Pinasadahan ni Gail ang mukha ni Second Lt. Hans Joseph Monteblanco. Unlike ng unang beses niyang ma-meet ito'y masyadong seryoso ang binata ngayon. Dahil marahil sa pagkakatalaga rito bilang pansamantalang OIC ng headquarters sa Quezon. The infamous Hans Joseph Monteblanco. Ang lalaking forever in love kay Angela pero walang lakas ng loob lapitan ang kaibigan. Hmmm, he's definitely something. And still strikingly handsome sa paglipas ng panahon. She called him classic years ago dahil sa tipo ng mukha nito na hindi mo pagsasawaang tignan. Pagkatapos ay inilipat niya ang tingin mula rito sa katabing sundalo na sumundo sa team nila sa Maid Cafe kanina na si Lt. Alexander Amigable. At kung inaakala niyang si Aaron na ang lalaking hari ng simangot at kaseryusuhan ay nagkamali siya. Dahil na-

