Chapter 12

923 Words
Shan Ysabelle’s POV Lumipas ang mga araw at naging abala kami sa pag-aaral. Dalawang lingo na lang at finals na kaya halos isubsob ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Malaking tulong talaga sa akin ‘yung tutor session namin ni Storm kasi ‘yung mga part na nahihirapan ako ay madali niyang naipapaliwanag. Isinantabi ko na muna ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi na ako pwedeng bumagsak ngayon. Huling chance ko na ‘to at paniguradong walang tatanggap na university sa’kin kapag bumagsak ako. “Hayy, ang sakit na ng utak ko.” Reklamo ni Bri habang nag uunat. Nasa library kami ngayon dahil may tatlong oras na vacant kami. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag so-solve ng equation na naituro na sa akin ni Storm. “Wow, alam mo ang lahat ng ‘yan, Shan?” manghang tanong ni Brin ang makalapit siya sa akin at sumulyap sa papel ko. Kumunot ang noo ko at hindi siya ulit pinansin dahil masyado akong naka focus sa pagso-solve. Mahina siyang tumawa siya at tinapik ang balikat ko. “Go, Shan. Ipakita mo na may himala, sumali ka sa top 50 ng school.” “Pwede bang manahimik ka na muna, Brianna? Hindi ko maintindihan ang binabasa ko dahil sa boses mo.” rinig kong inis na saad ni Drei. “Okay, okay.” Tahimik kaming nag-aral hanggang sa tumunog ang bell. Napabuntong hininga ako at isa isang niligpit ang ginamit na libro, ganu’n din ang ginawa nila Bri at Drei. Hindi pa man ako nakakatayo sa inuupuan ko ay agad akong yumuko para itago ang mukha ko dahil sa bagong pasok na si Storm. Seryoso ang mukha niya habang maangas na naglalakad. “Sinong tinataguan mo?” Nagtatakang sinundan ng tingin nila Bri at Drei ang tinitingnan ko at agad silang natawa ng mahina. “Talagang may gana ka pang taguan siya? Ipapaalala ko lang sa’yo, Shan na magkasama kayo sa iisang bahay. Anong drama ‘yan?” naiiling na ani Drei. “Ssshh. ‘Wag nga kayong maingay, iba naman dito sa university. Ah basta!” “Shan!” Agad na nanlaki ang mata ko nang isigaw ni Bri ang pangalan ko habang nakatingin kay Storm. Hinila ko ang braso niya pero nagpumiglas siya. “Saan tayo kakain, Shan?” mariing aniya. Automatic na naitakip ko ang librong hawak ko sa mukha ko nang magtama ang paningin namin ni Storm. Bwisit na Brianna ‘to talaga! “Anong ginagawa mo?” Halos maistatwa ako nang marinig ang malamig na boses ni Storm. Napangiwi ako at dahan-dahang umayos ng tayo. “Ah eh, a-ano nahulog ‘yung ano…” agad na umikot ang mata ko para humanap ng sasabihin, “Yung libro ko. Oo, ‘yung libro ko nahulog.” Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog niyon nang magtama ang paningin namin kaya agad akong umiwas ng tingin at napakamot sa batok ko. Sandali niya lang tiningnan ‘yung hawak kong libro at walang sabing tinalikuran kami. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang huminto at humarap sa’kin. “Yung librong hawak mo, galing ‘yan sa mesa at hindi sa sahig.” Iyon lang at umalis na siya. Kumunot ang noo ko panandalian pero agad din akong namula nang marealize ang sinabi niya. “Wah! Nakakahiya!” napahilamos ako sa mukha ko at masamang tiningnan si Bri. “Kasalanan mo ‘to eh! Halika’t kakalbuhin kita.” Lumapit ako sa kanya pero agad naman siyang tumakbo palabas. Kinuha ko rin ang bag ko at hinabol siya, hindi ako papayag na hindi ko siya masasabunutan kahit sandali. Ano na lang ang iniisip ngayon ni Storm sa’kin? Pa’no kung malaman niya na crush ko siya? Katapusan na ng mundo ko ‘pag nagkataon! Mabilis kong nahuli si Brin na agad namang nagtaas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. Kinurot ko siya sa tagiliran at bahagyang hinila ang buhok niya. “Aww. Ang sakit nu’n!” reklamo niya. Umamba akong iisa pa kaya lumayo siya agad. “Kainis kang bruha ka!” “Ayaw mo nu’n? Napansin at nakausap mo crush mo.” “Aba, talagang!” lumapit ako sa kanya at hinila ulit ang buhok niya. “Hey, stop it guys.” Awat ni Drei na kanina pa tahimik na nanonood sa amin. Agad na tumakbo si Bri sa likod ni Drei para magtago at dumila pa sa’kin para mang-asar. Inis akong napabuga ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Nakakahiya. Pa’no ako uuwi niyan! Pumasok kami sa klase nang masama ang tingin ko kay Bri. Hindi tuloy ako nakapag focus sa klase dahil nasa isip ko parin kung ano ba ang iniisip ni Storm ngayon. Inisip niya kaya na nababaliw na ‘ko? O baka inisip niya na sinungaling ako? O kaya… Inisip niya na may gusto ako sa kanya kaya ako nahihiya? Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. “Argh! Kainis!” “Sinasabi mo bang nakakainis ang subject ko, Ms. Borromeo?” Agad akong napaangat ng tingin at biglang nag sink in sa akin na nasa room pala ako at halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa’kin. “A-ah hindi po, Miss. A-ano po, ‘yung buhok ko po kasi makati. O-opo, makati po kaya nakakainis… ‘yung kuto.” Nagtawanan ang mga kaklase ko at halos gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Sinamaan ko ng tingin si Brianna na tatawa tawa pa, si Drei ay napailing na lang. Napabuntong hininga ako at mariing napapikit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD