Pag bukas ko ng pinto ng aking kwarto ay nakita ko ang isang katulong. Sinabi na pinapatawag na daw ako ni Senorito Marcus sa kanyang study room.
Nagulat at kinabahan ako. Bakit niya ako pinapatawag. Bakit niya ako kakausapin. Halos di makalakad ang aking paa. Nanginginig ang aking katawan sa takot.
Iniisip kung ano na namang masasakit na salita ang kanyang sasabihin sa akin. Gusto kong kausapin ang katulong na kasama ko. Siguro ay mas matanda siya sa akin. Tanungin ang kanyang pangalan ngunit halatang ayaw niyang makipag usap sa akin.
Nahihiya akong kausapin siya. Naka sibangot siya habang naglalakad kasama ko papunta sa study room.
Nilakasan ko ang loob na siya ay kausapin. "Ate puede ko bang malaman kung bakit ako ay pinapatawag. Puede ko rin po bang malaman kung pag labas ng mansion ay may masasakyan po ba?"
Napatingin siya sa akin ng naka kunot at sinabing. "Di ko alam at bawal pong lumabas ng mansion ng walang pahintulot ni Senorito Marcus" masungit na sagot niya sa akin. Tumahimik at yumuko na lang ako habang naglalakad kasunod niya.
Pag tapat sa isang silid ay kumatok ang katulong at narinig ko ang boses ni Marcus at sumagot na pumasok na daw ako. Napa tingin ako sa katulong at nakita ko siyang napa ngisi sa itsura ko na takot na takot.
Oo. Takot ako kay Marcus sa maari niyang gawin sa akin. Sapagkat naalala ko pa ang sinabi niyang ang sinabi niyang "welcome to hell" he will make my life a living hell. Sapagkat napilitan siyang pakasalan ako.
Pag pasok ko sa loob ng study room. Napansin ko ang napaka raming libro ang magandang pagkaka ayus na parang isang mini library na. At sa kabilang side ay ang kanyang napaka laking table at office chair.
At si Marcus ay nakatalikod sa akin naka harap sa bintana. Pagharap niya ay naka tingin sa akin ng matiim sa sobrang titig niya sa akin ako ay natatakot. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isang glass na naglalaman ng mamahaling alak.
Nakita ko ang bote ng alak na nakalapag sa kanyang office table. Binaba niya ang baso sabay lakad palapit sa akin. Habang naglalakad palapit sa akin ako naman ay halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib sa kaba at takot sa kanya.
Habang palapit siya na parang isang mabangis na leon na nakita ang kanyang sisilain ako naman ay unti unting napapa urong. Ngunit nabigla ako ng siya ay magsalita.
"Stay where you are" Boses na buong buo at matang titig na titig sa akin at naka tiim bagang. Sa sobrang takot ko ay napa hinto at yumuko nalang ako. Sabay pikit ng aking mga mata.