Naiiritang inabot niya ang mobile nasa ibabaw ng side table. Without checking who's calling at that wee hour, she answered it.
"LOUISE!" She frowned when she heard Mason's voice.
She growls in annoyance and forcefully opened her eyes to check the time. It is eleven in the evening.
"LOUISE!" He repeated. "Are you there?!" she hinted, panic in his voice.
"Yes, I am here," then yawn as she answered. "Any problem?"
"May lagnat si Maron! Ang taas ng lagnat niya!" Natatarantang sabi nito!
Agad siyang napabangon sa narinig. "Where are you now?!" kinakabahang tanong niya. Nakita niya ang roba at agad iyong isinuot tapos ay hinablot ang pitaka at susi ng kotse na nasa table.
"I need to take her to the hospital! Kanina pa ito at hindi bumababa ang lagnat niya!"
She silently cursed. Ngayon pa nangyari iyon kung kailan wala ang mga magulang ni Mason. Nag-out of town ang mag-asawa at naiwan ang mga kapatid ng kaibigan sa lolo at lola ng mga ito.
"I'll be there in fifteen minutes. Monitor her temperature and turn the AC in full. Ilipat mo muna sa kabilang room si Lexus para hindi mahawa. Punasan mo ng malamig na tubig from time to time si Maron," bilin niya dito habang tumatakbo papunta ng lift.
Nang makasakay siya ng kotse at paandarin iyon ay nakita niya ang pag-sunod ng dalawang sasakyan sa kanya na galing din sa basement ng building. Mga bodyguards niya ang mga iyon kaya wala siyang dapat ipag-alala kahit pa dis-oras na ng gabi.
At dahil may sarili siyang susi ng condo ng kaibigan, agad siyang nakapasok doon at pinuntahan ang kwarto ng kambal.
Nakita niyang yakap yakap ni Mason ang anak. Napatingin ito sa kanya na may pag-aalala ang mga mata.
"How's Maron?" dinama niya ang noo nito at sobrang init nga nito. "Temp?"
"Forty one degrees," napakagat siya ng labi at mabilis na inayos ang gamit ng mga bata na dadalhin sa ospital.
Tinawagan niya ang Pediatrician ng kambal para papuntahin ito sa ospital na malapit sa bahay ng mga ito. She cursed silently when she learned that the lady doctor is out of the country.
"Mauna ka na sa basement. Kukunin ko lang si Lexus sa kabila," patakbo na ang ginawa niya papunta sa kabilang kwarto at naabutan niyang naka-upo si Lexus sa kama na tila bagong gising. Nagkukusot pa ito ng mata.
"Mama?" napangiti siya dahil tila hindi ito sigurado na siya ang nasa harap nito.
"Yes, it's Mama. Come baby. We have to go," agad naman nitong ipinulupot ang dalawang braso sa kanya.
Naabutan niya si Mason na nasa likod na ng Armada nito at yakap si Maron na nakapikit. She fastens Lexus on his chair and kissed the twin's forehead before she closed the car door.
Sumulyap siya sa side mirror at nakita niyang ipinarada doon ng isa sa mga bodyguards niya ang kotseng dala niya kanina.
May dalawampung minuto ang biyahe papuntang Ospital pero dahil malalim na ang gabi ay nakarating sila ng mas maaga.
Agad namang inasikaso si Maron ng mga doktor. Halos ayaw bitawan ni Mason ang kamay ng anak na babae.
Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan at pinisil iyon. "Hey.....she will be fine." Ngumiti siya ng pilit dito.
Si Lexus ay muling nakatulog sa balikat niya. Naalala niyang maaga ang defense niya sa thesis bukas at malamang ay mapupuyat siya ngayon. Pero bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Ang importante ay maging okay si Maron.
"Thank you for coming, Louise," tumango siya dito. Mahigpit na hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. "Paano na lang kung wala ka?"
"Sino bang may sabi sa iyo na mawawala ako? You can always rely on me, remember that." Pinisil niya ang kamay nito.
"Let me take Lexus....." sabi nito ngunit umiling siya.
"I can take care of him. You take a rest for awhile. Kapag okay na si Maron, iuuwi ko si Lexus ha. Mahirap nang siya naman ang magkasakit."
