Tahimik lamang si Chanylle na nakamasid sa puntod ng mga magulang. Pagkatapos niyang asikasuhin ang lahat ng bagay patungkol sa kanyang mga magulang ay dumalaw rin siya sa wakas sa puntod ng mga ito. Nalaman niya rin na wala na ang negosyo ng dalawa dahil unti-unti palang nalugi noong nabubuhay pa ang mga ito. Sinabi niya ang lahat ng nais niyang sabihin sa harapan ng puntod ng mga ito. “Mom, Dad, I know that it is too late telling my feelings right now, If I can go back to the time before, gagawin ko ang lahat bagay na makakapagpasaya sa inyo. I will be the best daughter on earth pero wala na po kayo. I'm tired and don't know what to do. Mom, Dad I love you both. Please forgive me, at pinapatawad ko na rin kayo.” saad ng dalaga. Tahimik lamang siyang umiyak. “Sana mapatawad mo rin ak

