"Look at me" Iyan ang sinabi ni Marcus sa akin. Ngunit di ko kayang tumingin sa kanya sa takot ko. Ako ay napaurong pa rin. Gusto ko na halos kumaripas ng takbo sa labas.
Napa singhap ako at nagulat sa bilis ng lapit niya at biglang hinawakan ng mahigpit ang aking magkabilang braso. Sobrang higpit.
"I said look at me di kaba nakakaintinde? Binge kaba? Kapag sinabi kong tumingin ka sa akin tumingin ka..." Sigaw ni Marcus sa akin.
Bigla kong inangat ang aking mukha upang makatingin sa kanya. Nakita niyang nangingislap na ang aking mata at malapit ng lumuha. Ngunit wala siyang paki alam hawak pa rin niya ako ng mahigpit at ang kanyang mata ay nangingislap sa galit.
"Please Marcus bitawan mo ako. Pangako susunod na ako sa lahat ng pinag uutos mo. Wag mo lang akong sasaktan. Nakikiusap ako". Pinipilit kong tanggalin ang kanyang ang aking mga braso na hawak niya ng mahigpit. Ngunit ayaw niyang bitawan.
Nakatingin siya sa akin na tila gusto akong lapain. "Ako ang masusunod sa pamamahay na ito. Di ba sinira mo ang buhay ko. Nagalit sa akin si Mama at Papa. Pwes sisirain ko rin ang buhay mo". Galit na galit niyang sabi sa akin. Sabay bitaw pahagis sa aking mga braso.
Ako'y napa urong sa lakas ng pagkakahagis. Wala man lang siyang pakialam kahit namumula at nagka pasa na ang aking braso. Parang mas natuwa pa nga siya dahil nangislap ang kanyang mata at napa ngise siya sa akin. Nakita niya ang mga pasa ko.
"From now on bawal kang lumabas ng bahay ng walqng pahintulot ko. Hinde ka bisita dito kundi isang katulong na kung anu ang inutos ko at ni Mana Loleng ay dapat mong sundin at gawin. Ayaw ko ng tamad sa pamamahay ko".
Bawal kang makipag usap sa mga kaibigan mo. At huwag na huwag kang makikipag usap at lalandi sa mga lalaki. Tandaan mo nasa iyo ang apelyido ko. Hanggat kasal ka sa akin ay akin ka. Lahat ng karapatan ay nasa akin. Maliwanag ba?
Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. Ngunit napag isip isip ko bakit nga ba ako magugulat sa mga sinabi niya sa akin. Isa lang akong utusan at mababang uri ng tao. Siya ay isang maka pangyarihang tao sa lipunan. Isang bilyonaryo na lahat ng naisin ay nakukuha. Wala akong kalaban laban sa kanya.
Lumabas na ako ng Study room na nagmamadali sa takot na baka ako ay saktan niya uli. Habang naglalakad ay himas himas ko ang nabanakit na mga braso ko. Napa ngiwi ako aa sakit at pasa na nakita ko.
Sa aking paglalakad ay bigla kong nakasalubong ang mayordoma na si Aling Loleng. Nagkita ang aming mga mata. Ako ay umiwas at napayuko na lamang. Tahimik siyang nakatingin sa akin waka akong makitang awa sa kanyang mga mata.
Nagmamadali tuloy akong maglakad upang maka balik na sa aking kwarto dito sa maids room. Gusto ko ng magpahinga ipikit ang aking mga mata at isiping isang bangungot ang nangyayari sa aking buhay.
Kailan ba magiging maayos at masaya ang aking buhay. Walang nagmamahal sa akin ng tunay. Sana naman ay makalaya na ako. Ang gusto ko lang naman ay may tumanggap sa akin. Magkaroon ng sariling pamilya na magmamahal at magmamalasakit sa akin.