Napatingin siya sa pinto nang marinig niya ang tunog ng door bell. Agad siyang tumayo upang buksan ang pintuan. Napangiti siya nang makita sa monitor na si Gwain pala ang dumating. "Cameron!" nagulat si Gwain nang siya ang mabungaran nito. "Hi Kuya Gwain," tumingkayad siya upang halikan ito sa pisngi. Napatingin siya sa katabi nito. Isang magandang dalagita. "Meet my daughter, Kelly," nginitian niya ang magandang dalagita. Kamukha ito ng ama. "Ang gandang bata," pinong kurot sa pisngi ang ibinati niya dito. Binuksan niya ng maluwag ang pinto upang makapasok ang mag-ama. "Lou is just taking a shower. It won't take her long," itinuro niya ang upuan. "Would you like to take anything?" "No need to bother yourself, Cam. We can manage," nakangiting sagot sa kanya n

