Time Stop 13

1470 Words
Hindi na niya dinaldal pa ang kaibigan dahil may ginagawa ito at itinuloy na din niya ang pagbabasa. But on the side, she's still thinking about how to persuade her friend to accept the clothes that she is offering. Napaangat sila pareho ng paningin nang ibaba ni Mason ang isang tray ng pagkain. "Ang dami naman niyan!" balewalang inilapag nito sa lamesa ang isa pang tray na nasa kaliwang kamay. "Kulang pa yan. Wait," at muli itong umalis. Pagbalik ay may dala pang dalawang tray. "Para naman tayong bibitayin nyan!" biro niya sa binata. "I saw from there that you're with somebody," sinulyapan nito si Violet at nakangiting iniabot ang kamay. "Hi, I am Mason." "Violet," sagot naman nito at tinanggap ang pakikipagkamay ni Mason. "I met you at last." Napataas ang isang kilay ni Mason at sinulyapan siya bago muling tinignan si Violet. "So, naikukuwento siguro ako ni Louise sa iyo?" Natawa ng mahina si Violet. "Konti lang naman." Inayos nito ang salamin na bumababa na sa ilong nito. "Sige na, kain lang kayo at huwag ninyo akong intindihin dito." Pero umiling si Mason at itinabi ang mga dala ni Violet at inilagay iyon sa isang silya na katabi nito. "You are going to eat with us, Violet. I ordered a lot for the three of us so you better make yourself full." "Pero may pagkain......" "Hindi sapat iyan sa mag-hapon," sagot pa nito habang inaabutan sila ng pagkain. Napangiti siya nang abutan nito ng kutsara at tinidor si Violet na inilagay pa mismo sa kamay nito. "Eat and no buts, please. You two are really best of friends, taking your food for granted," he snorted. "Salamat," nahihiyang sabi ni Violet sa binata. Nakita niya ang palihim na pagngiti ni Mason habang nakatingin sa nagsisimula nang kumaing dalaga. Tumungo siya para hindi makita ng dalawa ang pag-ngiti niya. "Make sure to finish your food, ladies. Hindi ko kayo patatayuin diyan hanggat hindi ninyo nauubos ang pagkain ninyo." Nagsimula na din itong kumain. "What are these for, Violet?" sabay taas ng naka-rolyong cartolina paper. "Report ko yan later," nakangiting sagot nito. "And the others?" mga libro at bond paper naman ang pinagdiskitahan nito. "Pinapagawa ng mga estudyante sa akin," napakunot ng noo si Mason. "Pandagdag baon ko." Hindi naman nahihiyang idinagdag pa nito iyon. Saglit na natigilan si Mason pero hindi inaalis ang tingin sa kausap na dalaga. Saglit lang itong sumulyap sa kanya bago tinanggal ang bara sa lalamunan. "I can help you, you know," nag-angat ng mukha si Violet. "May foundation ang family namin. Pwede kong ilapit ang case mo....." Umiling si Violet at ngumiti. "Hindi, okay lang. Kaya ko naman......" "Don't get me wrong, Violet. Imbes kasi na nakakapag-aral ka ng mahusay, gumagawa ka pa ng projects ng ibang tao. Ang foundation ng family namin ang nagpaaral sa Mommy ko," napakunot ng noo ang kausap nito. "Hindi mayaman ang family nina Mommy kaya malaking tulong ang foundation namin dahil pati uniform at allowance mo, sasagutin namin." "He's right, Letlet." Napatingin sa kanya ang kaibigan. "Why don't you grab it? Kung ako lang, gusto kitang ilapit sa Daddy ko kaso hindi naman iyon sakop ng foundation ni Daddy dito sa Pinas. I forgot about Falcon's Foundation. Iyon nga pala ang may isa sa pinaka-magandang scholarship offer sa mga estudyante." Nangilid ang luha ni Violet sa sinabi nila. "Feeling ko, ang bait bait kong tao para magkaroon ng ganyang offer." Tumingin ito kay Mason. "Thank you, Mason." "That's nothing, but I want you to know, it's still subject for validation, okay? They will check everything before they will take you in. Kahit na recommended kita, rules are still rules, right?" Napangiti si Violet at tumango. "Salamat pa din. Sabi na nga ba, tama ang instinct ko na hanapin ka, Louise! Para akong tumungga ng isang drum ng felix felicis, eh! Biruin mo, may libreng food na, may libreng gamit ng computer tas ngayon, offer para magkaroon ng isa pang scholarship! Salamat po Panginoon ko!" sabay pinagsalikop ang dalawang kamay at tumingala sabay pumikit. "Salamat po." And again, the smile on Mason's face is there. Titig na titig ito kay Violet. "Bakit Violet ang name mo?" curious na tanong nito. "Lahat ba kayo, colors ang name?" Umiling ito. "Di ko alam eh. Sa lolo at lola ako lumaki. Napulot lang ako sa basurahan," nanlaki ang mata ni Mason na parang hindi makapaniwala. "Promise! Totoo iyon, itanong mo pa sa lola ko at sa mga kapitbahay namin!" Nagtangis ang bagang nito at natilihan siya doon. Agad niyang hinawakan ang kamay ng binata kaya napatingin ito sa kanya. "It's okay, Mason," hinaplos niya iyon para kumalma ang binata. Alam niyang ikagagalit ng husto ni Mason ang narinig mula kay Violet. Hindi katanggap tanggap ang nangyari kay Violet, lalo na para kay Mason. Humugot ito ng malalim na hininga at tumango. "Sorry. I got carried away with my emotions." Nagtataka namang napatingin sa kanila si Violet pero hindi ito nagtanong. Ipinagpatuloy nilang muli ang pag-kain. "Nga pala, uuwi muna ako mamaya para makakuha ng isusuot bukas tas magpapa-alam na din ako sa lolo at lola ko para hindi mag-alala," sabi nito sa kanila. "She's going to sleep with you?" tumango siya sa tanong ni Mason. "Because of these?" sabay turo sa mga naroroong gagawin ng dalaga. Namumula ang pisngi na tumango si Violet. "Nag-offer si Louise na pwede akong gumamit ng computer niya, sayang din naman ang ibabayad ko sa computer shop. Makakatipid pa ako pero," hinarap siya nito. "Ako ang maglilinis ng bahay mo, okay ba iyon?" Si Violet ang tipo ng tao na ayaw ng kinakaawaan. Hindi ito marunong manghingi ng tulong at kung nakahingi ito ng pabor ay siguradong babayaran nito sa anumang paraan. "Sige na, kahit malinis naman ang bahay ko. Alam mo namang may naglilinis sa bahay ko every other day, eh," sabi niya dito. "Kahit na paglalaba lang ng damit mo....." "Then clean my closet," napakunot na naman ito ng noo. "Help me clean my closet and let's throw those clothes which I hardly use." "Itatapon mo?!" nanlalaki ang mga matang sabi nito kaya ngumiti siya. Alam niyang manghihinayang ito at hihingin na lang ang mga iyon sa kanya. "Di ba sabi ko naman sa iyo kanina na mas nanaisin ko pang ibigay iyon sa iyo kaysa naman itapon ko kaso ayaw mo namang tanggapin," lumabi siya. "Accept whatever you can find in her closet that will fit you," singit ni Mason. "Malaki ang walk-in closet nyan at totoong punong puno ng damit at karamihan doon ay nasa paper bags pa. At least ikaw ang gagamit kaysa ibang tao." Tumingala ito sa kisame na tila nag-iisip. Napatingin naman siya kay Mason na sumulyap sa kanya. She mouthed her thanks to him and he nodded. "Sige na nga pero wag masyadong marami ha at baka kagalitan ako nina Lola." Nagliwanag ang mukha niya sa ginawang pagpayag nito. "Yes! Mababawasan na din ang laman ng closet ko!" "Alam mo, ang swerte mo talaga," nakangiting sabi nito pero alam niyang walang pagka-inggit ito sa kanya. "Ang bait ng parents mo. Yung kahit malayo ka, inaalam pa rin nila ang pangangailangan mo. Kaya ang lolo at lola ko, mahal na mahal ko talaga eh kasi ganyan din sila sa akin. Salat man kami sa yaman, hindi naman ako nagkukulang sa pagmamahal nila. Kapag yumaman ako, iaalis ko talaga sila doon sa iskwater para naman mabayaran ko sila sa lahat ng kabutihan nila sa akin." "And you will be successful, Violet. Believe in that," she smiled and hold her friend's hand. "She's right," tumingin sila kay Mason na nakangiti. Pareho pa silang nagulat nang itaas nito ang specs ni Violet na bumaba sa ilong nito. "And keep smiling." Again, the lady blushed. "May I have your number?" pareho silang napakunot-noo ni Violet sa tanong ng binata. "I will send you a message what are the requirements needed for you to apply for the scholarship. Hassle naman kung laging si Louise ang sasabihan ko tungkol dun, di ba?" "Sige," inabot nito ang cellphone ng binata para i-save doon ang number. Nang makuha ni Mason ay nakangiting pina-ring ang cellphone ni Violet na agad naman nitong kinuha mula sa bulsa ng pantalon. Isang lumang analog phone iyon. "Sa iyo ito?" tumango naman si Mason. "Basta text lang ha kasi di naman pwede dito ang pagsesend ng pictures," the lady grinned at him. Sa tingin ni Louise ay pumupuso ang mata ni Mason. He likes Violet, at first sight, no doubt about that. He was taken by her for being simple and pure. At ganoon din naman si Violet dito. Bukod sa guwapo ay sadyang mabait naman kasi si Mason kaya hindi kataka-takang magustuhan ito ng kahit na sinong babae. At titignan niya kung hanggang saan aabot ang atraksyon ng dalawa sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD