HAWAK-HAWAK ko ang notebook ko at hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ba ‘ko habang nakatayo sa labas ng kwarto ni Storm.
Alas dose na ng madaling araw at hindi pa ako tapos sa inaaral ko. Balak ko sanang itanong kay Storm ‘yung question na hindi ko talaga makuha kuha kanina pa. Pagkatapos ng dinner namin ay nagsimula na akong mag-aral pero na-stuck ako sa iilang questions na hindi ko alam kung pa’no sasagutan at ngayon nga ay nagpasya na akong humingi ng tulong kay Storm.
Okay. Inhale, exhale. Kaya mo ‘yan, Shan. Magtatanong ka lang.
Kumatok ako ng tatlong beses at kagat labing nag-antay. Ilang segundo ang lumipas at walang sumasagot kaya kumatok ako ulit at dinikit ang tenga ko sa pintuan para marinig kung gising pa ba siya, ang kaso ay halos madapa ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ni Storm na nakapantulog na.
“Anong kailangan mo?” tamad na tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko at tinaas ang hawak kong notebook. “A-ah, a-ano kasi… papatulong sana ako.”
Tiningnan niya muna ako sandali bago kinuha ang notebook na hawak ko at pumasok sa loob. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok o ano, kaya nagpasya akong manatili na lang sa labas ng pintuan niya.
Wala pa atang limang minuto ang lumipas nang muli siyang lumabas at walang ganang inabot sa’kin ang notebook ko na agad ko namang kinuha at ngumiti.
“Salamat, good night.” Nakangiting ani ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko.
Tiningnan kong mabuti ang solution na sinulat niya at namangha ako sa kung paano niya ‘yun sinolve. Maiksi pero detalyado.
“Ahh… ganu’n pala ‘yun.” Masayang ani ko sa sarili nang maintindihang mabuti kung paano niya nakuha ang sagot.
Napailing iling ako dahil sa sobrang dali ng solution ni Storm. Malayo siya ro’n sa original na solution na tinuro sa libro pero mas madali ang sa kanya at kahit titigan mo lang sandali ay makukuha mo na agad ang sagot.
Napabuntong hininga ako at nangalumbaba sa ibabaw ng table ko. “Hay. Ang talino niya talaga.”
Matapos ang ilang minutong paghanga kay Storm ay sinmulan ko nang sagutan ‘yung ibang question na nilaktawan ko kanina habang gamit ang formula ni Storm at nakahinga ako ng maluwag nang tugma ang sagot na nakukuha ko sa nakasulat sa libro. Hindi ako makapaniwala na ang equations na halos bumaliw sa’kin ay pwede naman palang paiksiin. Napabuntong hininga ako at nag-unat unat bago humiga sa kama. Alas tres na ako natapos kaya hindi nakakapagtakang mabilis akong nakatulog.
“Omg, Shan. Pa’no mo nakuha ‘to?” turo ni Bri sa questions na sinagutan ko kagabi gamit ang formula ni Storm. Nandito kami sa room at naghahanda para sa long quiz mamaya maya lang.
“Ganito…” tinuro ko sa kanila ‘yung formula na natutunan ko kay Storm na agad naman nilang naintindihan.
“Woa. Ganu’n lang pala kadali ‘yan?” namamanghang ani Bri nang matapos ako sa pagpapaliwanag.
“Hindi ko alam na may iba pa lang formula na pwedeng gamitin diyan na mas madali at maiksi.” Naiiling ani Drei.
Ngumiti ako at umakbay sa kanilang dalawa na nasa magkabilang gilid ko. “Talino ni Storm ‘no?”
Umirap si Bri at natawa naman si Drei.
“Parang nu’ng isang araw lang ay mukha kang walang pakialam sa kanya, tapos ngayon ay mukhang aagawan mo pa ‘ko ng ka-forever.” Nakabusangot na saad ni Bri.
“Naku, hayaan mo na ‘yan si Shan. Once in a blue moon lang ‘yan magka-crush.”
Nagkibit balikat si Bri at siniko ako. “Osige na nga, pero ‘pag nagustuhan ako ni Baby Storm, pasensya na pero hindi ko na siya ipapaubaya sa’yo.”
Natawa ako sa sinabi niya kaya humarap ako sa kanya at kinurot siya sa pisngi.
Umayos kami ng upon ang pumasok ang Professor at walang anu-anong namigay ng questionaires. Napangiti ako nang makita ang mga inaral ko kagabi at for the first time sa loob nang ilang taon ay naging confident akong magsagot ng questionaires. Namangha pa ako nang makita ang ilang mga tinuro sa’kin ni Storm tuwing session namin kaya nakangiti ko ‘yong sinagutan.
Matapos ang 30 minutes ay tumayo na ako at pinasa ang papel ko. Gulat na nagsitinginan sa akin ang mga kaklase ko at kahit ang Professor ko ay nagulat dahil ako ang unang nakatapos. Dalawang oras ang nakalaan na oras niya kaya lumabas na ako sa room dahil tapos na ako. Sumenyas ako kanila Drei at Bri na pupunta akong library at sumunod na lang sila.
Nakangiti akong naglakad papuntang library at tahimik na pumwesto sa pinaka dulong upuan. Nag unat unat ako saka inilabas ang mga libro sa bag ko.
Tahimik akong nagbabasa nang history book ko nang may umupong apat na babae sa mesang malapit lang sa’kin.
“Naka perfect na naman si Storm, grabe talaga.” Kinikilig na ani ng isa.
“Hayy, kailan kaya siya mapapasakin. Pwede na akong mamatay kapag sinagot niya ‘ko.” Ani ng nasa kanan.
Hindi ko na maituon ang atensyon ko sa binabasa ko at nanatiling nakikinig ng palihim sa kanila.
“Galit na naman siguro ‘yun si Gab, halos sa lahat ng quizzes ay nalamangan siya ni Storm.”
“Sabagay, hindi naman natin siya masisisi. Simula nang dumating si Storm dito lagi na lang siyang pangalawa.” Naiiling na komento ng isa.
“Hindi naman kasalanan ni Storm ko kung masyado siyang matalino.”
“Favorite na nga siya ni Dean, my god, sobrang ideal niya talaga.”
Sinarado ko ang libro ko habang napapailing na lumabas ng library. Hindi naman na rin ako makakapag focus ro’n dahil pinagpapantasyahan ng mga babaeng ‘yun si Storm. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo siya at matalino pa. Sino ba naman ang ‘di magkakagusto sa kanya.
“Shan?”
Napahinto ako sa paglakad nang marinig ang pamilyar na boses. Lumingon ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gab.
“Uy, Gab. Hi.” Nakangiting bati ko.
“Saan ka? ‘Di ba may klase ka?” tanong niya nang tuluyang makalapit sa’kin.
“Natapos ko ng maaga ‘yung quiz namin kaya galing akong lib.”
Tumango tango siya at napakamot sa batok. “Ah. Saan ka na niyan?”
“Sa cafeteria, do’n ko na lang iintayin sila Bri.”
“Samahan na kita, napaaga rin ang labas ko eh.”
Tumango ako at ngumiti. “Sure.”
Medyo close kami ni Gab dahil simula noong elementary kami ay palagi kaming magka-partner sa pageant kapag nananalo. Last year din ay kami ang nanalong Mr and Ms. Safami at wala na akong balak na sumali ngayong taon dahil graduating na ‘ko.
“Kamusta?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Eto, aral na aral na.” frustrated na sagot ko na ikinatawa niya.
“Kayang kaya mo naman ‘yan.”
“Naku, kung alam mo lang ang paghihirap ko baka hindi ka na makatawa diyan.”
Lalo siyang natawa at ipinaghila ako ng upuan nang makarating kami sa mesa.
“Thank you.” Ani ko nang makaupo.
“Sabi mo kamo ay maaga kang natapos sa quiz, ibig sabihin basic lang sa’yo ‘yun.”
“Well, medyo.” Proud na saad ko, “Pero hindi ko parin alam kung maipapasa ko na ang finals.”
“Naniniwala naman akong papasa ka.”
Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. “Walang sisihan kapag nadisappoint ha.”
Tumawa rin siya at napailing.
Umorder kami ng sandwhich at juice habang masayang nagki-kwentuhan patungkol sa mga subjects na mahirap. Kahit na sinabi niyang nahihirapan siya ay parang hindi naman ako naniniwala dahil matataas palagi ang scores niya.
Ilang taon din siyang consistent na top 1, nabago lang nang dumating si Storm.
“Hindi ka naman ba nalungkot na nandiyan si Storm?” saka ko lang na-realize ang naitanong ko at agad na napakagat ng labi.
Tumawa siya ng mahina. “Okay lang, ano ka ba. Well, medyo. Hindi siguro kasi ako sanay, alam mo naman palagi akong nauuna noon pero mas gagalingan ko ngayon. Ayos na rin 'yun, para naman may thrill 'di ba?”
Tumango ako at iniba na ang topic. Gusto kong sampalin ang bibig ko dahil sa naitanong ko. Kahit naman alam kong pinag uusapan ‘yun ng lahat ay nakakahiya parin. Baka isipin ni Gab na tsismosa rin ako.
Natigil ako sa pagtawa nang makita kong dumaan si Storm kasama ang tatlong lalaki. Mukha siyang tamad na tamad at tahimik lang na naglalakad habang nakapamulsa. Akalain mong may kaibigan na pala siya agad? I mean, sa ugali niya at sa awra niya ay inisip kong hindi siya makikipagkaibigan sa kahit na kanino. Saka ‘yung itsura ni Storm ay nagsusumigaw ang salitang ‘snober’
“Shan?”
Napabaling ang tingin ko kay Gab nang tawagin niya ako.
“Ha?”
“Hindi ka naman nakikinig, sino bang tinitingnan mo?”
Lilingon na sana si Gab pero agad ko siyang napigilan. “Wala ‘yun, akala ko lang kakilala ko. Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo?”
Nagsalita ulit si Gab at tumango tango ako habang ang paningin ko ay sumulyap sa kinaroroonan ni Storm ng isang beses bago tuluyang itinuon ang atensyon kay Gab.
Pero hindi ko mapigilan ang mapalingon ulit sa kanya at agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang lumingon siya sa gawi ko. Mabuti na lang at agad akong nakaiwas ng tingin dahil talagang nakakahiya kung mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Confirm. Gusto ko nga siya.
Delikado.