"Is it true?" Napalingon siya kay Violet. "Is it true that you and Mason are a couple?"
"Yeah," muli niyang ibinalik ang tingin sa binabasa. "That was years ago."
"So meaning, nagkabati kayo kasi ang close nyo eh," ibinaba nito ang hawak niyang libro. "Tama ba?"
Kung hindi niya nakitang sa mga mata nito na nag-aantay talaga ng sagot, babarahin talaga niya ang kaibigan.
"Obviously!" Sagot niya at muling kinuha ang libro at itinayo patakip sa mukha.
Muli nitong ibinaba ang libro niya sa lamesa. "Teka lang. Nagtatanong pa ako eh." Sumimangot ito.
She rolled her arms and leaned on the chair. "Hurry up, Let. My time is precious."
"So bakit hindi kayo nagkabalikan?" Tanong pa ulit nito.
"Kami naman eh," nagulat ito sa sagot niya.
"Di ba sabi mo....."
"Yes. We were a couple! The usual couple, that was all in the past. Ngayon, andyan lang siya para itaboy ang mga unwanted suitors ko na mahilig mambwisit." Mukhang alam na niya kung saan ang punta ng pag-uusap nilang iyon.
Biglang parang nagningning ang mga mata nito sa sinabi niya. "So okay lang pala na magkaroon siya ng girlfriend?"
"Oo naman. He's free to do that. Teka nga, umamin ka. Are you falling for him?" Nakatikwas ang kilay na tanong niya.
Biglang namula ang pisngi nito. "Ha? HIndi ano!"
"Sure ka?" Lalong tumaas ang ang kanang kilay niya.
Kinagat nito ang pang-ibabang labi na tila nag-iisip habang nakatingin sa mga shelves ng libro. Kapagdaka'y umiling. Alanganin nitong ibinalik ang tingin sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita. Inantay lang niya itong sabihin sa kanya ang totoo.
Lately, napansin niyang talagang malapit ang dalawa sa isa't isa. Kung magtitigan ay tila may mga usapang sila lang ang nakaka-intindi. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa mga ito, lalo na kapag nagbubulungan na kaharap siya.
"I like him so much, Louise." Amin nito sa kanya. "So so much!"
Kahit pa alam na niya na iyon ang isasagot sa kanya, nagulat pa din siya. Hindi niya akalain na aamin ito sa kanya. At hindi rin niya alam kung ano ang mararamdaman, kung matutuwa ba siya o maiinis sa nalaman niya.
"Minsan lang ako magkagusto, Louise pero hindi ko gustong makasakit kung may relasyon kayong dalawa....."
Napangiti siya at hinawakan ito sa kamay. "You are just honest, and that is very important. I am glad you told me about your feelings."
Umaliwalas ang mukha nito at ito na ang humawak sa kamay niya. "Sabi ko sa sarili ko, hindi pwedeng matatapos ang araw na ito na hindi ko nasasabi sa iyo, eh. Ayoko namang dahil lang sa lalaki, magkasira tayong dalawa."
Suddenly, flashes of the past came into her. Naramdaman niya ang pamamasa ng mata at napansin iyon ni Violet.
"Uy! Bakit umiiyak ka!" Agad nitong idinampi sa gilid ng mata niya ang panyong nasa ibabaw ng bag nito.
Umiling siya at kinuha ang panyo mula dito. "Don't mind me. It's nothing," nginitian niya ang kaibigan.
"Sure ka?" Tumango siya na hindi pa rin inaalis ang ngiti. "Baka kasi hindi pala sa iyo okay..."
"Matagal na kaming wala ni Mason kaya walang magiging problema kung maging kayo man." Ngumiti siya nang tipid.
Para talaga itong nabunutan ng tinik dahil sa mga sinabi niya. "Can I ask you things about him? Yung mga ayaw at gusto niya....."
Umiling siya kaya napakunot ito ng noo. "If you want to know anything about him, it will not come from me. Since lagi naman kayong magkasama, tanungin mo siya, lahat ng tungkol sa kanya. Past, present, his plans for the future....."
"May alam kang hindi ko alam?" hindi pa rin nawawala ang kunot nito sa noo.
"Yes because I knew him for years. Pero hindi manggagaling sa akin ang mga bagay na gusto mong malaman sa kanya. Don't ask other people as well dahil maliban sa kanya, ako ang higit na nakakakilala kay Mason. But since I will keep my mouth shut, your only option is him," muli siyang ngumiti dito at tumungo upang ituloy ang pagbabasa.
Wala naman siyang mairereklamo kay Violet pero hangga't maaari, ayaw muna niyang pumasok sa isa pa uling relasyon si Mason. Baka maligaw na naman kasi ang utak, mahirap na. Isa pa, hindi rin niya alam kung matatanggap ni Violet ang kambal.
Ang katotohanan na ang lahat ng nagiging nobya ni Mason ay nilalayuan ito o hinihiwalayan nito dahil sa kambal. Isang maling galaw ng mga babaeng nakapalibot dito laban sa mga anak ay hindi nito napapatawad. At siya bilang tagapangalaga ng mga bata ay nasaksihan niya ang mga iyon. Hindi birong sakit ang idinudulot ng mga babaeng iyon sa kaibigan lalo na sa tingin nito ay iyon na ang babaeng nararapat para dito.
Ilang beses na din siyang may nakabanggang mga babae ni Mason. Balewala sa kanya kung siya ang awayin o saktan. She secretly smirks. Those women cannot touch her. She has her bodyguards around twenty four seven and besides, she can knock them down. Minsan na nga siyang muntik ipa-kidnap ng kung sino at marahil kung wala siyang alam sa self defense o wala ang mga nagbabantay sa kanya, hindi niya alam kung ano na ang masamang nangyari sa kanya.
May tatlo nang babae si Mason na nakatikim sa kanya ng p*******t at humantong sa ospital. Ang unang babae ay nakita niyang pinitik ang tenga ni Maron kaya binalian niya ng kamay, ayun, nawalan ng karera bilang Chef. Ang pangalawa naman ay sinipa si Lexus kaya tinapakan niya ang tuhod at sinigurado niyang hindi na ito makakapaglaro ng Volleyball. Ang huli ay nakita naman niyang pinagpapalo ang kambal kaya dalawang beses niyang sinuntok ito sa mukha at alam niyang kailangan nitong magpa-plastic surgery dahil sa ginawa niya dahil nabali ang ilong nito.
And her brother, Eric, was there to talk to her "victims." Ayaw niyang makipag-areglo sa mga ito dahil ang mga ito naman ang may kasalanan. Tigas siya sa pag-ayaw na ipagamot ang mga ito kahit pa pinipilit siya ni Eric. Pinapili niya ang mga babae. Ipapagamot niya pero dederetso ang mga ito sa kulungan dahil sa ginawa sa kambal at kaya niya talagang gawin iyon.
Napapailing naman ang kakambal niya sa ginawa niya. Her brother doesn't know that side of her. She can be an angel and a b***h at the same time. Nobody can touch the twins. Nobody can hurt them.
Kahit si Mason ay paminsan minsang nakakatikim ng upak sa kanya kapag nawawalan ito ng oras sa mga anak. Wala na ngang ina ang mga ito, pati ba naman ama, mawawalan pa rin? Nandoon lang siya bilang guardian, maliban doon ay wala na kahit pa sobrang mahal niya ang kambal.
"Hi!" she rolled her eyes when he heard Mason's voice.
Sumulyap siya kay Violet na nagliwanag talaga ang mukha lalo na nang umupo ang binata sa tabi nito.
"Hello," nanlaki ang mga mata niya nang halikan ni Mason sa pisngi si Violet!
"Did you tell her?" she frowns at his question.
"Tell what?" she asked that stupid question even though it is undeniable what he implies.
"We're dating," nakangiting sabi ni Mason sa kanya.
Tinignan niya ng makahulugan ni Violet. Kanina lang ay nagpapaalam ito sa kanya, ngayon eh nobya na pala!
"Violet, did you know that when a guy said that you two are dating, it means you two are a couple already?" nanlaki naman ang mata nito sa sinabi niya. "Don't tell me you really don't know about that?! Kung naghahalikan na kayo, which I am sure you already did during your "dates," it means you are definitely a COUPLE!" She glared at her.
Napairap siya nang makita niyang namula ang pisngi nito. Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit. Kung kanina ay natutuwa siya dito dahil nagpaa-alam pa ito sa kanya tungkol sa pagkakagusto kay Mason, iyon naman pala ay higit pa doon ang ginagawa!
"Where are you going?!" sabay na tanong pa ng mga ito sa kanya.
"Somewhere....in a place without you two!" mabilis siyang naglakad palayo sa mga ito. Napahugot siya ng hininga. Mali na naman yata ang kaibigang nakilala niya.
"Hey!" She felt Mason's hand on her arm then turned her around. "Any problem?" She saw his worried face.
Umiling lang siya. "Any reason why?" Nagkibit balikat naman ito. "Then nothing is wrong." Tinalikuran niya ito at muling humakbang pero mas mahigpit na ngayon ang ginawa nitong paghawak sa kanya.
"You're upset, and I know that," he said to her. She took a deep breath first before she faced him.
"Yes I am," she pulled her arm from his grip. "Another girl Mason? Really?" She looked over his shoulder to check whether Violet is behind him or not. Nakita niya itong naka-upo pa rin sa pwesto nila pero nag-aalala ang mga matang nanonood sa kanilang dalawa.
"She's not just another girl, Louise. She's your friend," sabi nito.
Tumikwas ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan. "Yeah.....And to think that she is "ANOTHER" friend of mine!" makahulugan na sabi niya. "Napapadalas naman ha! Pinipili mo pa talaga kung sino yung sobrang close sa akin." Sarkastikong sabi niya.
Napalatak ito at napahawak sa batok bago nilingon si Violet na nakatingin pa din sa kanila. Pero saglit lang iyon at muli itong humarap sa kanya. "Lou......."
"Wala akong paki-alam kung maging kayo man. Tell her everything, especially about the twins. It seems like she doesn't know anything about them yet. Dapat bago mo pa sinimulang ligawan si Letlet, dapat sinabi mo na ang tungkol sa mga bata. Alam mo kung saan ako nanggagaling, hindi ba?" Tumango ito. "I don't know what will happen if another girl will break you because she cannot accept your children. But you have to remember this...the twins are part of you. Kung hindi ka tatanggapin ng babaeng mamahalin mo dahil sa kambal, hindi siya para sa iyo kaya dapat hanggang maaga pa, sabihin mo na sa kanya ang totoo. V is a nice person, and I can see that she really likes you, but I cannot say the same once she learned about the kids," she tapped his arms then turned around again, and this time, she walked faster.
Lumingon siya at nakita niyang nag-uusap na ng masinsinan ang dalawa. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Napabuga siya ng hangin. Sana lang, sa pagkakataong ito ay tama na ang babaeng mapipili ng kaibigan. Ayaw na muli niyang makita itong muling masaktan.
She thought about Cameron. She sent her an email the other day like how she's sending it for the past years. If she changed her account, she doesn't know because she hasn't received any reply from her yet. She thinks she has to stop doing that from now on.
Natapos ang klase niya na hindi niya namamalayan. Para lang dumaan ang discussion ng wala siyang naiintindihan at laking pasalamat niya nang hindi siya tinawag man lang ng kanyang propesor kung hindi ay baka wala siyang maisasagot.
Hindi na niya nakita pa maghapon ang mag-nobyo at ipinagkibit balikat lang niya iyon. Kailangan talangang mag-usap ng mga ito kung gusto talaga nila na maging seryoso ang relasyon nila. Lexus and Camaro needs a mother and she knows, she is not the one who can give that to them. Kung sana ay nandito si Cameron ay hindi na niya masyadong iisipin pa ang mga bata kahit pa sino ang maging nobya ni Mason kaso ay hindi naman niya alam kung may balak pa itong bumalik.