Episode 11

562 Words
Naunang pumasok si Marcus sa napaka gandang mansion na pag aari niya. Di na niya ako pinasama sa Mama niya. Ngunit mas gusto kong dun tumira. Takot ako sa kanya. Sa maari niyang gawin sa akin. Alam ko naman namumuhi siya sa akin. Napilitan lang siya. Pag pasok ni Marcus kasunod ako sa likod ay nag hihintay ang mayordoma niya at 3 kasambahay. Binati nila si Marcus ngunit ako ay hinde nagtataka sila na may kasama si Marcus. Nay Loleng ikaw na ang bahala kay Sophia. Bahala kayo kung saan siya patulugin. Siya ang pinakasalan ko. Pinilit ni Mama at Papa. Ako'y napa yuko sa kahihiyan sapagkat naririnig ng iba ang kanyang sinasabi. "Huwag kang mag astang reyna dito. Di kita itinuturing na asawa. Bigyan nyo ng gawaing bahay iyan Nay Loleng". Naka tingin sa akin si Nay Loleng ngunit wala akong marandaman na kahit anu sa kanya. Parang naiinis pa nga sila. Alam kong di ako gusto ni Nay Loleng at ng mga kasambahay dito. Di ako ang gusto nila para sa Senorito Marcos nila. "Halika na Ineng. Anu nga ang pangalan mo?" Tanung ni Nay Loleng habang nakikinig ang 3 kasambahay sa kanyang likuran. "Ako po si Sophia..ahhh maari nyo na po bang ituro ang aking kwarto upang madala ko na ang aking mga gamit. At nang maturuan nyo na po ako sa mga dapat kong gawin. Katulad po ng Sinabi ni Senorito Marcus ako po ay dagdag na kasambahay dito." Parang may nakita akong awa sa kanyang mga mata ngunit panandalian lang. Ayaw kong ilapit ang sarile ko sa kanila. Alam kong mag isa lang ako dahil wala na ang aking Inay at ang lola ko. Sila lang ang tunay na namamahal sa akin. Inilalayo ko ang sarile ko sa lahat. Naglagay ako ng di nakikitang pananggalang sa aking sarile sa puso ko. Upang di na ako masaktan. Dinala ako sa isang maids room. Maayus at malinis naman dito. Mag isa lang ako sa kwarto at laking pasalamat ko dahil mag isa ako sa kwarto na ibinigay sa akin. Pumasok ako sa aking kwarto. Malinis kulay puti ang pintura may isang maliit na kama, may maliit na banyo. May isang electric fan. May maliit na bintana na puedeng buksan upang pumasok ang hangin ngunit may grills. Feeling ko ay isang kulungan na habang pabahon kong tutuluyan. Naupo ako sa kama at tumingin sa bintana. Iniisip kung anu ang mangyayari sa akin. Nakaalis nga ako sa aking ama ngunit inilipat lang ako sa panibagong kulungan na mas nakakatakot. Anu ang mangyayari sa akin dito. Gusto kong umalis at magpaka layo layo nalang. Doon sa isang probinsya na malayo sa mga kaguluhan. Malayo sa kanila upang di na masaktan ang aking kalooban. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking mga pisngi at sinabi sa sarile na "Sophia konting tiis nalang makakaya at makaka alia ka rin sa iyung piitan. Sabay hinga ng malalim at tayo upang ayusin ang aking mga gamit at ilagay sa isang maliit na kabinet. Konti lamang ang aking gamit kaya kasyang kasya lang naman. Nagulat ako sa pagkatok sa aking pinto. Kinakabahan ako dahil siguradong sa pag bukas ng pinto ay dito na magsisimula ang panibagong yugto ng aking buhay. Sa piling ng aking asawa na si Marcus na ang turing sa akin ay isang mababang uri ng tao. Isang hamak na anak sa labas isang katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD