After dancing bumalik sila sa kanilang table. “I am grateful to have you all in this event. Tonight I consider this moment as mine.” Boses ni Roger ang umagaw sa attention ni Chanylle. Nakatayo ito sa gitna ng marangyang entablado hawak ang microphone. Mas naging lively ang paligid. “Gusto ko lang ipakilala ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso!” Hindi maintindihan ni Chanylle ngunit sa mga sandaling iyon ay naging balisa siya lalo na at nakatitig sa kanya ang binata o baka ilusyon niya lang iyon. Pasimple niyang sinulyapan si Jordan. Napansin nito marahil na nakatitig sa kanya si Roger. Nakasimangot ito bigla. “Aside from being business partners, kilala mo ba siya?” seryosong tanong ni Jordan. Hindi makasagot si Chanylle. Hindi niya alam kung kailangan niyang sabihin ang to

