si Ms. Gozon. “Nabalitaan niyo naman na siguro na after ng finals ay ipopost na ulit ang mga kasama sa study room.” Walang ganang tumango ang mga kaklase ko at halos mga hindi interesado. “Wala ba kayong balak na magpursigi at maranasan man lang ang mapasama ro’n? Kahit isa sa inyo.” Dismayadong tanong niya. Nilibot ko ang paningin ko at gusto kong matawa sa itsura ng mga kaklase ko, halatang hindi interesado at walang pakialam. “Hindi naman kami makakapasok diyan, Miss, kahit pa magsunod kami ng kilay. Sa dami ba naman ng matatalino sa bawat section, wala nang slot para sa section na ‘to.” Ani ng isang kaklase ko na sinang ayunan ng lahat. Kahit ako ay mahinang sumang ayon. Hirap na nga ang karamihan sa amin na makapasa sa exam, ang taasan pa kaya? Malabo. Bumuntong hininga si Ms. Gozon at napailing na lang. Imposible naman kasi talaga, last section kami at halos lahat ng section na nauna sa amin ay may ibubuga talaga. Actually, ay karamihan sa nakapasok sa study room ay galing sa section one at two at iilang galing sa section three. Hindi na muling inopen ni Miss Gozon ang patungkol sa study room at nagsimula na siya sa discussion, pero ‘yung utak ko ay naiwan sa study room. Ang alam ko kasi ay kasama na ro’n si Storm since siya ang top one last exam. Nakaka-amaze at the same time ay nakakainggit na ganu’n lang siya kadaling nakapasok ro’n, samantalang ako ay pang apat na taon nang nangangarap na masama ro’n. Kung ‘di talaga kami mayaman ay paniguradong wala akong magandang mararating sa buhay. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at walang ganang nakinig kay Ms. Gozon, kahit na alam ko naman sa sarili kong walang papasok sa utak ko. Hayy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD