Napalingon siya mula sa pagkakahawak sa barandilya ng grand pavilion sa mansyon ng mga Martinez ng maramdamang hindi siya nag-iisa sa lugar. "A-Aaron," gulat niyang sambit nang makita ang lalaki. Naimbitahan silang mag-anak ni Augusto Martinez upang sa mansyon mag-dinner. Pinauna na siya ng magulang dahil manggagaling ang dalawa sa isang event na dinaluhan ng mga ito. Naglakad ito palapit sa kanya. Nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na shorts at pumuwesto ilang dangkal mula sa kanya. Mula sa sinag ng buwan ay napansin niyang nakasuot ito ng simpleng t-shirt at bahagyang namamasa pa ang buhok. Pero kahit magkaganuon ay napaka-kisig parin nito sa paningin ng dalaga. Naamoy niya ang body wash na nanggagaling rito na nanunuot sa ilong niya. "Bakit mag-isa ka rito?" "I'm waiting for mom

