Chapter 14

1222 Words
“NANDITO ka lang pala, hanap kami ng hanap sa’yo doon sa library sabi mo kasi ay du’n ka pupuntang bruha ka.” Hinihingal na saad ni Bri nang makalapit sa table namin. “Hi girls.” Bati ni Gab sa kanila. “Uy, Gab. Kamusta?” masayang bati ni Bri at hinila si Drei para maupo. “Ayos naman, kamusta quiz?” “Ayon, madugo pa rin.” Nakangusong sagot ni Bri at tumingin sa’kin, “Itong si Shan lang naman ang ‘di masyadong nahirapan.” Agad akong napailing at natawa ng mahina. “Anong hindi? Mahirap kaya.” Umalis si Drei para umorder ng pagkain nila ni Bri at sa totoo lang ay gusto kong sumama dahil malapit sa counter ang pwesto nila Storm. Nababaliw na nga ata ako. Tinawag si Gab ng mga kaibigan niya kaya agad siyang nagpaalam sa amin. “Anong ganap? Bakit magkasama kayo?” usisa ni Bri. Napairap ako sa tanong niya. “Nagkasalubong lang sa library.” Walang ganang sagot ko at tumingin ulit sa gawi nila Storm. Nilingon ni Bri ‘yung tinitingnan ko at agad na ngumisi sa’kin. “Ay sus, si Baby Storm ko na naman ang pinagpapantasyahan mo.” Naiiling na aniya. “Rinig ko kanina sa library na siya na naman highest sa lahat ng quiz nila.” “Matik na ‘yun, girl ano ka ba. Sabi ko naman sa’yo, walang katulad ang brain niyan. Saka ‘di ba tutor mo ‘yan, dapat alam mo na ‘yun.” Natawa ako sa sinabi niya at hindi na nakasagot nang dumating si Drei. Kumain lang sila ng snacks nila habang nakatingin ako sa kanila. “Baka mamaya ay ikaw ang highest sa quizzes natin, Shan.” Nakangiting ani Drei. “Syempre, alagang Storm eh.” Kumindat pa si Bri kaya nahampas ko siya nang plastic ng burger niya. “Hindi ko sure, pero may chance na makapasa ako ngayong finals kung pagbubutihan ko.” “Malay mo naman makasama ka sa top 50.” Napairap ako dahil imposible ang sinasabi niya. “Asa pa ‘ko.” Tumawa lang kami at nagpalipas lang ng ilang minuto bago tumayo. Humuling sulyap pa ako kay Storm bago kami tuluyang bumalik sa room. Puro quizzes ang ginawa namin dahil malapit na naman ang finals. Sa susunod na lingo ay puro recitation naman ang gagawin kaya madugo-dugong aralan na naman ang gagawin ko. Pagkasakay ko ng sasakyan ay hindi agad pinaandar ni Manong. Hindi na ako nagtanong dahil medyo inaantok ako. Nakasandal ang ulo ko sa upuan at nakapikit ang mata ko nang maramdaman kong may pumasok at tumabi sa akin. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na tiningnan kung sino ‘yun hanggang sa maramdaman kong umandar ang kotse. “Wala pa si Sir, baka gabihin.” Rinig kong saad ni Manong. “Na sa We Care po?” “Oo ata.” ‘Yun ang huling narinig ko bago ako ako tuluyang nakatulog. Napabangon ako agad nang maalimpungatan ako. Kinusot kusot ko ang mata ko at napansing sobrang dilim na sa labas. Suot ko pa rin ang suot ko kanina at nakamedyas pa. Napahirapan ko na naman si Manong na magbuhat sa’kin. Napailing ako at agad na pumasok ng banyo para maligo. Nagugutom na ‘ko kaya mabilis lang akong nag shower at nagsuot ng pantulog. Nandiyan na kaya si Dad? Teka, may session kami dapat ni Storm! Napatingin ako sa orasan at nakitang alas nwebe na ng gabi. “Magaling ka talaga, Shan. Tinulugan mo na naman.” Napatampal ako sa mukha ko dahil nanghihinayang ako. Malapit na ang exam at may darating pa kaming recitation kaya dapat ay nag-aaral ako ang kaso ay masyado akong inaantok agad nitong mga nakaraan after ng school. Nanlulumo akong bumaba ng hagdan at nakitang tahimik ang buong sala. Dumeretso ako sa kitchen at nakita roon si Storm na tahimik na nagkakape. “Finally.” Napaawang ang bibig ko at nagtataka siyang tiningnan. “Bakit?” “Anong bakit? Ayaw mo bang mag-aral?” kunot noong tanong niya. “Pero alas nwebe na, ayos lang ba sa’yo? Kasalanan ko naman na nakatulog ako kaya ‘wag ka na mag-abala.” Nahihiyang sagot ko. “Tsk. Eat your dinner then we’ll start.” Aniya at umalis ng kitchen habang dala dala ang tasa niya ng kape. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko at napangiti ako dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay ako lang mag-isa ang mag-aaral ngayon, buti na lang gising pa siya. Agad akong kumuha ng dinner ko at tahimik na kumain. Iniisip ko kung anong subject ang ipapaturo ko ngayon kay Storm, mas okay kasi kung mas paglalaanan ko ng oras ‘yung subject na mas nahihirapan ako. Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag toothbrush at kunin ang mga libro ko. “Kamusta ang quiz?” Nagulat ako at hindi ako nakasagot agad. Hindi ko akalain na tatanungin niya sa’kin ‘yun. “Ha? A-ah, ayos naman. Y-yung tinuro mo, lumabas.” “Mabuti naman.” Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang daliri ko habang nakayuko. “M-may sasabihin ako.” “Hm?” Napalunok ako at pikit matang nagsalita. “G-gusto kong makasama sa top 50.” Alam kong imposible, ilang ulit na naming pinag uusapan ‘yun nila Bri pero gusto ko talaga. Bago man lang sana ako gumraduate, maranasan ko ‘yung mapasama sa study room. Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya dahan dahan akong dumilat at pilit na ngumiti. “A-alam kong imposible…” “Buti alam mo.” Napaawang ang bibig ko at pinanghinaan ng loob. Sabi ko na nga ba’t ‘di siya papayag na tulungan ako. Imagine, nasa lower section tapos mangangarap na mapasama sa top 50? Sino nga namang siraulong papayag do’n. “Pero sige.” Napabuntong hininga ako at pinaglaruan ang kuko ko. “Alam ko namang hindi ka papayag, naiintindihan ko rin.” “Ang sabi ko, sige.” “Oo nga, ayaw mo nga. Thank you pa rin.” Oo na, ang sabi niya ay sige raw. Alam ko naman… ANO DAW? “Ha?” nanlalaki ang matang tanong ko. “Ano ulit ‘yun?” “Bingi ka ba?” “Medyo nabingi ako.” “Ang sabi ko, sige. Tutulungan kita, pero ‘wag mo akong asahang maghimala.” “A-ano?” halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nu’n, “Seryoso ka?” “Ayaw mo? Ok, binabawi ko na.” Napatayo ako at ilang ulit na umiling. “Hindi, gusto ko. Gusto ko.” Halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang lapad ng ngiti ko at kung wala lang sa harap ko si Storm ay baka nagpagulong gulong na ako sa tuwa. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tiningnan siya. “Thank you.” Tumango lang siya at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga libro. Hindi ko alam kung pa’no ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa man ako nakakapasok sa top 50 pero sobrang saya ko na. ‘Yung fact pa lang na tutulungan niya ako ay sobra sobra na para sa’kin. Tiningnan ko si Storm at hindi ko akalaing papayag siya. Sobrang na-appreciate ko siya, hindi naman pala siya ganu’n kasungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD