Time Stop 6

1519 Words
"How are you, Cam?" she took the shopping bags from her mother before she kissed her. "Okay naman po. Oh my!" napatili siya nang makita ang mga kapatid. "How are you kiddos?" Pinaghahalikan niya ang mga kapatid. Sina Terrence, Clarence at Treb. Nag-iisa lang siyang babaeng anak ng parents niya. "Ate Cam, when are you going to come back?" tanong ni Clarence sa kanya. Magkasing edad ito at si Terrence. "We missed you so much!" Muli niya itong hinalikan sa pisngi. "Ate is still studying, Kuya Rence. But I hope I can visit you on vacation." Tumingin siya sa ina. "Are you going to visit the graves?" tumango si Cassandra. "It's been a while since we came here altogether. Ipinilit ko nga lang sa Daddy mo na dumalaw sa libingan ni Gwen. Alam mo naman kung bakit ayaw na ng Daddy mo," tumango siya sa sinabi ng ina. "So where is he?" sumulyap pa siya sa may pintuan at baka sakaling naroroon ang ama. "Nasa hotel. May kakausapin lang daw at pupunta din agad dito. We're going to sleep in here," iniabot sa kanya ng mommy niya si Treb na dalawang taon na. Kaidaran nito ang kambal niya, lamang ay ilang buwan na sina Maron at Lexus ng ipanganak ang bunso niyang kapatid. Strange, mas matanda pa ang mga pamangkin kaysa sa tito nila. Niyakap niya ng mahigpit ang bunsong kapatid. A tear stung her eyes while hugging the child. Parang ang kambal niya ang yakap niya ng mga oras na iyon. Seeing Louise with the kids made her feel so jealous. But she knows, she doesn't have the rights. It is her who left them, who selfishly left the kids because of her more selfish reasons. So she got no one to blame but herself. "Ate, Clarence already has a crush in the school," sumbong ni Trace sa akin. "Oh really?" natatawang itinaas niya ang kilay. "Hindi po kaya!" sinimangutan nito ang kapatid. "Ikaw kaya iyon!" "Hindi ha!" nanlalaki naman ang mata ni Trace. "Ang aarte ng mga girls sa school kaya ayaw ko sa kanila." "But I know who is your crush!" ngumisi ito at tumabi kay Cameron. "Do you want to know Ate? Bulong ko po sa inyo." "I know whom you're referring to. Si Uree, di ba? Eh crush mo din kaya iyon kaso ayaw niya sa atin, di ba kaya basted na tayo," sabi ni Trace at hindi na napigilan ni Cameron na tumawa ng malakas. "Oh my God, Mom! You got to hear this from your boys! Alam na ang crush at basted! And they are just six years old!" natatawang inabot niya ang dalawa at pinaghahalikan habang itinutulak naman ni Treb ang mga kuya palayo sa kanila dahil naiipit siya ng mga ito. "Away! Away!" sabi nito. "Kayo ha, ang babata nyo pa. Wala munang crush, do you understand?" saway niya sa mga kapatid na nagsitanguan naman. "And besides, Uree is your cousin, for Pete's sake!" Nagkatinginan ang mga ito at ngumiti nang malaki. "We want a girl like her," sagot sa kanya ni Clarence. "You'll meet one once you're on the right age. What you can do for now is to protect your cousin, okay?" Muling nagtanguan ang mga ito. "Ate, kailan po uuwi sina Kambal?" inosenteng tanong ni Trace. "Miss ko na po sila, eh." Napalingon siya sa ina na nasa kusina at nakita niyang tumingin ito sa kanila. Ang totoo ay hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito. Hindi nga niya alam kung gaano na katagal ang mga ito dito sa States eh. "Soon," nagbara ang lalamunan niya at pilit na ngumiti. "Soon, you will see them again." The boy nodded to her relief. Itinuro niya ang mga laruan nito at sinabihang maglaro ng walang away bago nilapitan ang ina bitbit si Treb. "I saw them Mom," napakunot ng noo si Cassandra sa anak. "I saw them with Louise." Napasinghap ang ina pero hindi ito nagsalita bagkus ay ibinalik ang tingin sa pag-hihiwa ng capsicum. "May competition nga daw na sinalihan si Mason sabi ng Tita Bea mo. Slowly, he is making it to the racing world. Pinaghahandaan na yata niya ang pagsali sa Formula One." "But why with Louise, Mom?" nanikip ang dibdib niya at nagbabanta ang luha niya. "Nagkabalikan na ba sila?" Doon tumingin sa kanya si Cassandra at ibinaba ang hawak bago inabot ang kamay niya. "After you left, he followed her here and they stayed together." Nang makita ng ina ang sakit sa mga mata niya ay umiling ito. "You shouldn't have known this." "But I want to, Mom. It will be easier for me to move forward," though it hurts like hell, at least, he still ended up with the woman he truly loves. "I don't know if I can blame you for what happened, Cam, or blame Mason." Malamyos ang boses ng ina, pilit na pinapakalma nito ang boses. "You are both into it and then you left. After almost three years, you're asking me what happened after you left? Why the sudden interest? Because you saw them together?" "Yes," sumasakit na ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng iyak. "I became interested because after so many years, they still ended up together and she took my kids as well!" She quickly pulled a tissue from the box and wiped her tears. "Ask yourself, Cam," napalingon siya ng magsalita ang ama. Humalik ang mga kapatid sa mga ito at kinuha si Treb mula sa kanya. "Think why Louise accepted your twins." Hindi siya nakakibo dahil alam naman niya ang sagot doon. Sobrang mahal ni Louise si Mason kaya natanggap pa rin nito ang dating nobyo kahit na nagkasala ito sa kanya at nagkaanak sa iba. "Mamaya na natin ituloy ang pag-uusap. Cam, please assist me with making dinner. I'd like to get the boys into their beds since they need to rest." Sabi ng kanyang ina. Walang nangyaring pag-uusap pa hanggang matapos silang kumain. Her Dad attended to her brothers as she helps her Mom in cleaning out. It's been three years, and her parents haven't spoken to her anything about what she did. They simply let her to live her life as she wishes. Now is the time because she is the one who initiated the conversation. "When you left, Mason was devastated," pagsisimula ng ama niya. "Nandito kami ng Mommy mo hanggang makapanganak siya kaya ang Tito Lex at Tita Bea mo lang ang nagkukuwento sa amin ng tungkol doon. Maging sila ay nagulat sa biglaang pag-alis mo. You left everybody hanging even us, your own parents," hinawakan ng Daddy niya ang kamay ng Mommy niya na katabi nito. "We have our own dilemma at that time and you chose that to leave your own family. You abandoned Mason while his entire family was in Europe. He was angry, hurt, and betrayed by you. You know that he lost the love of his life for choosing you then suddenly, you disappeared." Tumungo siya at pinunasan ang luha. Minsan lang magsalita ang Daddy niya at sa lahat ng pagkakataon ay lagi siya nitong pinapaboran. Pinabayaan man siya ng mga magulang sa gusto niyang gawin, alam niyang nasaktan din niya ang mga ito sa hindi pagsasabi ng mga balak niya. "He loves Louise, Anak, love her still," sabi ng Mommy niya. "Because of what happened, Cameron, our bond with the Villaluz was ruined. Mason was the one who came forward, holding the twins in his arms, and begged their forgiveness. He asked for forgiveness for hurting Louise and he's there to rectify his mistakes. Matapos noon ay kinausap ng sarilinan ni Ajerico si Mason, kung tungkol saan ay walang nakaka-alam, not even Louise. Before they lived together, Mason talked to us, would you believe that?" nakita niya ang paghigpit ng hawak ng ina sa Daddy niya. "He wants our blessings to be with Louise, to be with her as Ajerico's request. Bukod na gusto niyang bumawi kay Louise, ayaw niyang masira sa pangako niya sa ama nito." "And you said yes," maos ang tinig na sabi niya. Nagkatinginan ang mga magulang bago tumango. A lump formed on her throat. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Alam naman niyang marami nang nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon at masyado nang huli para pa magtanong siya ng mga bagay tungkol kay Mason. But what she saw days ago really hit her hard. Thinking that it will not affect her but failed. For two days, she didn't come to school and work. All she did was cry for the scene that she witnessed. "Yes, we did." Sagot ni Troy. "I don't know what are we going to say that time, Anak. You left all the responsibilities to him and I cannot take the kids from him. Bukod na siya ang ama, ano ang pwede naming idahilan sa kanya para kunin ang mga bata kung ang mismong ina ay walang pakialam na iniwan ang mga ito?" The truth, as the cliché goes, hurts. All of the words she is hearing right now are excruciatingly painful to her. It's been three years, but it feels like yesterday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD