"But Dad, what do you think of Cameron? Papasa na bang maging manugang?" sabay lingon sa kanya at kindat.
"Hoy!" malakas na sinuntok niya ito sa braso at tila hindi naman nito iyon ininda. "Kung makatanong ka as if naman tayo na or sasagutin kita!"
"Of course! Kita ko naman sa iyo na attracted ka na sa akin, eh" sabay kindat nito sa kanya.
"Makapal ka talaga!" inulit ulit niya ang suntok sa braso nito. "Kakainis ka!"
"Ang hina mong manuntok, alam mo ba iyon? Mag-aral ka nga ng boxing!" pang-aasar pa nito.
Kahit na siya ang inaasar ng binata, masaya na siya na nawala ang tensyon sa paligid dahil pati si Rist ay nakikitawa na sa kanila.
"Papaturo ako kay Tito Rist!" sabi niya. "Sa susunod, patutumbahin na lang kita!"
"Sure! But I doubt kung matatalo mo ako. I am quite good in martial arts, you know. Kami nung kapatid ni Lou. Kahit si Lou, sa gandang babae nun, kaya nyang patumbahin ang isang Sumo wrestler......"
"Ang hina naman nun," nakangiting sabi ni Rist. "She can pull down like....ten, I guess."
"TEN?!" Gulat na sabi ni Ivan bago pa siya makapag-react. "She's that good now?"
"Yah, sabi sa akin ng Daddy niya. After the last break up, nag-aral daw talaga eh. Parang may pinaghahandaan ang batang iyon!" napapailing pa ito habang natatawa.
"That can't be! I have to start practicing with my bo staff now, Dad! Ilang panahon na din akong walang proper training." Tila naalarma talaga ito sa narinig.
"Then do it, Anak. I will not force you to join the SEALs, but I want you to continue your training. Do it side to side with basketball. Malay mo, kailanganin mo iyon pagdating ng panahon," lalo itong napangiti nang tumango ang anak.
"Yah. I will. How about Ric, Dad? May balita ka? Hindi ko na nakakausap iyon, eh."
"I know he's on training still but, you know that he cannot focus on that. They have a vast empire to manage. Kailangan nilang pagtulungan iyong magkakapatid. Pero ang kaibigan mo, dapat kausapin mo minsan. He's giving a hard time to your Tito. Napaka-gigolo. Hindi mapirmi sa isang babae!"
"Tito, siya pa talaga ang kakausap dun sa friend niya eh gigolo din ito!" sabat niya.
"Uy! Of course not! Mabait kaya ako! Yung mga girls na iyon, they are just my flings! Eh si Ric, kabi-kabila talaga ang girlfriends!" Pagtatanggol nito sa sarili.
"Alam mo, kapag nakausap ko yang kaibigan mo, isusumbong kita! Inilalaglag mo siya eh hindi ko naman kilala yung tao."
"Proud pa sya doon, uy! Ang tawa ko lang kapag may isang babaeng magpaiyak dun." Tila aliw na aliw ito sa ikinukwentong kaibigan. "I really can't wait for that day to come! Usapan namin, bibigyan niya ako isang isla nila sa Carribean kapag may nagpaiyak sa kanyang babae, eh!"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito! "CARIBBEAN? Seryoso ka?!"
"Basta isang island. Yung maliit lang nga ang gusto ko eh, kahit saang panig pa yan ng mundo. Mayaman yun, kung alam mo lang! Hindi biro ang kayamanan nun! Yung kinikita ko sa basketball, barya lang sa kanya."
Napatanga siya sa sinasabi nito. Oo, maraming mayayaman pero hindi naman siguro tanga iyon para ipusta sa kaibigan ang isang isla na milyon ang halaga!
"Eh anong hinihingi niya kapag natalo ka?" tanong niya.
"Yung hover trax ko na unang unang ini-launch sa buong mundo. Walang kapareho iyon eh!" ngingiti ngiting sabi nito. "Ang babaw ng kaligayahan ng loko, ano? Eh baka pagdating nun sa kanya, sira na!"
"Seryoso?! Iyon lang ang kapalit ng isla?!"
Tumango ito. "Balewala naman kay Ric ang isla kasi madami nga sila nun. Eh, yung hovertrax ko, nag-iisa lang sa mundo iyon! Collector's item. Rare. Regalo yun sa akin eh kaya hesitant akong ibigay sa kanya nung una. Anyway, isang taon lang naman ang usapan namin. Kapag di siya umiyak, sa kanya ang hover trax ko."
"Paano mo malalaman eh magkalayo naman kayo?" takang tanong niya.
Inginuso nito ang ama. "He will tell me. Malalaman ni Dad through his father, imposibleng hindi."
"Don't worry, I will. It's an island, you know. Hindi basta basta ang mga pag-aari ng pamilyang iyon." Tumingin ito sa suot na wristwatch. "Oh, hindi ko napansin ang oras. If you're done, I think we better go."
"Sasama ka na po ba sa hotel, Tito?" tanong niya dito.
"Yes. If you can come with me to the hotel, that would be great."
Sinulyapan niya si Ivan at siniko nang hindi ito kumibo pero hindi pa rin nagsalita.
'May saltik talaga!' isip isip niya. 'Kanina ang daldal, ngayon naman nananahimik!'
Kaya siya na ang sumagot sa ama nito. "Of course, Tito. We will go with you. Para maasikaso kayo agad sa hotel."
"Her family owns the hotel," sabi ni Ivan sa ama. "Kaya for sure, special treatment ang ibibigay sa iyo."
Ngumiti siya at tumango sa matanda. "I will do that, Tito. And I will guarantee that you will enjoy your stay on Empire."
"I am sure of that. So, shall we go?" nauna na itong tumayo sa kanila at lumabas ng kwarto.
"Are you serious about inviting him there? Alam mo namang nandun pa rin ako, di ba?!" iritang sabi nito.
"Kaya nga ininvite ko siya eh. Para magkaroon kayo ng bonding moments na mag-ama......"
"Bawiin mo! Bawiin mo!" parang batang kulit nito sa kanya. "I don't want to be with him......."
Patalon na inabot niya ang tenga nito at hinaltak! Napa-hiyaw ito sa sakit!
"Walang aalis sa hotel ko hanggat ganyan ka sa tatay mo! Umayos ka at titigilan kita," inirapan niya ito at sumunod sa Daddy nito palabas ng kwarto.
Kinakausap niya nang kinakausap si Rizt habang tahimik namang nagmamaneho si Ivan. Nakasimangot ito at kumibot dili sa mga tanong niya.
Nagtuloy tuloy na ito sa sariling silid nang makarating na sila sa hotel. Hindi naman niya iniwan si Rizt hanggang hindi ito nakakapasok sa silid na kinuha niya para dito. Hindi niya sinabi dito na magkatapat lang ang kwarto nilang mag-ama.
Tinawagan niya si Ivan para lumabas at kausapin siya. Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa nang lumabas itong naka-bathrobe at mud pack ang mukha. Kulay brown pa talaga ang mud pack! Putik na putik!
"Ano na naman?" nakasimangot ito.
"Huwag ka ngang sumimangot at mamaya kapag nanigas yang mud pack mo, pati mukha mo, ma-distort!" hinaltak niya ito papunta sa fire exit ng palapag.
Kandahaba pa rin ang nguso nito. "Why do you have to call me here? Gusto mo bang ihatid kita sa bahay mo?"
Umiling siya at ngumiti. "I can take care of myself, thank you. I just want to tell you that your father is staying on the same floor," she grinned at him when his eyes widen. "Kaya yang mukha mo, ayusin mo kapag kaharap mo ang tatay mo, okay? I will file an indefinite leave to be with your father at damay ka doon!"
"Eh bakit idadamay mo ako sa kalokohan mo?" kumunot ang noo nito at dahil nanunuyo na ang mud pack, nag-c***k ito sa bandang noo ng binata. "Go with him for all I care!"
"Alam mo, sala ka talaga, ano? Ang lakas ng saltik mo! Ikaw, ang galing galing mong pakialaman ang buhay ko pero kapag ikaw na ang pinapakialaman, ayaw mo!" bulyaw niya dito.
"We have a different situation, Cam. You don't know where it started," bumuntong hininga ito ng malalim.
"Pero nag-uusap kayo......"
"I am just civil to him coz he is my father, nothing more. Though I want to remove him totally from my life, I cannot do that since I have his name. We talk, I call him Dad, a little respect I still have for him. But don't force me to feel the same way as what I have before. Mahirap nang ibalik iyon."
"But Ivan......."
Ngumiti ito ng tipid at tinapik siya nang mahina sa pisngi. "Go home and rest. Ikaw na ang bahala kay Dad. Marami akong gagawin sa mga susunod na araw. Balitaan mo na lang ako tungkol sa kanya," at agad na itong tumalikod.
Napaupo siya sa baitang ng hagdanan at nangalumbaba. Mukhang malalim ang problema ng mag-ama. Kailangan niyang malaman kung ano ang pinag-ugatan niyon. Ang alam lang niya ay konektado ito sa ina ng kaibigan. Determinado siyang pag-ayusin ang mag-ama bago pa man umalis si Rizt ng bansa.
Makalipas nang ilang sandali ay tumayo siya at muling kinatok ang kuwarto ng kaibigan. Kunot ang noo nito nang mapagbuksan niya.
"Let me rest, Cam," tumalikod ito at naglakad ngunit hinayaang bukas ang pinto.
Sumunod siya sa kaibigan at isinarado ang pinto. "May naisip ako."
"Ano na naman yang naisip mo?" nagtanggal ito ng suot na robe at sumalampak sa sahig. Naglalaro pala ito ng video games.
"Help me to look for restaurants where I can take your father. You know where to find good foods, then book it for us," ngiting ngiting sabi niya dito.
"You know this place better than I am, Cameron Marie," hindi nito inaalis ang paningin sa tv. "And gumagawa ka ng paraan para magkaroon pa rin ako ng part sa pag-tour mo kay Dad," naiiling man ito ay nakita niya ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa labi ng binata.
"You got me there!" tatawa-tawang sabi niya.
"It's too obvious not to notice, Cameron," tuluyan na itong napangiti. "Hindi ka susuko ano?" Humarap ito sa kanya matapos na i-pause ang nilalaro.
Umiling siya. "Dalawa na lang kayo, Ivan. If you're suffering, your Dad is suffering too. Alam mo kung gaano kamahal ng Daddy mo ang Mommy mo. Hindi ko man alam kung saan ka nagmumula pero sana, hindi mo siya alisan ng pagkakataon na magpaka-ama sa iyo." Huminga siya nang malalim. "My Dad is not an ideal one if you will ask me. He has flaws....a lot of them. He is one of the reasons of my depression.," napatingin siya sa kamay nito na humawak sa kanya. "Alam niyang naging malaki ang part niya sa nangyari sa akin but I am not blaming him fully kasi alam ko naman na malaki din ang kasalanan ko. And he knows about it. Nung nakita kong umiyak si Daddy sa harapan ko, ramdam ko kung gaano siya nag-suffer sa mga nangyari sa akin, and I know how much he blamed himself."
Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kamay nito na nakahawak sa kanya. "We both have imperfect fathers but it doesn't mean that they are not good people. Ako, nakikita ko kung gaano kamahal ni Mommy si Daddy kaya ung love ko sa kanya nandun pa rin hanggang ngayon. Ikaw ba noong buhay ang Mommy mo, nakita mo bang hindi siya naging masaya sa piling ng Daddy mo?"
Tumitig ito nang ilang sandali sa kanya tapos ay tumingala. Nakita niya ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata nito.
"He's the best husband and father for us. Walang panahon akong naaalala na nakalimot siya sa mga importanteng events sa buhay namin, kahit gaano pa sya ka-busy," pasimpleng pinunasan nito ang luha na malapit nang malaglag mula sa pagkakabitin sa mga mata nito. "And I know, kahit pa itinataboy ko siya, dumarating siya kapag may mga achievements ako...looking at me proudly from afar."
Hinagod niya ang likod nito. This tough guy is a softie when it comes to his family. At alam niyang magkakaayos ang mag-ama. They just need a little push.
"Why don't you give it a try?" Tumingin ito sa kanya. "I know your father is just waiting for you to approach him, wanting to hug you again. Ilang taon na din ang nakalipas mula nang mamatay ang Mommy mo, and I think it is time for you to give the two of you a second chance."
"But Cam....." ngunit pinigil niya ang anuman na sasabihin nito sa pamamagitan ng paghaplos niya sa pisngi ng kaibigan.
"I am not saying that you will do it today or tomorrow...what I am saying is for you to give it a try but in your own phase. Alam kong hindi iyon magiging madali pero bigyan mo ng chance, bago pa mahuli ang lahat dahil hindi na rin bumabata ang parents natin. Anytime, they can leave us, and I don't want the time to come that you will regret not making amends with him," inabot niya ang mukha nito at hinalikan sa noo.
She's hoping that Ivan will think about the things she said.