"Mabuti naman at wala na ang bantay mo." Umaliwalas ang mukha ni Gail nang malingunan papalapit na si Chad "I've been trying to get a chance to get near you again kaso ang higpit ng taga-bantay mo?" "Bantay?" sabay kunot ng noo."Ah, you mean si Eman?" Ipinamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na slacks bago tumango. "Katrabaho ko siya. And he's not my bantay kasi ibang babae ang binabantayan niya kanina." Natatawang saad niya. Tuluyan na itong tumabi sa sa kanya sa kinauupuan. Napansin ni Gail ang palitan ng makakahulugang tingin ng mga kasama at mataktikang isa-isang nagsilayo. Iniisip marahil na chance na niya iyun upang maka-bingwit ang isa sa mga big-bosses. Kung alam lang ng mga ito kung sino siya. Kumuha siya ng wine sa waiter at akmang iinumin ng pigilan siya ni Chad. "

