Napakapit siya sa braso ng ina nang bumaba sila mula sa sasakyan. Naroroon sila ngayon sa tahanan ng mga Falcon upang makilala siya ng kambal. Liningon siya ng ina at nginitian. "It's okay, Sweetie. We are here." Napatingin siya sa ama nang hawakan nito ang balikat niya. "Take a deep breath, Love, to calm your nerves." Sinunod niya ang sinabi nito. Pumikit muna sya bago huminga ng malalim. Akala niya ay hindi niya makakayanan na umabot sa puntong ito...na harapin ang kambal. Hinayaan siya nang mga magulang na ihanda ang sarili para sa araw na ito. It took her a week to gather herself. Pinag-isipan din niya ang sinabi ni Karidad sa kanya noong ikalawang gabi niya sa tahanan ng mga ito... Napatingin siya sa pinto ng kwarto nang makarinig sya ng mahihinang katok. Agad siyang bu

