Time Stop 9

1775 Words
Nang sumunod na mga araw, naging busy siya sa negosyo pero halos hindi naman niya inihihiwalay ang mga anak sa kanya. May crib ang mga ito sa opisina niya at dahil airconditioned naman, hindi siya nag-aalala na baka mainitan ang mga ito. And both of his kids are well behaved. Louise trained them well. Napakagaling nitong mag-alaga ng mga bata, siguro dahil sa tatlong nakakabatang kapatid nito. At unti-unti ay nasasanay na ang mga bata na hindi na nakakatabi ng mga ito si Louise sa pagtulog. "Hi!" napaangat siya ng paningin ng marinig ang boses nito. Itinaas nito ang mga dala. Pizza at doughnuts. "Hey Beautiful," lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. "What brought you here?" "I missed the kiddos," pinaghahalikan nito ang dalawa bago inabutan ng plain doughnuts ang mga ito na kanina ay abala sa paglalaro pero nang marinig ang boses ni Louise ay nagtayuan at nagpapaunahang magpakalong. "I will take you later, babies. Lunch lang muna kami ni Daddy, okay?" "Opo," sabay pang sagot ng dalawang bata. Naupo uli ang mga ito sa crib habang kumakain. "Dad invited your family to come with us to the farm. Hindi ko alam kung nakatawag na siya kay Tito Lex," sabi nito habang binubuksan ang box ng pizza. "Nabanggit ni Dad kagabi. Hindi ako maka-tango eh," nagpasalamat siya nang abutan siya nito ng isang slice ng pizza. "Daming work?" lumapit ito sa glass mirror upang matanaw ang workshop. "Wow, ang daming cars!" "Kaya hindi ko magawang iwan," tumayo siya sa tabi nito. "Trust your man that they can move around without you. It's just three days..." "Maraming maaaring mangyari sa tatlong araw," muli siyang naupo sa swivel chair niya. "Minsan lang magkakasama-sama ang pamilya natin at ngayon lang makakapunta sa hacienda ang kambal. Di ba nangako din sa kambal si Kuya..." napakunot-noo siya nang biglang ngumisi ito. "I think I know why you're hesitating to come with us." Hindi siya kumibo, bagkus ay kumagat lang ng pizza. "Nahihiya ka pa ding humarap kina Mommy, ano?" tukso nito sa kanya. Kinurot siya nito sa tagiliran. "As if namang hindi mo nakikita every other month ang parents ko!" natatawa ito sa kanya. "This is different, Lou. I have to stay in your house kaya nakakailang," napasimangot siya nang tumawa ito nang malakas. "Sige, tawa pa. Kabagan ka sana." "S-sorry," inabutan niya ito ng juice dahil parang mabibilaukan. Inabot pa nito ang tissue upang punasan ang luha na nasa gilid ng mata. "Eh kasi naman, parents ko lang naman un!" "Yun nga eh, parents mo kaya di ko maalis ung ganung feeling. Pero sige, I will try my best to be with them. Isa pa, I have to talk to your father. Baka mas maayos kaming makakapag-usap doon regarding sa business kong ito." "See, it will be two birds in one stone! Makakapag-meeting ka sa Daddy ko and at the same time, makakapag-relax kayo ng family mo. You will love the place. Makikita mo na kung saan nanggagaling ang mga mangga na dinadala ko noon sa iyo," ngumiti ito sa kanya. "Tamang tama, anihan doon ngayon kaya tiyak na may maiuuwi kayong mga mangga." "Nakaka-miss nga ang manggang galing sa farm nyo," dumukwang siya dito para punasan ang gilid ng labi nito na nalagyan ng ketsup. "Tell me what's going on with you now? Ilang araw kang hindi nagparamdam." "I am staying in our old unit, ALONE," napataas siya ng kilay sa sinabi nito. "And of course, si Daddy paranoid na naman. Parang may kikidnap sa akin." "He just wanted to protect......" "I don't need any of that, Mason. You know how much I hate bodyguards. I can take care of myself very well. So save the worry to yourself," naiiritang sabi nito. "Let's live together again," napatingin ito sa kanya. "At least, you will lessen his worry and mine as well." "Tama na ang ilang taon, Mason. You have to be with your parents. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ako sa tabi mo. I really have to finish my studies now and I am planning to get two degrees in two years." "And I am a big distraction," natawa ito nang palungkutin niya ang mukha. "Huwag umarte, hindi bagay. Yes, you are but I will make sure that I will always be around. Magseseryoso lang ako sa pag-aaral at si Daddy, kinukulit na kami ni Eric na mag-manage ng businesses namin. Gusto daw niyang makasama si Mommy nang matagal na walang iniisip na kung ano. He owes her that, you know. He owes his Queen a lot. Isa pa, nakakahiya naman kami ni Eric kung hindi kami agad makakuha ng degree samantalang si Kuya Gwain, almost nineteen lang, tapos ng mag-aral, with flying colors pa. Kaya pag-bubutihan ko na talaga. Tska na ang mga boys." At mukhang kailangan na din niyang kumuha ng degree para magawa din iyon ng ama niya. He has to manage their construction business as well so his father can enjoy his time with his Mom. Hindi pa naman pwede si Alexa dahil ang bata pa nito. She's only ten years. "At gusto kong mainggit," sabi niya sa dalaga. "Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at pagmamanage ng business ko, pati ang pag-aaral ng pasikot sikot sa kompanya ni Daddy....." "And maging daddy ng kambal, don't forget that," tumango siya sa sinabi nito. "Don't worry, they are my top priority now. Kaya hindi ko na sila iniiwan kina Mommy." Kaya ko naman silang alagaan nang ako lang." "I'm confident you can. You're one of the most responsible men I've ever known. Bring back the old Mason who has the ability to make the time stood still," natawa siya sa sinabi nito. "Who can make the impossible possible. Show everybody what you are capable of. You're aware of how much I believe in you, aren't you? I know you can accomplish everything you set your mind to." "But I have to drop that Grand Prix in Monaco for the meantime," tumango ito sa kanya. "If you want to succeed in life, you must make certain sacrifices. You can continue to practice in the country. Prepare for a strong comeback in the next two to three years. Kaya mo naman iyon, ikaw pa," ngumiti ito. "Basta nandito lang naman kami to back you up." "You are really an angel, don't you know that?" she grinned at him. "Kung hindi ako nagloko, baka ikaw ang mommy talaga ng kambal." "Kahit hindi ka nagloko, parang imposible iyon," natatawang sabi nito sa kanya. "Wala kang dating sa akin kahit pa sabihing ang sexy at ang gwapo mo naman." "Wait for few more years, Honey." Umirap lang ito. "Pero tingin ko si Prox lang ang malakas ang dating sa iyo, tama ba?" nanunuksong tanong niya at nang makitang namumula ang pisngi ng dalaga ay tumawa siya ng malakas. "And you're really blushing! Meaning, he really is!" "Ewan ko sa iyo!" tinalikuran siya nito para abutan ng tubig ang kambal. "He's an old story, so let it go, will you?" Hindi niya alam ang buong nangyari sa dalawa at ayaw makipag-usap ng dalaga sa kanya tungkol doon. He tried to reach Prox but he didn't know how. Hindi na niya ma-contact ang dating numero nito. "Kung iiwasan mo ang mga boys, since my agreement na tayo, I can be your boyfriend again," bigla itong lumingon sa kanya. Nginitian niya ito. "I can be your chauffeur if you want, you know." "I would gladly accept your offer....that is if, you can really juggle or cut yourself to do all of it in a day. Then, you can be my boyfriend." Linapitan niya ito at hinapit sa baywang. "Then let's seal that," nanlaki ang mata nito ng idikit niya ang labi sa mga labi nito. When he lifted his head, he brushed his thumb on her lips. "Still as sweet as before." Nagulat siya ng bigla siyang hampasin nito sa dibdib. "Huwag mo akong hahalikan ng wala akong pahintulot, do you understand me?" namaywang ito. Namumula ang pisngi. "Bakit naman kailangan ko iyon eh girlfriend naman kita? Kapapayag mo pa nga lang di, ba?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Basta! Don't just kiss me like that!" she glared at him. Natatawang hinalikan niya ito sa ulo. "Opo. Sa mga safe zone na lang," napangiti ito sa sinabi niya. She stayed for few hours before she decided to go home. After an hour, he left the shop as well with the twins. Nang umuwi siya ng gabing iyon ay nagulat siya ng makita ang mga naroroong bisita. Sina Troy at Sandra. "Mason," niyakap siya ng ninang niya. "How are you, hijo?" Ngumiti siya. "Okay naman po," tumingin siya kay Troy at kinamayan ito. "Kumusta po, Tito?" "We're fine. Kakarating lang namin galing States. Dinalaw namin si Cam," sagot nito sa kanya. He suddenly became stiff upon hearing the name of his kid's mother. Pero saglit lang iyon at agad siyang ngumiti. "So how is she?" "Doing great. Enjoying school," tumango siya sa mga ito. Ang totoo ay hindi siya interesado kung ano man ang ginagawa ni Cameron sa mga oras na ito. She simply ran away from her children, and in his opinion, she has no right to be considered their mother. "Good to hear that," tinanggal niya ang suot na sumbrero ng mga kambal na abala sa pagdede. "What a great day we had, right kids?" Ngumiti lang ang mga ito sa kanya. Nakisali siya sa usapan ng mga matatanda habang kumakain sila ng hapunan. Bigla niyang naalala ang sinabi niya kay Louise. "I want to go back to school soon, Mom, Dad," paalam niya sa mga ito. "So I really need your help for the kids." "What made you change your mind, Anak?" tanong ng daddy niya. "I want you to take a rest, Dad, kayo ni Mommy. You are neglecting your duties to her," kinindatan niya ang ina na namula ang pisngi. "I will manage my time to juggle from school to your office and to the shop. But of course, gagawa ako ng paraan para makasama ko din ang kambal. You're not getting younger, old man. The strike of gray hair is visible already." Nagkatawanan ang lahat sa sinabi niya. Babawi siya sa lahat, sa pagiging lutang niya sa loob ng dalawang taon. Masyado na siyang nakaabala sa pamilya niya, pati sa ibang tao. Kung kailangang gamitan niya ng magic ay gagawin niya. He will return the old Mason, with drive and dream. He will disregard the unnecessary thoughts and anger in him because it will not help him. Because whatever he does now will be for his children, he must be more focused.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD