"Gail?" alanganing tinig mula sa likod. Lumingon si Gail at agad kumislap ang mga mata nang makilala ang tumawag. "Richard!" "I told you call me Chad." Nangingiting sabi nito at iginiya siya sa sa kalapit na table. "Sinong kasama mo?" Nasa Maid Cafe sila. "Wala akong kasama. Ikaw?" Umiling ang binata. "Then it's settled. Kunwari'y sa labas tayo nagkita at sasabihin kong, let's have a cup of coffee," biro nito. She agreed. They occupied the table near the window. Ang lalaki ang nag-order pagkatapos siyang tanuning kung ano ang gusto niya. Ilang minuto lang din ay bumalik ito bitbit ang order nila. "So, how are you?" tanong ng lalaki pagbalik nito galing sa counter. "I'm fine," hanggang tenga ang ngiting sagot niya. Strange, how she felt so excited just by meeting one of Aaron's fri

