"Where have you been?!" Nakita niya ang iritang mukha ni Mason.
Itinaas niya ang dalang bag ng pagkain. "Bought your favorite," inilapag niya iyon sa ibabaw ng lamesa at pinakawalan naman si Maron para makapaglakad lakad ito.
"Prox will not come," hindi niya ito pinansin. "Nowhere to be found."
"As if I care," pumikit siya at sumandal sa couch. She's not ready to see her Ex. Baka mapatay niya ito.
Napadilat siya nang lumapit sa kanya si Lexus at nagpakalong. Nang kalungin niya ang bata ay niyakap siya nito nang mahigpit.
"Our relationship is really odd, you know," napatingin siya kay Mason na inaayos ang buhok ng anak na babae. "We're ex's but we are living together and until now, I am wondering how you made your father agree in this set-up."
"Kasi alam niyang bukod sa kanya at sa mga kapatid ko, tatlong lalaki lang niya ako ipagkakatiwala. Kay Prox, kay Ivan at sa iyo."
Kunot noong napalingon ito sa kanya. "Ivan who?"
"Best friend ni Eric and my arranged fiancé." Nakita niya ang gulat sa mukha nito.
"Fiancé! Why I didn't know about that?!" Nanlalaki pa din ang mata nito.
"It just happened recently. Kinausap siya ni Dad kung papayag na maging fiancé ko and he said yes. Magkaibigang matalik sina Daddy at ang daddy ni Ivan. Hindi naman din tumutol si Mommy kahit si Kuya because they know him."
"But he allowed you to live with me!" Tila naguguluhan ito. Usually, if the woman was already arranged to marry somebody, the family will not allow her to date, anybody.
"Ivan and I were not restricted to date others. It's still seven years before the said date so we still have plenty of time to search the pool." Binuksan niya ang paperbag na kinalalagyan ng churos at binigyan ang kambal.
"At pumayag ka naman?" Kita niya ang inis dito. "Payag kang magpakasal kahit hindi mo mahal?"
"Why not? Gwapo si Ivan at matalino. Not a bad choice if that will happen." Kumagat siya ng churos ngunit hindi inalok ang binata.
"I am not that bad as well," nakasimangot na sabi nito sa kanya. "So you can still choose me."
"And what will I gain if I will marry you, aber?" Natatawang tanong niya.
"I am famous and more fame will come in a year or two," he said confidently. "Rich, sexy, handsome, and genius." Then he grinned.
"Saan naman galing yung sexy at handsome?" Taas kilay na tinignan niya ito.
"I don't know if you're just blind or what! Women are swooning over me except you!" Taas noo nitong sabi sa kanya.
Niyakap niya si Lexus at tumawa nang malakas. "Conceited!" She gave him a soft punch on his jaw. "I will wait for the time that all women can recognize you, maybe by then, I will consider."
She looked at the clock on the wall. The nannies will be coming over to take care of the kids. "Dalhin na lang kaya natin ang mga bata? Behave naman ang mga babies ko eh."
"Mamamasyal na lang tayo," napakunot siya ng noo. "Truth is, inaasar lang kita. I don't want to meet them as well as I don't want people to ask me about my life." Alam niyang tatadtarin sila ng tanong ng apat kapag nakita sila ng mga ito. "I want to buy you something."
"Ano naman yung something?" Naupo ito sa tabi niya habang bitbit si Maron at hinawakan siya sa kamay.
"Engagement ring. Uunahan ko na ang Ivan na iyon," seryoso ang mukha nito kaya napahagalpak na naman siya ng tawa. Inis na binatawan nito ang kamay niya. "You're not taking me seriously, Louise!"
"Hindi naman kasi kapani-paniwala," humilig siya sa balikat nito. "Just being with you is enough. I don't need any ring on my finger. I am happy being with you and the kids."
Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. "I will be the greatest racer, Louise, and will succeed in my business. Hindi ko man matapatan ang yaman ninyo, gusto kong ipakita sa Daddy mo na deserving ulit ako sa pagtitiwala niya sa akin. Kung seven years bago kayo ikasal ni Ivan, give me five years and I will marry you."
Pumikit lang siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa ang sinabing iyon ni Mason. He sounds so sincere on what he said. Alam niyang ang estado ng pagmamahalan nila ay hindi na katulad ng dati na marahil ay alam din ng binata.
Gusto ngang totohanin ni Mason ang pagbili ng engagement ring sa kanya pero tigas niyang tinanggihan iyon.
"You're crazy, Alexis Mason Antonio Falcon," natatawa siya habang naiiling. "Do you really expect me to accept your offer?" ibinalik niya sa saleslady ang singsing na napili ng binata. "Sorry for this," at hinila niya palabas ng tindahan si Mason.
"You don't think I am serious, do you?" kunot ang noo nito.
"I know you are, I really do," inabot niya kay Camaro ang feeding bottle na kinuha niya mula sa baby bag nito. "But let's not do it just for convenience. Marriage is still far from my mind, it's not even my priority so how can I accept it? And I still want love to be the basis of my marriage, Mason." Hinawakan niya ang mukha nito. "You know that I love you and the kids, right? But that won't be enough for me to marry you. I will always be here whenever you need me and will not go anywhere." 'Until the time that the right person will come to your life....until she comes back."
"I assure you, Ms. Erica Louise Santos Villaluz, it will be a great loss on your part for rejecting me," taas ang noo nito nang sabihin iyon.
Hinalikan niya ang kaibigan sa pisngi. "I surely know that," she grinned at him.
Napailing na lang si Mason habang tulak ang stroller ng kambal na parehong umiinom ng gatas. Napagpasyahan nilang bumili ng mga ilang damit ng mga bata ngunit sa dami eh nagrereklamo na ang ama ng mga ito.
"Lou, do you really think it is necessary to buy all those stuff?" nakapamaywang ito habang tinitignan ang mga paper bags ng pinamili nila.
"I don't want the twins to lack in anything. Alam mong pagdating sa mga bata, natataranta ako kapag kulang ang mga pangangailangan nila," inisa-isa niyang tignan ang mga pinamili. "I want to buy a new car seat for them and bed..."
"Lou, we will buy it at home. Don't think of buying it here then shipping it back home. Madaming mabibiling ganyan sa Pilipinas, in good quality." Pangunumbinsi nito sa kanya.
"Okay, sabi mo eh. But we have to make sure that all our cars have their own baby's seat. Then their beds can handle our weight because you know the kids, they often want us to sleep with them," sabi pa niya.
Tinitigan siya nito at biglang kinabig siya at hinalikan sa ulo. "Thank you, Lou, for always thinking about what is best for the kids."
"I love them as my own so there is nothing that I won't do for them."
"Mama," kinuha niya si Lexus nang tawagin siya nito.
"Yes, my Love?" tanong niya sa bata. Iniabot nito sa kanya ang hawak na feeding bottle at nagpasalamat sa kanya.
"I want to play with Ron-ron," bulong nito sa kanya.
Binalingan niya si Mason. "Let's look for a place where they can play." Tumango naman ang binata.
Nang mapagbigyan nila ang dalawa na mag-laro, kumain lang sila bago umuwi.