Time Stop 22

2366 Words
"Wag ka munang umuwi,"  naramdaman niya ang braso ng nobya na pumulupot sa baywang niya. "You know that I cannot stay,"  humarap siya dito at hinalikan ito sa labi.  "The twins are waiting for me." Violet pouted her lips.  Alam niyang nagtatampo ito sa kanya dahil nitong mga nakaraang araw ay halos wala na siyang oras dito.  He's been busy juggling his time in school, work and taking care of his kids.  Magkita man sila sa eskwelahan ay sandali lang.  Kahit si Louise ay hindi na niya napagkikita pero nababalitaan naman niyang dumadalaw ito sa mga bata araw araw. "Naiintindihan ko naman iyon eh, kaso talagang sobrang namimiss lang kasi kita talaga," inabot nito ang mukha niya at hinalikan siya sa labi.  "I love you." "Love you too,"  ngumiti siya dito.  "O sige, ganito na lang......let's go out tomorrow, with the kids,"  nagliwanag ang mukha nito.  "Susunduin ka namin." "Saan naman tayo pupunta?"  natutuwang tanong nito.  Kitang kita ang excitement sa mukha. "How about in the amusement park?  The kids will surely enjoy it,"  she nodded, agreeing with his idea, but he could see the disappointment in her eyes.  "Hon,"  he took her hands.  "I will make up to you, I promise,"  then kissed it.  "It is just that......" She pressed her lips on his.  "Sshhh.....wala kang dapat ipaliwanag.  Nagiging masyado lang akong demanding talaga," narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Pero anong magagawa ko, talagang namimiss na kita eh." And he's guilty.  Nawawalan na kasi talaga siya ng oras dito.  "Minsan nga, pinipigilan ko na lang ang pagka-miss ko sa iyo eh.  Kaya pinapagod ko na lang ang sarili ko sa trabaho sa school." Napakunot-noo siya ngunit agad iyong napawi nang may maisip.  Itinaas niya ang mukha nito at pinaka-titigan.  "I have an idea," ibinitin niya ang anumang sasabihin.  Hinaplos niya ang mukha ni Violet. "Ano nga?" tinampal siya nito sa dibdib.  "Pa-suspense!"  kunwa ay sumimangot ito pero nakikita naman niyang nagpipigil lang ng ngiti.  "Stop staring!  Alam kong maganda ako!" "Yeah yeah,"  he rolled his eyes.  "Conceited,"  he pinched her nose and kissed her lips.  "Okay, hear this.  I am thinking of taking you under my wing as my assistant."   "Oh my!"  napatakip ito ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.  "Hindi ka nagbibiro?"  nakangiting umiling siya.  "Sigurado ka?"  Tumango naman siya bilang sagot.  Maya maya ay napasimangot ito at nagbabantang tumulo ang luha na ipinag-alala niya.   "Hey.......did I say something wrong?"  hinawakan niya ang mukha nito.  "Hon....." Umiling ito at ngumiti.  "Kasi yung sinabi mo, nakakaiyak........hindi mo alam kung gaano ako kasaya." "Iyakin!"  ginulo niya ang buhok nito.  "I am neglecting my duty as your boyfriend.  At least kapag magkasama tayo sa trabaho, mas magiging madalas ang pagkikita natin." Niyakap siya nito ng mahigpit.  "I love you so much, Hon!  And thank you.  Malaking tulong ito sa tuition ko." Gumanti siya ng yakap at hinalikan ito sa ulo.  "I know that.  At least, beneficial sa atin pareho ang gagawin mong pag-lipat ng trabaho." "Pero....."  lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at tumingala.  "Pero alam na ba ito ni Louise?"  napakunot noo siya sa tanong na iyon.  "Alam na ba nya, ha?" "Why does she have to know?"  takang tanong niya.   "Syempre, di ba ang tagal nyong dalawa.....tapos parang kayo pa din kahit di na naman......tapos sya pa ang tumatayong mommy ng mga anak mo.  So di ba dapat aware siya sa mga gagawin mo?"   Natawa siya ng mahina sa sinabi nito.  "Silly.  She doesn't have to know.  Besides, she's busy with her life." "Pinupuntahan nya ba ang mga bata?"  tumango siya sa tanong nito.  "Lagi?" "Almost every day.  Hindi naman nun matitiis ang mga bata eh.  They grew up with her and my children loves her." "Pero ako, hanggang ngayon, hindi pa rin sila ganoon kalapit sa akin,"  napasimangot ito.  "Hahalik lang tapos hindi na ako papansinin." "Dalawin mo kasi sila kapag may time ka.  Syempre, you are still a stranger to them.  Unlike Louise, who became their mother since they were a baby." "Gusto kong maging parte ng buhay nila, Hon." "Then make yourself be a part of their life.  Wala namang pumipigil sa iyo.  Welcome ka naman sa bahay." "Alam ko naman iyon pero syempre, kapag wala ka, nakaka-ilang namang gumalaw sa bahay nyo.  Nahihiya ako sa parents mo,"  muli itong sumimangot.  "Kahit mababait naman sila sa akin, ayoko namang maging masyadong kampante sa bahay nyo.  Isa pa......hindi naman ako si Louise." "Ayun!"  natatawang niyakap niya ito at hinalikan sa ulo.  "Nagseselos ka kay Louise!" "Uy hindi ah!"  mahinang itinulak siya nito.  "She's my friend." "Normal lang yan.  Lahat pinagseselosan si Louise, lalo na kapag nalalaman na close sya sa mga anak ko.  Cannot blame them though coz she has all the qualities that a guy could ever wish for." "Eh bakit kayo naghiwalay kung nasa kanya na lahat?"  nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.   "We are not going to talk about it," humiwalay siya sa nobya at inabot ang t-shirt na nasa sahig.  "I really have to go." "Uy! Sorry na,"  sumunod ito sa pagtayo niya at niyakap siya sa likod.  "Hindi na ako magtatanong....uy!" He took his undies and put it on.  "Hon," he turned around to face her.  "Okay na yun pero kailangan ko na talagang umuwi.  I cannot stay."  Isinuot na din niya ang pantalon.  "On Monday, I want you start working for me.  Hindi muna ako papasok sa kumpanya ni Daddy para ma-orient kita sa mga kailangan mong gawin.  Mostly, I am at the shop by six onwards so as for you, you have to be there after school."  He looked at his wristwatch to check the time.  "We're going to talk about it on Monday.  It's late.  I really have to go,"  he reached her face and planted a kiss on her lips.  "Pahinga ka na din." Tumango ito at ibinalabal ang kumot sa katawan.  "Hatid kita....." "No, you stay here.  Matulog ka na.  I know my way.  Take the pill, don't forget,"  tumango ito sa sinabi niya. Pagdating niya sa bahay ay tulog na ang kambal.  Galing pala doon si Louise at ayon sa mga katulong ay ito pa ang nagpatulog sa mga anak niya.   Nangingiting tinawagan niya ang dalaga. "Thank you,"  bungad niya dito nang sagutin ang telepono.  "For taking care of my kids." "You're welcome and hi to you, Mr. Falcon,"  narinig niya ang paghikab nito.  "You just came?" "Yeah,"  she puts her on speaker as he removes his clothes.  "I met Violet." "Oh....hindi ko na itatanong kung ano ang ginawa nyo," natawa ito sa kabilang linya.  "Sorry but I have to hang up the phone.  I am really tired.  I played with the twins till they drop and now, my body wants to do the same." "Okay, okay.  I will not keep you for long.  Just want to say thank you," she just murmured and said goodbye.   Hindi niya nailabas ang mga bata kinabukasan dahil may pinagawa sa kanya ang ama.  Humingi siya ng dispensa sa nobya na agad naman nitong naintindihan.  Lunes na nang makita niya itong muli at isinama niya sa talyer para malaman nito ang mga kailangang gawin.   "Kapag may hindi ka naintindihan, tanungin mo lang ako.  You can call me anytime, okay?"  tumango naman ito.  "Medyo madami tayong clients ha kaya asahan mong magiging busy ka dito.  Kapag slack time naman, you can study, walang problema." "Sigurado kang okay lang na dito ako mag-trabaho?"  alanganing tanong pa nito.  "Baka magalit ang parents mo." "Of course not!  This is my own business, ako ang magpapa-sweldo sa iyo, hindi sila,"  hinawakan niya ang mukha nito.  "Stop worrying, okay?"  nakangiting tumango ito at niyakap siya. "I love you, Mason.....sobra sobra," hinalikan siya nito sa labi.  "You are my angel." Natawa siya nang malakas at siya naman ang humalik dito.  "Wow!  Angel na pala ako . Salamat Hon,"  niyakap niya ito.  "Now that we are together, siguro naman, wala nang chances na magselos ka." "Sira!"  hinampas siya nito sa braso.  "Di nga ako nagseselos." "Good afternoon!"  bigla silang napalingon sa pinto.  It's Louise with the twins.  "Violet!  What are you doing here?" Humakbang ito papasok ng opisina habang akay ang kambal sa magkabilang kamay.  Lumapit siya sa mga ito at binuhat ang mga anak. "What are you doing here, kiddos?  Missing me?"  pero imbes na sumagot, hinalikan siya ng mga ito.  "Okay, you missed Daddy."  Tumingin siya kay Louise na naka-halukipkip.  "Are you going somewhere?" "Yeah.  Was about to ask you out with the kids.  But since you're busy....." sumulyap ito kay Violet at muling ibinalik ang tingin sa kanya.  "Kami na lang ang lalabas." "I am training Violet coz she's going to work with me," nakita ko ang saglit na pagkagulat nito sa sinabi niya.  "Really?"  nakangiting tinignan nito si Violet.  "Congrats!  This will be a good training ground for you."  Humalik ito sa pisngi ng kaibigan.  "If you need help, you can ask me as well." "Oo nga, Hon.  Kilala mo namang business person yang kaibigan mo kaya malalapitan mo din siya anytime," nakatitig lang kay Louise si Violet.  Louise took Lexus from him.  "Are you going now?" "Oo, para din hindi kami gabihin.  Driver lang kasama ko ngayon eh,"  ngumiti ito sa kanya at humalik sa pisngi niya.  "Come, Maron.  We are going to eat ice cream!  Oooppsss!"  nagulat ito nang biglang yumakap sa leeg niya ang batang babae.  "Wait lang baby, ibababa ko lang si Lexus." "Maron, come with Tita,"  napatingin siya kay Violet na nakangiti sa anak niya.  "I want to hug you." "You didn't say hi to her!"  tila noon lang naalala ni Louise iyon.  "Go to her, Lexus,"  she urged the child to walk.  "Go on." Lumapit naman ito kay Violet at humalik sa pisngi bago agad na bumalik kay Louise.  He saw disappointment on his girlfriend's eyes.   "And you little lady, you have to do the same, okay,"  kinuha nito si Camaro sa kanya at inilapit kay Violet.  "Say hi to Tita." Nang kunin ni Violet ang anak niya ay hindi agad ito sumama dito.  Nakakapit pa din ito kay Louise. "Baby, kiss your Tita, come on,"  inilayo nito ang bata sa kanya at pilit na inaabot kay Violet. "No!"  nagulat sila sa sinabi nito at lalong sumiksik sa leeg ni Louise.  "Ayaw!"  and it looks like his child is going to cry. "Ssshhh.....Maron,"  tawag ni Louise dito pero hindi pa rin umaalis sa pagkakasiksik sa leeg nito.  Alanganing napangiti ito kay Violet.  "Sorry Let.  Tantrums time,"  tumingin ito sa kanya.  "I think we better go." "Hatid ko na kayo sa labas,"  kinalong niya si Lexus at nagpaalam sa nobya.  Hindi naman ito sumunod sa kanila palabas ng opisina.  Hinarap niya ang anak na babae na mukhang wala na ang sumpong dahil ngiting ngiti na ito.  "What was that naughty girl?  Why you didn't give your Tita a kiss?" "Ayaw,"  the little girl answered as she rolled her eyes, but he saw how she smirked. "That's not very nice, Baby.  You're being rude,"  he scolded his child.  Ewan niya kung bakit naging ganun ito. "Ano bang alam ng bata sa rudeness, Mason?"  inis na tinignan siya ni Louise.  "Wala lang sa mood ang bata." "Anong wala sa mood? Nakikita mo naman kung paanong ngumiti yan?  Dapat ngayon pa lang, malaman niya na hindi maganda ang ganung ugali,"  sabi niya sa kaibigan. "Tantrums!  Parang hindi ka naman dumaan sa ganyan."  She opened the door and settled Camaro on the baby car seat.  "Anong magagawa natin kung ayaw ni Camaro na halikan ang nobya mo?" "I cannot believe this Louise!  You are tolerating her attitude!"  napataas ang boses niya. "Lexus Baby, get in,"  she fastens the boy on his seat.  Pagkatapos nitong halikan ang mga bata ay hinarap siya.  "And I cannot believe that we are going to fight because of that.  Bata yan, Mason kaya hindi mo basta mapipilit yan kung ano ang gusto mo.  Sabi ko nga sa iyo, she's just not in the mood." "Eh bakit sa iyo......" "Because I am their mother, duh!"  she rolled her eyes, and Mason wanted to laugh because of that.  Kaparehong kapareho ni Camaro.  "So, of course, she will come to me....only to me." "Oh....only to you,"  he stepped forward, leaving only an inch away from her.  "So that might be the reason why they are not looking for me anymore,"  he twisted the corner of his lips. Halos mapaatras siya ng itinaas nito ang mukha at sobrang lapit na nito sa kanya.  "You know what.....those kids love me more than they love you." She teasingly brushed her lips on his.  "I can tell them to be nice to those people who deserve it, and they will follow me without a blink." "You witch!"  he pinches her nose.  "You are not serious about that, right?" "And what if I do?"  she curved her right brow.  "What if....." He cornered her at the car.  "Nagseselos ka ba?" "What?!" nanlaki ang mga mata nito.  "Conceited beast!  Kapal mo naman!  How did come up with that idea?" "Kasi kahit si Violet, pinagsusungitan mo,"  malapit na talaga siyang tumawa sa itsura ng kaibigan.  "So I assumed that you don't like her as my girlfriend." "Okay ka lang?!  Kaibigan ko iyon so bakit ko pagsusungitan?!"  kulang na lang ay bumuga ito ng apoy.  "You really have a wild imagination!  Itsura nito!"  tinabig nito ang braso niya para makawala at hinayaan naman niya.   "So what kind of attitude was that?  The coldness that you showed to my girlfriend.....to your friend!" natatawa pa din siya.   "Alam mo ikaw," hinampas siya nito sa dibdib.  "Hindi nga ako nagseselos dahil wala namang dapat ipag-selos.  About Violet, we will talk about it some other time.  I don't know your reason why you let her work in here but to be honest, I have a bad feeling about this."  Binuksan nito ang pinto ng kotse ngunit bago sumakay ay muli siyang nilingon.  "I just want you to know that I am not happy."  At tuluyan na itong pumasok ng kotse. Humalik muna siya sa mga bata bago tinitigan ang kaibigan.  "Nine o'clock tonight.  At your condo."  Hindi na niya inantay pa itong sumagot at isinara ang pintuan ng kotse matapos bilinan ang driver na mag-ingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD