Time Stop 8

2182 Words
"Kung hindi ka pa napilit ni Louise na bumalik dito, wala ka pa talagang balak ipakita sa amin ang mga anak mo," he almost rolled his eyes at his mother's whining. Pero kahit naman ganoon ang Mommy niya, mahal na mahal niya ito. She's always there whenever he needs her. "You're exaggerating, Mom. Just two months ago, you stayed with us for a week," natatawang humalik siya sa pisngi nito. Kinuha nito si Maron na kalong ni Louise. "But yeah, you have to thank Louise for that." Ngumiti naman ang dalaga sa kanila. "Tita, matigas po talaga ang ulo niyang anak ninyo. Kaya naman po kami na-late ng uwi dahil din sa kagagawan niya. He held us for a day for nothing!" Natawa siya at inakbayan ito at hinalikan sa ulo. "Only for a day, Ms. Louise. Wala namang nawala sa iyo." Umirap ito sa kanya at humalik sa pisngi ng Mommy niya. "Where are the kids, Tita?" "Kakahatid lang ng Tito Lex mo sa school. Let's eat breakfast. Nagluto ako at alam kong gutom na kayo." Humakbang ang kanyang ina papunta ng kusina ngunit nang makitang hindi sila sumunod ay tumigil ito sa paglakad. "Yeah, I really am. But I want to settle the twins first. Needs to change their nappies," sanay na ito sa bahay nila kaya muli nitong kinuha si Maron at dinala sa kwarto ng kambal. Sumunod siya dito pero agad naman siyang itinaboy pabalik sa Mommy niya. "Is it true that she's going to stay here for good?" tumango siya. "Do you know why?" "Trip lang yata," inakbayan niya ang mommy niya at inakay papuntang kusina. "Kahit naman saan mag-aral iyan, walang problema. She will always excel in class." Ngumiti ito sa sinabi niya. "Sabagay. Napakatalino naman talaga ng batang iyan. So ikaw, bakit hindi ka muling bumalik sa pag-aaral?" "I am loaded, Mom. Seseryosohin ko na ang pagiging tatay dahil pinag-aawayan naming dalawa iyon," na siyang totoo. Nang mapag-isip isip niya ay tama naman ang mga katwiran ng dalaga sa kanya. Wala na siyang oras sa kambal. Mas si Louise ang nagpaparamdam sa dalawang bata ng pagmamahal. Ito ang mas madalas na kasama kahit pa sabihing busy ito sa pag-aaral. "At dapat lang na mahiya ka sa kanya dahil inaako niya ang responsibilidad ninyong dalawa ni Cameron," hindi niya maiwasang magsalubong ang kilay nang mabanggit nito ang pangalan ng dating kaibigan. "Pareho kayong iresponsable ni Cameron sa pagiging magulang. Iniwan niya ang kambal nang walang binabanggit na dahilan. Ikaw naman, iniwan sa iyo pero ipinapaubaya mo sa ibang tao. Kahit naman sabihin pang mahal ni Louise ang dalawang bata dahil sa nararamdaman niya sa iyo, huwag mo naman sanang abusuhin." Hindi siya kumibo. Babawi siya sa mga anak at haharapin na din niya ang negosyong iniwan niya sa pangangalaga ng ama at ni Gwain. "Ang negosyo mo, ang ganda ng itinatakbo. Yung mga kakilala ng pamilya natin, pati na nina Ninang Sandy mo, pati ng mga Villaluz, doon nagpupuntahan para magpa-customize. Kailangang harapin mo na ang negosyo mo dahil ikaw ang nakaisip nyan pero iniiwan mo kay Gwain at sa Daddy mo. Be responsible, Mason dahil hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo." "Don't worry Mom. Aayusin ko iyan isa-isa. I will be a father and a mechanic at the same time," he winks at his mother when she raised her brows. "I will take the kids with me every day or at least twice a week." "Sana nga magawa mo. Don't just say it, do it Anak. Hindi ikinatutuwa ng Daddy mo ang nangyayari sa iyo. Hindi man nagsasalita ang iyong ama pero ramdam ko ang disappointment niya, nga lang dahil magulang mo kami kaya tinutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya." Napabuntong-hininga ang Mommy niya. "I am doing great Mom. Mag-hahanda na din ako sa pagsali sa Grand Prix. My next target is in Monaco." The excitement is rushing through his body. "And I am sure that I will win, Mom." "Alam ko naman iyon, Anak. Susuportahan ka namin doon pero sana, iparamdam mo sa mga anak mo na importante sila sa iyo," sabi nito sa kanya. Umungol na lang siya dahil mauulit na naman mula sa umpisa ang usapan nila. Napangiti siya nang pumasok ng dining room si Louise. "Nakatulog na po pareho," ipinaghila niya ito ng upuan. "My Dad called me as well. Pinapasundo na ako kay Kuya Gwain. Sabi ko, mamaya na at kakain pa ako ng masarap na breakfast mo, Tita." "Aba'y dapat lang at magtatampo ako kung hindi. Kailan ba magagawi ang parents mo dito sa Pinas at nang maaya naman ang mga iyon na lumabas?" nakangiting tanong nito sa dalaga. Nilagyan niya ng itlog at sausage ang plato nito, maging ng kanin. Louise takes heavy breakfast kaya pati siya ay nahawa. "Baka po next week, nandito na sila. They want to see in which school I will go," ngumiti ito sa kanya at nagpasalamat. "Kapag wala ako, magtino ka, Alexis Mason, okay? No fooling around, do you understand?" "Loud and clear, Ma'am," sumaludo pa siya dito. "I will miss your nag." "Dapat lang," inirapan siya nito. "I am one of a kind, Mason. Wala ka nang makikitang katulad ko." "Kaya mahal kita, eh," sumimangot ito sa kanya. "Pero ayaw mo namang maniwala." "Pwede ba, ang aga aga ha!" narinig niya ang mahinang pagtawa ng Mommy niya. She always adore Louise. Hindi nawala iyon kahit pa nagkahiwalay silang dalawa. Nagkuwentuhan ang dalawa na parang hindi siya nag-eexist sa mga ito gayong siya naman ang pinag-uusapan. Saktong dating ni Gwain ay tapos na silang kumain. Kasama nito ang anak na si Kelly na tuwang tuwa nang makita ang tiyahin. Pinuntahan muna ng mga ito ang kambal sa kuwarto kasama ang kanyang ina kaya naiwas siya kasama si Gwain. "Kumusta?" kinamayan siya ng binata. Annuled na ang kasal nito kay Kits, sa pagkaka-alam niya. Hindi rin alam ni Louise ang dahilan kung bakit naghiwalay ng tuluyan ang dalawa pero nanatiling mabuting magkaibigan para kay Kelly. "Congratulations. I heard the news." "Thanks. Okay naman," ngumiti siya dito. "I hope you have time tomorrow to meet me in the office." Tumango ito. "Hindi pa naman ako agad babalik sa hacienda. We have to settle Louise first. The whole herd came just to check which school she's planning to go to. Alam mo naman yang kaibigan mo, napakalihim. She wants to surprise us as if Ajerico will allow her to just go anywhere she wants." Napatawa siya. "But you know your sister, Kuya Gwain. You cannot change whatever plans she has in mind. All you can do was to support her." Tumango ito habang nakangiti dahil alam nitong totoo ang sinasabi niya. "By the way, I would like to meet Tito Jeric as well, after I check the finances. Tingin ko naman ay kaya ko nang bayaran nang buo ang inutang ko sa kanya. Isa pa, I received the money that I earned from racing," malaking ngiti ang ibinigay niya sa binata. "You know that you can pay on your own phase...." "Your family has always been generous and kind to me, Kuya. I want to settle the full payment before I totally handle the business. You don't know how grateful I am to your family who supported me in this business even in my absence. Maraming salamat, Kuya Gwain sa pangangalaga sa shop kahit na sobrang busy ka pa. I have to learn a lot from you, Tito Jeric, and Dad." Hinawakan siya nito sa balikat. "Just ask, Mason, and we are all willing to help you. You need a lot of catching up. Tutukan kita ng isang linggo para malaman mo ang lahat nang pasikot-sikot sa kumpanya mo at kahit pa matapos iyon, hindi pa rin naman kita totally bibitawan." "Whenever you're free, Kuya, you know where to reach me," tumango naman ito at nag-paalam na sa kanya dahil may lunch date daw ang buong pamilya ngayon. "Would you like to join us?" alok nito. Nakangiting umiling siya. Ang sumama pa sa pamilya Villaluz ay kalabisan na. Isa pa, marunog siyang lumugar. Alam nya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya. Ang patawarin siya at makabalik muli sa pamilya ng mga ito ay sapat na. Sabi nga ng Mommy niya, wag niyang abusuhin. "Thank you for the offer but I have to decline. It's your family day and besides, I would like to rest first because I have work tomorrow." Magalang na tanggi niya. "I understand. I will let you know when we can talk, together with my father. If Tito Lex can come with us, that would be much better." Tumayo na ito at muling sinuyod ng tingin ang kabuuan ng living room. "Nasaan na ba ang dalawang iyon? Baka nagising ang kambal kaya nagtagal." "Would you like to go to their room?" aya niya dito. "Yes. Matagal ko na ding hindi nakikita ang mga batang iyon. I am sorry for not visiting you in States for the past year," hinging paumanhin ng binata. Hindi man ito nakakadalaw ay regular naman itong nakakapag-video call. Sabay silang umakyat ng hagdanan upang mapuntahan ang kambal. "We fully understand, Kuya. Alam naman namin ni Louise kung gaano ka ka-busy. Nakakadalaw naman doon sina Tito at Tita." Every two months, Ajerico and Lalaine Villaluz are visiting them in the US to check on Louise. He gave three warning knocks before opening the twin's door. Tama nga si Gwain, nagising ang kambal. "Tito Gwain!" unahan ang dalawa sa paglapit sa binata. "We missed you!" Nangunyapit sa leeg nito ang dalawa. "Miss ko din kayo." Hinalikan ni Gwain ang ulo ng dalawa. "We will go to the farm one of these days, would you like that?" "You have horses there?" nanlalaki ang mata ni Lexus. "And cows? And goats?" tanong naman ni Camaro. Nakatinging tumango si Gwain. "Yes. And if you like, I will teach you how to ride the horses." "You know how to?" tanong pa ni Lexus na talagang nakuha talaga ang atensyon sa sinabi ni Gwain. Naupo na nang tuluyan si Gwain sa lapag at iniupo nito ang dalawa sa magkabilang hita. "He's really good with children," bulong niya kay Louise. "Paanong hindi eh apat kaming inalagaan niyan. Hindi lang nya talaga naalagaan si Aquisha kasi nandito na siya sa Pinas nung manganak si Mommy. Kaya mahal na mahal naming lahat si Kuya. Para kasing naging second father na namin siya eh," napatingin siya sa dalaga na nakapako ang tingin sa kapatid at ang mga mata nito ay punong puno nang pagmamahal. "If I am just as half responsible as he is," napabuntong-hininga siya. Nakangiting hinarap siya ni Louise. "Yes, you are, Mason." Ikinawit nito ang braso sa kanya. "You just did some rerouting but I know you will find yourself again." "You trust me that much?" tumingala ito sa kanya. Tumango ito. Hinalikan niya ito sa may bandang tainga. "I love you." Kinabig niya ito palapit sa kanya. "I will definetly miss you." "Same here." Gumanti ito ng yakap sa kanya. "Sis, Dad is calling," napukaw ni Gwain ang atensyon nila. "Paano ba yan, we have to go," napansin niya ang pamumula ng mata nito, banta ng napipintong pag-iyak. Humiwalay ito sa kanya upang lapitan ang mga bata. "Babies, Mama has to go." "Where are you going?" nakakunot ang noong tanong ni Lexus. Tumayo ang dalawa at lumapit sa ina-inahan. "I am going home," nakita niyang tumingala ito upang marahil ay pigilan ang pag-bagsak ng luha. "Do you really need to go? Don't let her go, Daddy." paiyak na ang kanyang anak na babae. Lumapit siya sa mga ito. Mukhang matagal na pagpapa-alaman ang mangyayari. Kahit nasabi na nila ito sa kambal at nag-iiyak na din ang mga ito, alam nilang hindi pa rin madali ang gagawing pag-alis ni Louise. Nang pangakuan ni Louise na matutulog ito sa gabi katabi ang mga ito ay hinayaan ng kambal na umalis ang dalaga. "Uunti-untiin natin ang pag-alis ko, Mason. They grew up with me and it's a big shock if I will just leave them like this," sabi ni Louise nang ihatid niya ito sa kotse. "Nakakahiya na sa parents mo. Dapat sila na ang kasama mo ngayon," namulsa siya at sumulyap kay Gwain na nasa harap ng manibela. "They will understand," tumingkayad ito upang halikan siya sa pisngi. "See you later." Pinagbuksan niya ito ng pinto upang makatabi ang kapatid na siyang magmamaneho. "Ingat, Kuya. Thanks for dropping by," sinilip niya sa bandang likuran ng kotse si Kelly. "Bye Kelly." "Bye, Tito!" Kumaway ito sa kanya. Nang makaalis ang mga ito ay binalikan niya ang mga anak. "Kailangang sanayin mo sila na ikaw ang kasama, Anak," napa-angat siya nang paningin sa ina mula sa panonood ng paglalaro ng kambal. "Ganoon na nga, Mommy. I will take them to my work every day so we have to buy new cribs and place them in my office." "Hindi ka ba mahihirapan nun? They may distract you at your work." "I know they will not. Don't worry too much about us, Mom. Okay lang kami ng mga bata," at hinalikan niya ang ina sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD