Time Stop 23

1681 Words
"Bakit ang tagal mong bumalik?"  tanong sa kanya ni Violet.  "Nagalit  ba dahil dito ako nagtatrabaho?" Umiling siya.  "We didn't talk about it.  Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga bata."  Naupo siya at humarap sa computer. "Hon,"  lumapit ito sa lamesa at naupo sa silya na nasa harap nito.  "Nakita mo ba si Maron?  Ayaw nya sa akin.  Hindi kaya tinuruan ni Louise......" "What are you saying?"  he cannot believe what he heard.  "Anong ibig mong sabihin doon?" Bigla itong napa-iling.  "W-wala.  Wala naman.  Baka lang kasi......" "Hindi maganda yang iniisip mo kaya tanggalin mo iyan.  Isa pa, kaibigan mo si Louise!" Napabuga siya ng hangin.  "You know how good soul she is and I cannot believe that you have that crazy thought in your head." "Sorry,"  inabot nito ang kamay niya.  "Nalungkot lang ako kasi ayaw akong lapitan ni Camaro." "Sorry if I raised my voice.  Maybe Maron just woke up at the wrong side of the bed.  May ganun kasi talagang ugali un eh,"  ngumiti siya ng tipid.  "Let's finish our work early, Hon.  Gusto ko namang umuwi na gising ang mga bata."  Iyon na lang ang sinabi niya para matigil na ang usapan nilang iyon.   They've been busy for the rest of the day.  She dropped Violet in her house and at nine sharp, he's standing on Louise's doorstep.  "Hi Princess,"  he gave her a peck on her cheeks. "Good evening." "What's good in evening?"  nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya sabay talikod.  Siya na ang nagsarado ng pintuan at sumunod sa dalaga.   "Bad mood?"  tanong niya dito. "I'm starving,"  sagot lang nito at binuksan ang isang box ng pizza.  "So talk." She took one slice and gave it to him.  "Hurry coz I want to sleep." "Nagmamadali lang talaga?"  inirapan siya nito pero nakangiti naman.  "Okay, I asked her to work for me.....work with me because you know how busy I am and I cannot find time to be with her anymore." Nilakasan nito ang pagnguya at halatang hindi interesado sa sinasabi niya.  Napatingin ito sa kanya nang tumigil siyang magsalita.  Tumaas ang kilay nito na parang nagtatanong.  "Oh, bakit ka tumigil.  Go on,"  umirap pa ito bago kumuha muli ng isa pang slice ng pizza.   "You don't look like you're interested in what I am saying."  Nasusuyang sabi niya sa kaibigan. "No hay nada interesante en lo que usted quiere decir," then she pouted.  "Ma non sono d'accordo con la tua idea folle che Violet deve lavorare con voi." Instead of getting annoyed, he laughed so hard. "So the princess is really pissed, huh?" he touches her chin.  "I am not well conversant in Italian but I do understand that Spanish thing that you said."  She seldom speaks other languages in front of him.  Most of the time, kapag naiinis lang talaga. "Like.....there's nothing interesting in whatever I'm going to say, right?" She smiled and nod.  "And the Italian?"  she teased. "That you don't agree with my idea that Violet has to work with me?"  he asked her because he is not really sure if he translated it correctly. "Crazy.....crazy idea,"  she smiled and tap his hand.  "And I am just being honest.  Ano ito, seryosohan na? To the point that she really has to work with you?" Natawa na naman siya.  "No, it's not like that." Tinignan siya nito na parang hindi naniniwala.  "Okay okay.  Yes, this is a little bit serious now.....she's really special to me." "That's good to hear.  Sabagay, wala na nga akong nababalitaang umaaligid sa iyo.  But as for me, hindi pa rin okay ha.  Don't get me wrong pero paano kapag naghiwalay kayo?  Tatanggalin mo siya sa trabaho?  Alam kong malaking tulong kay Violet ang magtrabaho sa iyo pero hindi maganda na kasama mo siya sa talyer.  Ako as her friend, alam kong pinagseselosan niya ako kaya nga inilalayo ko na ang sarili ko sa iyo.  Akala ko nga kakainin niya ako nang buhay kanina eh.  Paano pa yung ibang mga babaeng pumupunta sa talyer mo?" "Bakit naman siya magseselos sa iyo o sa kahit na sinong babae?  Tsaka yung kanina, you're just imagining it,"  iyon na lang ang nasabi niya.  Alam niya na kapag nagsalita si Louise ay tuloy tuloy na ito.  "Hindi selosa si Violet at hindi ako gagawa ng bagay na ikakaselos nya.  Parang nagsawa na din ako,"  he clasped his fingers at the back of his head. "I am not doubting you about that coz you are really not a womanizer.  Naniniwala ako sa iyo na nagsasawa ka na sa pagpapalit palit ng babae.  Ang sa akin lang naman, masyadong maaga na itinali mo na ang sarili mo kay Violet.  So.....is she the one?  The one that you want to spend your life with?" Nagkibit balikat siya dahil hindi pa naman talaga niya alam ang sagot doon. "See!"  napailing ito sa sagot niya.  "Hindi ka pa sigurado pero ganyan na ang set-up nyo.  Paaasahin mo siya?" "Hindi naman sa ganoon.  It is just that I want her to be with me.  Mabait siya and she wants to reach out with the kids......" "Then dalawin nya sa bahay! Wala namang pumipigil sa kanya. Pero hindi naman siya nagpupunta doon kapag wala ka so paano siya mapapalapit sa mga anak mo?" mukha na naman itong naiinis habang ngumunguya ng pizza. "One time I asked her to come with me but she gave some nonsense alibis. After nun, di ko na inaya, nakakasuya." "Di ba friend mo siya? Eh bakit parang naiinis ka sa kanya?" tanong niya dito dahil kanina pa talaga ito na parang ayaw pag-usapan si Violet. "Dati naman okay kayo ha. Nag-away ba kayo?" "Okay naman kami. Parang medyo umaarte lang siya ngayon," pinaabot nito sa kanya ang pitcher ng pineapple juice. "May mali sa kanya." "Seryoso, Louise? Of all people sa iyo ko pa maririnig iyan?" hindi kasi siya sanay na may pinupuna itong tao. "Nagpapakatotoo lang ako. Ikaw ang sinasabihan ko dahil best friend kita at hindi dahil gusto ko siyang siraan sa iyo. Or perhaps you are right. It's just my imagination. Hindi ko na naman siya nakakasama ngayon pero naartehan ako bigla sa kanya." Suddenly her phone rang. She frowned when she looked at the monitor but she still answered it. "What?!" she hissed which puzzled him. Mukhang mainit nga yata ang ulo nito. Kanina, halos hindi kinausap si Violet, then she speaks in Spanish and Italian, then sinabihan na maarte si Violet, tapos ngayon eh masungit na sinagot ang tawag. "Ano na naman ang kailangan mo? Magsusumbong ka na naman ba kay Daddy dahil may kasama akong lalaki dito sa condo?" Kinalabit niya ito para itanong kung sino ang kausap. "Isang sipsip na lalaki!" Sagot lang nito sa kanya bago tumayo at naglakad palayo sa kanya. "Nung isang araw ka pa ha! Don't let me lay a finger on you coz you will really regret it." Napailing na lang siya at inayos ang pinagkainan nila. Naubos pala nila ang laman ng family size pizza.  Natapos na siyang mag-ligpit ay busy pa din ito sa telepono kaya nilapitan na niya ito dahil kita niya na hindi na naman maipinta ang mukha.  "Don't let me see your face!" "Enough!" inagaw niya dito ang telepono at bago niya tuluyang i-cancel ang tawag ay sinulyapan niya ang pangalan sa screen.  At gusto niyang matawa dahil sa pangalan na naroon.  Kampupot ba naman ang ipinangalan nito sa kung sinong kausap.  Tumingin siya sa dalaga. "You are angry, Erica Louise."  tumaas, bumaba ang dibdib nito.  "Come," hinaltak niya ito at niyakap ng mahigpit.  "Ssshhh.....tama na." Nang yumakap ito sa kanya ay alam niya na kumakalma na ito.  Ayaw niyang itanong kung sino ang tumawag dahil baka magalit na naman ang dalaga. "I think you have to take a rest," itinaas niya ang magandang mukha nito.  "Kanina pa talaga mainit ang ulo mo." She just gave a faint smile then nod.  "Sorry ha.  Pati kayo ni V nadadamay. Kaya nga inilabas ko ang mga bata para medyo makalma ako and it helped me for some time.  Anyway, let's forget about that dahil baka bangungutin pa ako," she chuckled.  "Pero yung sinabi ko sa iyo kanina, yun talaga ang nasa isip ko but for sure, since you already decided, you'll stick to your decision,"  then rolled her eyes. "You know that I cannot take it back, Louise....." "Matalino ka Mason pero pagdating sa desisyon, sobrang tanga mo as in SOBRANG TANGA!  Buti na lang talaga nagkahiwalay tayo.  Naloloka ako sa iyo!"  sinuntok nito ng mahina ang dibdib niya.  "I will support you in any way that I can, Mason.  Huwag lang masasaktan ang mga anak ko, do you understand me? I can do the impossible for them, believe me.  Kahit pa isumpa mo ako sa gagawin ko, wala akong pakialam kapag nasaktan ang mga bata.  Keep that in mind,"  humiwalay ito sa kanya at itinulak siya papunta sa pintuan.  "Now go.  I really have to sleep.  Gigising pa ako ng maaga for some readings.  Defense ko bukas,"  sabay pakita ng tatlong daliri sa kanya na ikinatawa niya.  "What was that for?!" "No need for final readings. Kaya mo na yan.  What you need is good s*x to relax your senses..."  he grinned as her eyes widen. "I am not joking, Louise.  You really need a good f*ck tonight." "Gago!"   Sabay tulak nang malakas sa kanya palabas ng condo.  "I don't need that especially from you!" "I know that and I didn't say that you will do it with me......call that guy, set your alarm, and squirm under him,"  he winked and run towards the elevator! "Don't come back here you dirty bastard!"  sigaw nito at bago pa magsarado ang pintuan ng lift ay sinilip niya ito at nag-flying kiss.  Kitang kita niya ang inis sa mukha nito.  "I HATE YOU ALEXIS MASON!" Habol pa nito. Natatawa siya habang napapailing. Hinayaan na niyang tuluyang magsarado ang pintuan.  She really cares a lot for his kids and he knows, that he has to take her words seriously or else, he will face the consequences whatever those are.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD