Time Stop 14

2146 Words
"What are you doing in here?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa binata na sinundo siya sa eskwelahan! Naka-upo ito sa hood ng gamit nitong Hummer Jeep. Malaking lalaki ito kaya imposibleng hindi ito mapansin ng mga estudyante doon kahit pa sabihing may bigote ito at long hair. "Paano kung nakilala ka ng mga estudyante?!" "Wala namang nakakilala, hindi ba?" sabay ngisi nito at pinagbuksan siya ng pintuan. "I think it's my lucky day!" "I can call you a Drag King! Ang galing mong mag-mix and match ng damit eh!" na talaga namang hindi mo malalaman na ito ang sikat na basketball player. "Hindi ka ba nahihirapan sa mga pinaggagagawa mong iyan?" "Ang hirap kaya! I have to spend an hour fixing myself. Nakasanayan na lang siguro," sabay kibit balikat at nagsimulang imaniobra ang sasakyan. "It's your off today, right?" Tumango naman siya. "Good. Let's eat out." "Makakatanggi pa ba ako kung nakasakay na ako sa kotse mo?" Sabi niya dito sabay irap. "Where to?" "My Dad is here," bigla siyang napalingon sa katabi. "He wants us to go out to eat, so I told him I'll tag you along." "Na ganyan ang itsura mo?" Umiling ito. "Aren't you going to disguise?" "Nope. I am with my father, and besides, he knows what to do and where to take me so there is nothing to worry about." "I am just wearing jeans, Ivan. I think I should....." "You are perfect, okay?" Ngumiti ito sa kanya. "What you're wearing is just fine." "Bigla akong kinabahan!" Tumawa siya nang mahina. "Baka naman between you and your Dad lang iyang dinner ninyo." "No. It's fine if I will take somebody with me. There's nothing serious to talk about anyway," balewalang nagkibit-balikat ito. "Mangungumusta lang iyon." "You are not close to him, are you?" tanong niya dito. "We just don't jive in some views," ngumiti ito ng tipid pero hindi umabot sa mga mata nito. "Ganoon naman yata talaga." "Is he living around the area?" tanong niya dito. Umiling naman ang binata. "So, where is he residing?" "Milan," napataas ang kilay niya sa sagot nito. "And he doesn't like the idea that I am in the league." "Ha? Bakit naman? He should be proud of you!" nakakapagtaka naman kasi talaga. Kung ang ibang ama ay halos ipagtulakan ang anak sa pagbabasketball, taliwas naman pala sa nangyayari sa kaibigan. "He wants me to join the SEALS, Cam. Galing siya doon and he wants me to be like him," nagtangis ang bagang nito at napansin niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. "Ganoon naman normally ang mga parents natin. Kung ano sila, gusto nila maging ganoon din tayo." "You don't understand, Cam." Umiling iling ito. "Then tell me all about it. I am ready to listen," itinigil nito ang Hummer sa tapat ng isang restaurant. "We're here," tinanggal nito ang suot na wig at bigote kaya nakita na niya ang kagwapuhan ng kaibigan. "The Don is there, so we have to hurry up. Ayaw nun nang pinaghihintay. Till now, he has this very irritating soldier attitude." Mabilis itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Sa tanggakad ni Ivan, nagmumukha siyang unano. She's five five but still short compared to his six three height. Hinawakan nito ang siko niya at iginiya siya sa loob ng restaurant. Pagpasok nila doon ay sinabi ni Ivan ang pangalan nito kaya dinala naman sila ng usher sa isang pribadong silid. Kumatok ito nang tatlong beses bago binuksan ang pintuan. The room smells of wood. Feeling niya ay nasa kakahuyan siya at nakakapanibago niyon sa lagi niyang naaamoy sa hotel nila. Lahat ng gamit sa paligid, mula sa upuan, lamesa at mga ibang muwebles ay yari sa kahoy. And at the corner, where the window is, a tall, heavily built guy is standing. Humarap ito sa kanila at ngumiti. His chiseled jaw gave shiver on her spine. Alam niyang hindi ito basta bastang tao. Kahit pa mukhang mabait itong tignan dahil sa gwapo nitong mukha na tingin niya ay malaki ang nakuha ni Ivan, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot. Napakapit siya sa braso ng kaibigan. "You came," niyakap nito ang anak at napakunot siya ng noo nang hindi man lang gumanti ng yakap si Ivan sa ama. Agad namang bumitaw ito sa anak at ibinaling ang tingin sa kanya. "And you must be Cameron?" Iniabot nito ang kamay sa kanya nang tumango siya. Napalunok siya nang mahigpit na kinamayan siya nito. "My name is Rist, in case my son hasn't already told you." She heard her friend cleared his throat. Ipinaghila siya ni Ivan ng upuan bago ito tumabi sa kanya. "How's everything, Ivan?" tanong nito sa anak na tahimik lang at tila talagang napilitan lang na makipagkita sa ama. "I am okay," tipid na tanong nito. "I heard about your new endorsement, Son. Congratulations." Hindi niya maiwasang hindi titigan si Rist na nakatingin naman sa anak. Nakikita niya ang pananabik sa mga mata nito, gaya kung ano ang nakikita niya sa Daddy niya tuwing dinadalaw siya nito. Taliwas nang nakikita niya kay Ivan. She can see and feel the coldness in him. Ni hindi ito ngumingiti. He's so stiff. "Welcome," gusto na niyang sikuhin ito dahil parang wala itong galang sumagot sa ama. "The food will be here in few minutes," bumaling ito sa kanya. "Where did you meet my son?" Napalunok muna siya at ikinalma ang sarili bago ngumiti dito. Kung si Ivan, ayaw kausapin ang ama nito, siya naman ay gusto itong makilala kahit pa natatakot siya dito na hindi niya alam kung saan nanggagaling. "He's a guest in our hotel." Inihawak niya ang dalawang kamay sa tuhod. Ewan niya talaga! Iba ang dating ng ama ni Ivan, eh! "Oh, really?" she nods. "He was rude with you, I guess," she saw the tenderness in his eyes, and it gave warmth to her. "Yes, he is," napatingin sa kanya si Ivan habang nakasimangot. Hindi naman niya pinansin ang kaibigan. "He is actually VERY RUDE!" Natawa nang malakas si Rist sa sinabi niya. Bago pa man ito makapagsalita ay pumasok ang dalawang waiters at inihain sa lamesa ang mga pagkain. "The food here is great, and for sure, you will love it." Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "And about my son being rude, I believe you in that, Hija. Knowing Ivan, he doesn't like attention nor fame. Kaya nga nagtataka ako sa kanya kung bakit mas pinili niya ang karera na iyan kaysa maging sundalo. I asked him to join the SEALs......" "I will not join that SEALs and be your shadow, Dad......" "Who's talking about being a shadow here? You will make your own mark there, Son, and I am very sure of that! Isang karangalan ang mapabilang sa samahang iyon, Ivan. I know how skilled you are, Anak." He looks so proud while saying those praises to his son. "You can surpass me." "Whether I will surpass you or not, nothing will change. Hindi maibabalik noon ang buhay ni Mommy," she heard bitterness and pain in his voice. Rist cleared his throat as Ivan caught him off guard. She felt the tension between the two. Nakadama siya ng pagkailang. Nang sulyapan niya ang kaibigan ay nakita niya ang madilim na mukha nito. Hinawakan niya ang kamay ni Ivan na nakapatong sa lamesa kaya napatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito ng tipid bago tumango at naramdaman naman niya ang pag-kalma ng binata. Tumango naman ito pero hindi man lang ngumiti sa kanya bagkus bumitaw sa pagkakahawak niya at tahimik na itinuloy lang ang pagkain. "Tito," napatingin ito sa kanya. "How long are you going to stay here?" "It depends, Hija," malungkot na sumulyap ito sa anak. "Why don't you stay in our hotel instead? Five-star hotel din naman po kami." Nginitian niya ito. Pilit niyang iniiba ang usapan para mawala ang tensyon sa paligid. "I would love to do that, Hija. Hindi convenient sa akin ang hotel na napili ko. Gusto ko eh yung marami akong napupuntahan na hindi na kailangan pang sumakay." "We're at the heart of the city, Tito kaya hindi ka magsisisi kung lilipat ka doon. I can walk with you kapag may free time ako," alok pa niya sa matanda. "How can you do that kung nag-aaral ka at nagtatrabaho?" tanong naman sa kanya ni Ivan. "Napaka-strict mo pa naman sa oras mo." "I can do some adjustments if I want to. Madali lang naman iyon," inirapan niya ang binata. "Bakit kapag ako, ang hirap mong umoo?" nakakunot pa rin ang noo nito. "Kailangan pa ba kitang oohan eh bigla bigla ka na lang lumilitaw sa harap ko?" tinaasan niya ito ng kilay. "Si Tito, bihira lang mapunta dito kaya dapat asikasuhin." "Ewan!" humaba ang nguso nito. Talagang ayaw nito sa ideya na makasama niya ang ama nito. "You looked good together," sabay silang napatingi kay Rist na ngiting ngiti. "Are you sure you are just friends?" tumaas pa ang kilay nito sa tanong na iyon. "Opo," sagot niya. "We are just friends, Tito." "Sabagay, magandang nagsisimula lahat sa pagkakaibigan muna. Wait, did you tell her about your fiancee?" Tanong nito sa anak. Umiling si Ivan sa ama, siya naman ay napakunot ng noo. "Fiancee?" Wala siyang alam tungkol doon. Lumingon sa kanya si Ivan at tumango. "Yes. I do have a fiancee pero hindi pa naman talaga official. Pinagkasunduan lang nina Daddy at nung daddy niya ang tungkol doon." Kwento nito sa kanya. "Bakit hindi man lang iyon nababalita?" tanong pa niya. "Just between the two families........" "Just within our circle of friends," Rist corrected what his son said. "And since ikaw ang unang babaeng ipinakilala sa akin ni Ivan, I want you to know as well. There should be transparency between friends. We don't know what will happen in the future. What if you two fall in love? At least, alam mo, Cameron, na may fiancee si Ivan." "He shouldn't flirt anymore if that is the case," sagot naman niya. "Nah. Ang usapan naman, seven years. In seven years na pareho pa silang single, doon na namin sila ipapakasal. Pareho naman silang sumang-ayon doon. Isa pa, isa si Ivan sa pinagtitiwalaan ng ama ni Lou kaya naman nagkasundo kami agad." "Lou is a close friend of mine, kaibigan ko din ang kapatid niya. We grew up together, and we agreed on their madness because until now, even though she's kind and beautiful, believe me, puro manloloko ang nagiging boyfriend nun!" Natatawa pang kwento nito. "Ewan ko ba sa babaeng iyon, puro maling lalaki ang pinipili!" Napansin niya ang pagtatangis ng bagang nito. Hindi niya alam kung dahil nagseselos ito sa isiping may mga naging nobyo ang babaeng pakakasalan o dahil nagagalit ito sa kaisipang hindi maaayos ang naging karelasyon ng kaibigan. "So sinasabi mo bang, ikaw ang tama para sa kanya?" nakangiting tanong niya. "Oo naman! That woman deserves happiness, and I can give that to her.....but not now, not yet. Hindi pa ako handa sa seryosong relasyon. Kaya nga di kita nililigawan eh." Isinubo nito ang isang piraso ng karne at nginuya. "Ayokong pumapasok sa relasyon na hindi ako sigurado. Dahil ang mga babae, hindi dapat iniiwan. If you really love her, you should be faithful to her." "Agree naman ako sa sinabi mo pero sana wala na ding lalaki na panay fling lang ano?" tinaasan niya ito nang kilay at inirapan. "At least ang mga lalaking ganun, sinasabi ng direkta sa babae kung ano ang gusto at least alam ng babae kung saan lulugar," dahilan nito. "You two seem to be so close," sabat ni Rist sa usapan nila. "Paano pong hindi eh lagi akong ginugulo ng anak ninyo kahit sa trabaho!" kunwa ay sumbong niya na ikinatawa naman ng ama ng kaibigan. "I know you love me kaya pumapayag kang guluhin kita," ngumisi ito sa kanya. "Oo naman. Love naman talaga kita ng walang halong malisya," ganting tugon niya. She clipped the vegetables with chopsticks and shot them in Ivan's mouth. She laughed when he almost choked. "Are you going to kill me?!" hindi nito alam kung matatawa o maiinis dahil sa ginawa niya matapos na makainom ng tubig. "Don't be exaggerated, Mr. Ivan Carlson. Hindi ka mamamatay sa pagkasamid," she stuck out his tongue on him. "Hindi ba kayo nagkakapikunang dalawa?" kita niya ang pagkaaliw sa mga mata ng matandang Carlson. "Nasanay na, Dad. We've been in each other's neck for months now," he soaked the shrimp to the sauce then added a little more than a pinch of wasabi on the top, which made Cameron cringe. She doesn't like extremely spicy food. Sa mga kakilala nya, sina Ivan at Louise pa lang ang nakikita niyang kumakain nang ganito kaanghang na pagkain. Thinking about Louise suddenly made her miss her friend. Kung tutuusin ay napakabuti nitong kaibigan at sinayang niya ang pakakaibigan nilang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD