Napatingin siya kay Cameron nang maibuga nito ang iniinom na gatas. Hindi niya napigilan ang malakas na tawa. "Sorry," agad naman na kumuha ng wet tissue si Cameron na nasa tokador niya at agad na pinunasan ang kumalat na gatas. "Sorry." "What happened Cam?" naaaliw siya sa pagkataranta nito. "Hey, chill up, Sissy!" iwinagayway niya ang hawak na phone. "I haven't dialed his number yet!" Nanlalaki ang mga nito sa sinabi niya. "Lukaret ka talaga!" napahiyaw siya nang dambahin siya ng kaibigan at sabay silang tumumba pahiga sa kama. "Kainis ka!" Tawa naman siya nang tawa. "Got you girl! Malakas pa din talaga ang epekto ni Mason sayo, ano?" hindi talaga nya mapigilan ang sariling tumawa lalo na nang kurutin siya nito sa tagiliran. "And you're blushing! Sobrang pula ng buong m

