"Why don't we eat first," alanganing ngumiti siya. "Baka mawalan tayo pareho ng gana sa pagkain."
Natawa ito. "Sige, kain ka lang. Ako na lang ang magkukuwento," at nagsimula na itong mag-kuwento. Tila wala itong itinago sa kanya. Kita pa niya ang sakit sa mga mata nito habang binabanggit ang mga magulang, lalo na ang ina nito. "I love her so much. I regret not spending most of my time with her."
"Hindi mo naman kasalanan iyon," naisip niya ang inang si Cassandra habang nagkukuwento ang binata kanina. Her mother never failed to call her every single day. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya sa araw araw ng buhay niya. But at one point in her life, she didn't understand what her mom has gone through. But somebody made her realize how lucky she is of having Cassandra. "But I know that your Mom is happy about what is happening to you right now. She's so proud of you."
Tumango ito. "Yeah. She's very supportive of me. Kung si Dad, gusto akong maging agent katulad niya, si Mom naman, pursue ko lang daw ang gusto ko sa buhay and I did. I love basketball like how I love my mother. I am putting my heart in this because I know that she's happy." Ngumiti ito sa kanya at muling hinarap ang pagkain.
Wala siyang nababasang article tungkol sa parteng iyon ng buhay ng binata. Ang alam niya ay businessman ang tatay nito at namatay ang ina sa sakit. Yun pala, it's just a cover up. Masyadong masakit pala ang pinagdaanan ng buhay nito. Giving it out in the public will hurt him a lot. Maaaring maimpluwensya din ang pamilya nito para maitago ang totoong nangyari sa media. Alam niyang kapag sikat ang isang tao, kahit ang pinaka-madilim na bahagi ng buhay mo ay pilit nilang bubungkalin. Ngunit walang nag-leak na ano pa man tungkol sa pagkatao ng binata.
"It's a secret of my life, Cam. Hindi mo iyon pwedeng sabihin kung kanino man. Para sa amin ay closed book na ang parteng iyon, kahit na masakit. Hangga't maaari, gusto naming magagandang bagay lang ang naaalala ng lahat kay Mommy." Pakiusap nito sa kanya.
Tumango siya. Hindi niya alam kung bakit siya pinagkatiwalaan nito ng pinakatatago nitong lihim kahit kakakilala pa lang nila.
"Now, your turn. Tapos na akong mag-drama kaya ikaw naman. What's your story? Don't try to hide, malalaman ko din naman iyan," ngumisi ito.
"Wala namang exciting sa buhay ko......"
Dumilim ang mukha nito. "Is having your children didn't excite you?"
Napipilan siya sa sinabi nito. Tumaas ang kilay ni Ivan na inaantay ang sagot niya. "So?"
She cleared her throat. Mali ang lumabas sa bibig niya. "I always make mistakes...."
"That's natural for humans like us," singit nito. "So it's given."
"Isang singit mo pa, hindi ko na itutuloy ang kwento ko," tumaas lang ang kilay nito at sinenyasan siyang ituloy ang sinasabi. "I've been into not so conventional family......"
"Elaborate please," singit na naman nito.
"I was born out of wedlock and my mom doesn't know who my father is," muling kumunot ang noo ng binata. "Nalasing si Mom sa bar and they ended up in bed. But they met eventually, natagalan nga lang."
"So paano silang nagkita?" hindi na niya sinawaya ito sa pag-singit.
"Best friend ni Mommy yung nililigawan ni Daddy. Si Daddy pala ang nakaka-alala kay Mommy kaya nung sinabi iyon ni Daddy, halos itago niya ako. Natatakot siyang baka kunin ako ni Dad." Itinuloy niya ang pagkukuwento dahil wala na itong mga side comments.
"So, how about your twins?" tanong nito nang matapos niyang ikuwento ang buhay ng pamilya niya. "Their father?"
"Don't judge me on what you will hear," Inunahan na niya ito.
"Who am I to judge? But I am entitled to my own opinion, I hope," sabi nito.
Tumango siya. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari. Nananatili itong tahimik habang nakikinig. Nang matapos siya ay muli itong humalukipkip at tinitigan siya.
"Lucky guy, dalawang babae ang nagmamahal sa kanya," sabi nito. "You regret doing that to your best friend, right? She seems like a wonderful woman."
"Yes, she is. She's perfect in every way. Parang hindi siya nakakagawa ng anumang pagkakamali sa buhay niya......"
"It is not like that. She made mistakes but minimal. Nag-iisip muna siya, while you are the impulsive one. If you don't feel the hatred, jealousy in her, you'll really jive. But I will drop the talk about your best friend. Doon ako sa guy. He touched you even though he was in a relationship at that time. Gago siya for doing that, extremely gago." Napapa-iling ito. "I am not justifying the way I womanize, just to be clear. I screw women, yes, but I make sure that there's no love involved. Ayokong makasakit kaya simula pa lang, sinasabi ko na ang stand namin. Alam niyang mahal mo siya pero hindi ka niya mahal pero nagawa pa din niyang galawin ka. Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya sa girlfriend niya para gawin iyon."
Napatuwid siya ng upo sa sinabi nito. Biglang kumabog ang dibdib niya. "He's in between of treating you as his best friend and as his lover. You are already in his heart, Cam, but there came the perfect lady. Sabi mo nga, hindi mo alam na nagliligawan na pala yung dalawa. Maaaring iniwasan ni guy na ipaalam iyon dahil ayaw ka niyang masaktan, kasi nga, hindi ka lang niya best friend, may mas special part ka pa sa puso niya."
"Don't give me false hope, Ivan....." sabi niya dito.
"I am not. Hindi pa ako tapos so you better listen," sansala nito sa anumang sasabihin niya. "Mahal niya yung girl, alright. Kung may nangyari sa kanila, hindi na natin alam iyon. Pero nung nagpatangay siya sa seduction mo, isang part niya gustong gustong gawin iyon talaga at yung pagiging faithful niya sa girlfriend niya, nasa likod lang ng utak niya. He can resist you but he didn't. Ang masama, naitago pa iyon sa girlfriend niya na kung hindi ka pa nabuntis, hindi nyo pa sasabihin. I cannot commend him for taking the responsibility dahil talaga namang kailangan niyang gawin iyon. Tama lang na nakipaghiwalay din siya sa girlfriend niya kasi lalong masasaktan yung babae....."
"But I saw how hurt he is.......araw araw and it is killing me," namasa ang mata niya habang inaalala ang mukha ni Mason.
"Guilt," sabay kibit balikat. "Because he hurt a very special girl, a good one. Kung flirt or bitchy yung girlfriend nya, hindi siya makakaramdam ng ganun pero mabait yung nasaktan niya. Nakaka-guilty kaya iyon....."
"Pero mahal niya si Louise......."
Kumunot ang noo nito pero saglit lang. "Sige na nga, mahal nya kasi at guilty talaga siya. Sabi mo nga, he gave up everything just to become a responsible partner for you pero in the end, iniwan mo dahil sabi mo, hindi mo na kilala ang sarili mo, hindi ba?" tumango siya. "Uuummm......I cannot blame you for that. You're just sixteen and full of dreams. Parang you were snatched from your youth. Seeing your friends out to college, having their degrees, reached their dreams, can really lose your sanity. Pero pwede mo namang gawin iyon kung nasa paligid mo sila, hindi ba? You will be more inspired to continue what you want in life because you have them, but instead, you left them. I bet, the guy hates you so much right now. He gave up everything to be with you but you left him hanging. That's a very selfish move on your part."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Totoo naman ang sinabi nito. Pwede niyang gawing inspirasyon ang kambal at maging si Mason pero hindi niya ginawa. Naging parang malaking hadlang ang mga ito para magawa niya ang mga gusto niya sa buhay.
Inabot niya ang tissue at ipinunas sa gilid ng mata. "I saw them together, I think they were back with each other......and they are with my twins."
"At nasaktan ka kaya ka umiyak, hindi ba?" tumango siya. "You regret leaving them but the damage has been done. Kung uuwi ka ngayon at kukunin ang mga bata, hindi ka handa, Cam. You are already half way through your dreams. Tapusin mo na iyon at pag-aralang kontrolin ang emosyon mo. Kung sila na ulit, eh di sila na! Ang importante, bumalik ka para sa kambal mo. Live for them, dream for them. Don't dwell on the hurt that the guy gave you because you also hurt him. You have to be successful and come back in their life. Think before you act, Cam. Napapahamak ka sa pagiging impulsive mo."
Tinapos nila ang pagkain at walang nag-salita habang ginagawa nila iyon. They paid and left the place. Ipinasya nilang maglakad papunta sa building na tinitirahan niya. "I can give you a hand, Cam. We can be good friends......"
"You will be a distraction....."
Natawa ito. "Hindi kita liligawan, kung iyon ang iniisip mo. Masaya pa ako sa buhay binata na walang babaeng nagpapasakit ng ulo ko. Women in my life just come and go and I am happy with that. Kapag nagkataon, pangalawang babae ka pa lang na magiging ka-close ko. The first woman is my fiancee....."
"FIANCEE! You're getting married?!" bulalas niya.
Biglang tinakpan ng binata ang bibig niya. "Ang ingay mo!"
Tinapik niya ang kamay nito. "Seryoso talaga?" nanlalaki ang mga mata niya.
"Hindi pa naman ngayon. Seven years from now pa naman. Arrange marriage iyon at pinagbigyan naman kami pareho na magpakasaya at kapag natagpuan na namin ang aming respective partners before the due date, we can break our engagement." Ngumiti ito sa kanya.
"Ang weird ha," tumango ito sa kanya.
"Weird ang daddy ko at ang daddy niya eh. Magbarkada kasi kaya parehong baliko ang utak," napailing ito. "Buti na lang, sobrang cooperative ng fiancee ko. Wala siyang pakialam sa trip ng mga matatanda."
"Narito ba siya ngayon?" umiling ito.
"I saw her last week but she's back in Manila. Napag-usapan din namin ang engagement na iyan." Sa tingin niya ay hindi ito nag-aalala sa maaaring mangyari. "She's a great catch so I don't have to worry anything."
"Great catch ka din naman, eh," inilabas na niya ang susi mula sa bag niya. "Mayaman at sikat."
"And handsome," dagdag pa nito.
"Yah," tumigil siya sa harap ng building na tinutuluyan at hinarap ito. "Thank you for your time, Ivan. I really appreciate your effort to lend me your ears."
"Sanayin mo nang lagi akong naririto. Ako ang papalit kay Mason bilang best friend mo. Always count me in. Kahit na busy na ako sa basketball, I will make time with you."
Iniabot niya ang kamay dito. "Thank you......for today."
Kinuha ito ni Ivan sabay pisil sa kamay niya. "You are welcome, for today."
Humakbang na siya papasok ng building. "Call me when you reach the hotel," sigaw niya dito.
"Sure," ngumiti ito kumaway.
Wala pang kalahating oras ay tumawag na ito. Nakarating na daw ito ng hotel at patulog na din daw.
Napangiti siya at inihiga ang katawan sa kama. Her burden is getting lighter day by day. Nakausap niya ang parents niya, at ngayon si Ivan naman na parang naging shock absorber niya. Though ka-close niya si Raffy, hindi ito katulad ni Ivan na namimilit na magkuwento siya. Raffy is waiting for her to open up.
Ang weird lang, puro lalaki ang mga kaibigan niya. Pero okay lang, hindi naman judgemental ang dalawa.
Now, she's looking forward to going to work every day, to see his new friend.....
Ivan.