"Morning," narinig niyang bati ng isang lalaki sa sinomang kausap nito. Hindi niya iyon pinansin dahil busy siya sa pagkuha ng mga towels sa cart niya. "Morning, Cameron Marie Legaspi Villegas," napasinghap siya nang marinig ang buong pangalan.
Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa lalaki. Matangkad ito at may suot na multi colored wig at baggy clothes. Gusto niyang mapangiwi sa itsura nito pero mas nananaig sa kanya ang pagnanais kung paano nito nalaman ang buong pangalan niya.
Lumapit ito palapit sa kanya at ngiting ngiti. "Hi," bati ulit nito sa kanya nang tuluyang makalapit.
Kilala niya ito sa boses. "Ivan The Great," he grinned as a sign of confirmation. "How did you know my full name?" Pigil ang boses na tanong niya dito. Baka kasi may makarinig.
"Speaking Tagalog is fine," napakunot siya ng noo. "I can understand it fully," again, he grinned. "Half Filipino ako, hindi lang halata so you can speak to me with our native language. At least, walang makaka-intindi sa atin."
"Alam ko!" Nakagat niya ang labi dahil sa pagtaas ng boses niya. "Itinatanong ko kung paano mo nalaman...."
Bigla nitong itinaas ang kamay sa harap ng mukha niya. Lalong nanlaki ang mata niya nang makita ang ID nya sa school na ilang araw na niyang hinahanap!
"How did you get that?!" Akmang aabutin niya iyon pero iniwas ni Ivan sa kanya. Itinaas pa kamo ang braso para siguradong hindi niya maaabot ang hawak nito. "Give that back to me!"
Natatawang umiling ito. "I will give this to you in one condition," nakakaloko ang ngiting ibinigay nito sa kanya. "Go out with me."
"Ayoko!" Namaywang siya. "Masyado akong busy para makipag date."
"I am not busy so I can adjust my schedule for you." Sagot naman nito. "Just a friendly date. Not because I asked you out, iyon na ang gusto ko. We can get there if we both want it."
"You got nerves, you know?!" Inis na kinuha niyang muli ang mga towels at pumasok sa kwarto na nililinis.
"Wala ka namang school, di ba?" Muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil hindi niya akalaing susunod ito sa kanya. "Labas tayo after ng shift mo."
Pumikit muna siya at nagbilang hanggang sampu bago ito hinarap. "You have to get out of here, Ivan. You're not allowed in here. They are going to kick my a*s out......"
"How can they do that to the owner of this very hotel?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya at nakakaloko talaga ang ngiti.
Namaywang siya at tiningala ito. "So pati iyon, nalaman mo na din?"
"Oo naman! It's just so easy. My Dad is an ex-agent so it's easy for me to sneak to your files, you know," sabay kindat nito. "Sige na, labas tayo today and I will get out of here. Hindi kita guguluhin hanggang matapos ang shift mo."
Tinitigan niya ito bago umiling. "Hindi ko alam kung bakit bigla kang nag-aya ng date. Marami akong gustong gawin ngayon after ng trabaho ko."
"At least for three hours.....no, two will do," he pleaded. "Sige na."
Para lang matapos ang usapan nila, tumango na siya dahil talagang naaabala na ang trabaho niya. Para namang nanalo sa lotto ang binata sa pagpayag niyang iyon.
"Let me have your number and I'll give you a call later. I know what time you will finish so don't hope that you can run away from me, do you understand," she didn't reply but just rolled her eyes. "Try me, Cameron and you will know what I am capable of."
"May sinabi ba ako?" itinulak na niya ito hanggang makalabas ng pinto. "Mamaya ka na mangulit, okay?"
"At the employee's exit door, I'll be there at two," ngumiti ito at kumaway muna bago tuluyang lumayo.
Napabuntong hininga siya. Mukhang hindi niya matatakasan ang binata. Nagkibit balikat na lang siya at napangiti. Maybe going out sometimes is not that bad at all.
**
"Uy," halos mapatalon siya ng marinig ang boses ni Ivan na nakadamit na pambabae. "That expression of yours!" sabay tawa nito.
"I really hate you for doing that!," sinuntok niya ito sa braso. "W-why are you wearing like that?" sinenyasan siya nitong tumahimik at hinaltak siya para pumara ng taxi.
Sumulyap muna ito sa driver bago magsalita. "Hindi na ako nakakalabas ng hindi nagco-cover up. You know what is camouflaging, right?"
"Feeling mo kasi artista ka eh," natatawang sabi niya dito.
"Sort of," tumawa ito ng mahina. "I thought, you're going to run away."
"Pumayag na ako, di ba? So eto na," ngumiti lang siya ng tipid at tumingin sa tinatahak ng taxi. "Where are we heading to?"
"No idea," bigla siyang napatingin sa binata. "We can go down somewhere and walk. Kailangang makalayo lang tayo ng konti sa hotel."
"Saan ang mga bodyguards mo?" sumenyas ito na nasa likod lang kaya lumingon siya. May nakasunod na isang kotse sa kanila. Totoo naman kasing sikat ito ngayon at talagang pinagkakaguluhan kahit saan mapunta kahit hindi ito artista. Balitang balita ito sa mga entertainment at sports magazine.
Bumaba sila sa 35th Street at naglakad lakad sa kahabaan noon para maghanap ng makakainan. "You want to eat steak......"
Sunod sunod ang ginawa niyang iling. "No please!" the guy chucked when he heard what she said.
"So how about Chinese? Korean? Japanese?" tanong pa nito.
"Let's go to Izakaya," aya niya dito. "The best Japanese resto for me here in NYC."
Kaagad namang pumayag ito kaya tinahak nila ang daan papunta sa restaurant na iyon. Marami ang parokyano ng nasabing restaurant pero sinuwerte silang dalawa at nakakuha sila ng pwesto.
"Hindi ka ba nahihirapan na ganyan ang itsura mo?" tanong niya nang maka-upo sila.
"Nahihirapan," sagot nito. "But I have no choice. Mas maganda na ang naka-ganito kaysa naman lagi akong pinagkakaguluhan."
"Eh di sana hindi ka nag-baskeball para hindi ka pinagkakaguluhan," sabay ingos niya.
"Malay ko bang sisikat ako," sagot naman nito. Wala itong kayabang yabang sa boses. "I hate crowd but I love basketball. Bread and butter ko na ito. I am living in luxury because of it and the endorsements. Kaso may mga oras na ayokong may nagpapa-picture sa akin o may mga humihingi ng authograph ko. Minsan lang talaga, hindi ako nakakatakas sa mga fans at mga papz."
"But you owe your fans big time, Ivan. Wala ka diyan kung hindi dahil sa kanila," sabi niya dito.
"Correction, Cam. I am here because of my talent. Yes, somehow I owe it to them pero hindi sila ang nagdala sa akin dito. Kung hindi ako magaling sa basketball at marami lang fans, artista or model sana ako ngayon," sarkastikong sagot nito sa kanya. "Pero kahit ganun ang takbo ng utak ko, thankful pa rin naman ako sa mga fans kaso talagang nakaka-irita minsan." Sinenyasan nito ang waiter tapos ay itinanong kung ano ang gusto niyang kainin. Ramen lang naman ang nasa isip niya kaya iyon ang sinabi niya pero nagdagdag pa ito ng kung ano ano. "I hope you're not a body-conscious figure freak." Sabi pa nito.
"Medyo lang. I struggled to get into this shape for a year," sagot niya.
Napailing ito. "I don't know why most of the women are like that. Iilan lang ang babaeng nakilala ko na hindi iniisip kung tataba ba sila o hindi. Sampu lang yata, or wala pa."
"I gave birth kasi," nakita niya ang panlalaki ng mata nito na ikinatawa niya.
"You.....you're married?!" gulat na gulat talaga ito. Napalakas pa nga ang boses kaya napatingin ang ilang customers sa pwesto nila.
"Marriage is out of the question nowadays, Ivan. Pwede nang mabuntis ang babae kahit hindi kasal," ininom niya ang complimentary water na nasa table nila. Biglang nanuyo ang lalamunan niya.
"So....so.....you......you....." napatawa ulit siya ng mahina nang tila hindi nito alam ang sasabihin. "Where is your child?"
"Children," lalo itong nagulat. "I got twins and they are not with me." Kumunot ang noo nito. She has to lay down her cards even though this is just their first date. Ngayon pa lang, gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Kung ano ang tunay nitong hangarin kung bakit siya inayang lumabas. "I left them in the Philippines, with their father."
Sumandal ito sa upuan at humalukipkip habang tinititigan siya. "Hindi mo mahal ang mga bata? Did that guy force himself to you?" seryoso ang mukha nito.
Umiling siya. "It is not like that. Mahal ko ang mga anak ko and the guy didn't force me. It is the other way around," napakunot ito ng noo. "I seduced him, took him away from my best friend."
Napalatak ito at mahinang nag-mura. "WOW! Just WOW! You really did that?" tumango siya. "Ano iyon, experiment mo lang? Iniwan mo kasi eh."
Alam niyang namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Sa walang isang oras na kasama niya ito ay napansin niyang ito ang tipo ng taong hindi iniisip kung makakasakit ng kausap o ano. He's so straightforward, so blunt.
"I have my reasons," tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. Lumapit ang waiter at inilapag sa harap nila ang mga pagkain.
Kinuha nito ang chopsticks at iniabot sa kanya ang isa. "You can tell me those reasons."
"I can't. Kakakilala lang natin......"
He smirks. "You already laid your cards, show me the rest of it. I am not the kind of person who enjoys passing judgment because my own life is far from being perfect. But I will tell you this.....I will be very candid, Cameron. Kung ano ang nasa isip ko, sasabihin ko. Most of the time, people hate me for being like that but I don't care. Truth hurts, you know, but sometimes, we need that in our life. We need people who will tell nasty things on our faces. It is either you will take it negatively or what." Sumubo ito ng Maki at ngumunguyang tinitigan siya. Tila inaantay kung magsasalita siya. "Okay, ako muna. Sasabihin ko sa iyo ang buhay ko. I want us to be transparent with each other. Feeling ko kasi, magiging mabuti tayong magkaibigan simula nung nakita kong umiiyak ka. I think you don't have that many friends and so do I. Magkaiba man ang nangyari sa atin in the past, baka pwede din tayong maka-relate sa isa't isa."
Tinitigan niya ito nang ilang segundo bago inilipat ang paningin niya sa mga pagkain na nakahain sa harapan nila. Parang gusto na ayaw niya ang gagawing pagtatapat sa binata. Isa itong estranghero at hindi siya ang tipo ng tao na nagsasabi ng nasasaloob sa kung sino sino lang.