Bago pa man ito makasagot ay tinawag na sila ng doktor para sabihing kailangang i-confine si Maron. Siya na mismo ang nag-ayos ng kwarto ng bata.
"Uwi ka na," hinarap siya ni Mason at hinalikan sa noo. "I am really sorry for the trouble......"
"Anything for the twins, Mason. Yan na ang mga gamit ni Maron. Babalik na lang ako after school dito para madalhan din kita ng mga pamalit." Inilapag niya sa lamesa ang bag ng bata.
"And Lexus?" hinalikan nito ang ulo ng anak. "Who will take care of him?"
"Parating na si Kuya. Iiwan ko sa kanya for few hours. Marunong naman iyong mag-alaga ng baby so you don't need to worry about anything," tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. "Sabi ko sa iyo di ba, she will be fine. Huwag nang masyadong mag-alala okay?"
Tumango ito at ngumiti. Linapitan niya ang batang babae na payapang natutulog. "Sleep tight, Baby. Your Mama will be back tomorrow." Kinintalan niya ito ng halik sa noo. Muli niyang hinarap si Mason na mukhang pagod na pagod. "We will go now. Sabayan mong magpahinga si Maron. Sabi naman ng doktor, bukas na siya magigising."
Tumango ito at inihatid sila hanggang pintuan. Pagkalabas nila ni Lexus mula sa ospital ay nakita iyang nakatayo sina Tony at Glen, mga bodyguards niya, sa tabi ng Armada. Agad na binuksan ni Tony ang pintuan ng backseat nang pindutin niya ang remote ng kotse.
"I will drive the car, Ma'am" sabi ni Glen sa kanya at hindi na siya tumanggi. Sinabihan lang niya ito na dumaan sa bahay ni Mason para makakuha ng gamit ni Lexus at ni Mason na din.
Pagdating nila sa sarili niyang condo ay naroon na si Gwain. His brother suggested that they stay in his mansion instead as there are people who will take care of Lexus.
Hindi na siya tumanggi pa dahil mas makakabuti pa nga iyon upang may makatuwang ang kapatid niya na tumingin kay Lexus habang nasa university siya. Kilala naman ang mga ito ng bata dahil madalas niyang naisasama ang kambal doon.
Gising pa ang dating biyenan ni Gwain, ganoon din si Kits na dating asawa nito nang dumating sila. Ito pala ang nag-alok sa kapatid niya na doon sila matulog pansamantala habang hindi pa nakaka-uwi mula sa ospital si Maron.
"May defense ako bukas, Ate," sabi niya sa dating hipag nang mailapag niya sa kama si Lexus. Napasulyap siya sa wall clock. Alas tres na pala ng umaga. "Mamaya na pala iyon."
"Anong oras ang pasok mo para magising kita?" tanong nito sa kanya habang binibihisan ng damit ang tulog na tulog na si Lexus.
"Ten o'clock po. I can travel for half an hour from here, so eight in the morning would be fine," ngumiti siya dito. "Thank you for the help, Ate."
"Anytime, Kitten," hinaplos nito ang mukha niya. Humakbang na ito palabas ng kuwarto kung saan ay nag-aabang ang kapatid niya. Si Gwain na mismo ang nagsara ng pintuan.
Napakaganda nang samahan ng dalawa kahit pa sabihing nagkahiwalay ang mga ito. Nanatili ang pagkakaibigan ng dating mag-asawa para sa pamangkin niya. Nalulungkot man siya dahil hindi na legal na mag-asawa ang mga ito ay natutuwa pa rin siya na nakikita niyang nagkakasama pa rin ang pamilya lalo na kapag may mga espesyal na okasyon ang magkabilang panig. At nananalangin siya na sana ay magkabalikan pa ang mga ito.
Ginising nga siya ni Kits sa oras na sinabi niya. May nakahanda nang agahan sa hapag nang bumaba siya. Alam niyang hindi papayag ang mga ito na umalis siyang hindi man lang nakakapag-agahan. At hindi din naman niya nanaising umalis nang hindi natitikman ang champorado at tuyo na nasa lamesa. Tingin niya ay ilang taon na din siyang hindi nakakakain nito simula nang bumukod siya nang tirahan.
Naghahanda na siya para pumasok sa eskwela nang gumising si Lexus at nakakatuwa na hindi man lang namahay ito. Hindi rin ito umiyak nang umalis siya.
Nakahinga siya nang maluwag nang matapos ang defense niya nang walang nangyayaring aberya. Kahit puyat ay nasagot niya lahat ng tanong ng panel. Pagkalabas niya ng kuwarto ay nilapitan siya ni Violet. Nag-aantay ito sa labas ng classroom nang makita niya.
"Are you going to the hospital?" tanong nito sa kanya at sinagot niya ng isang tango. "Can I come with you?"
"Sure," sumabay na ito sa paglalakad sa kanya. Walang kahit isa man sa kanila ang nagtangkang mag-salita hanggang makarating sila sa parking lot.
"Sorry," putol nito sa katahimikang namamagitan sa kanila. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo na......"
"Na kayo na?" sinenyasan niya ito na sumakay ng kotse.
"Oo," sagot nito.
Inihagis niya ang bag sa backseat at minaniobra ang sasakyan. "Okay lang, sanay na ako," ngumiti siya dito ng pilit. "Hindi lang naman ito nangyari sa akin sa unang pag-kakataon," sagot niya sa dalaga.
"I am really sorry, Lou," saglit na sinulyapan niya ito na nakatungo pala ang ulo. "It is just that I love him so much kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin siya."
"Hindi naman kami, so there is nothing to be sorry about......it is just that I am disappointed." She saw in her peripheral view that Violet is looking at her. "I thought, I am your friend, and you will not hide anything from me......."
"Hindi ko kasi kayang sabihin sa iyo, eh," tila maiiyak ang boses nito dahil sa pagpiyok. "Baka kasi magalit ka."
"Bakit naman ako magagalit? May dahilan ba? Pero dahil sa ginawa mo, may dahilan ako para hindi ka kausapin. Ayoko sa lahat, Let, sinungaling......ayoko sa lahat, niloloko ako......ayoko sa lahat yung pinagmumukha akong tanga." Humigpit ang hawak niya sa manibela.
"Bes....." hinawakan nito ang braso niya. "Huwag naman sanang ganito..." Narinig niyang muli ang pagsigok nito. Hindi kasi sila nag-aaway ni Violet at ayaw sana niya ang nangyayari ngayon sa pagitan nila. Lamang ay nais niya ding ipaalam dito na hindi niya gusto ang ginawa nitong paglilihim.
Hindi siya kumibo hanggang makarating sa ospital. Tahimik lang itong sumunod sa kanya hanggang sa kwarto ni Maron. Pero bago niya pihitin ang seradura ng pinto ay hinarap niya ito.
"Make him happy, Violet. Take the anger away from his heart. Love the twins more than you love him, do you understand?" Matamang tinignan niya ang mga mata nito.
Tumango ito nang sunod sunod at hinawakan ang dalawang kamay niya nang mahigpit. "I promise, Louise! I promise!"
"Ayoko nang promise lang, Let. Mahalin mo ang kambal dahil kulang na lang ako ang magsilang sa dalawang iyan. I can move heaven and earth for the twins. Sana, kung paano mo mahalin si Mason, ganoon din ang pagmamahal na ibigay mo sa dalawa." Seryosong sabi niya dito.
Niyakap siya ng dalaga. "Maraming maraming salamat, Lou. Napaka-suwerte namin ni Mason dahil naging kaibigan ka namin."
Ginantihan nya din ito ng yakap at tinapik sa likod. "Compose yourself. You are going to meet his baby girl. Smile."
Agad nitong pinunasan ang luha at ngumiti. Pinitik niya ang noo nito at napa-aray ito sa sakit. "Umayos ka ha! Maselan yung batang makakaharap mo."
Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at nauna na siyang pumasok sa loob.
"You're here," niyakap siya ni Mason. "She's fine now."
"I bumped with someone, and she dragged herself here with me," nakangiting sabi niya dito.
"Violet!" hindi na niya nilingon ang dalawa. Nilapitan niya si Maron at hinalikan sa noo.
"Baby, be good to her, okay?" bulong niya sa batang natutulog. "Don't be naughty, Baby Girl. Always remember that your Mama loves you so much!" Muli niya itong hinalikan pero ngayon ay sa pisngi na. "I miss you, Baby Girl!"
Humarap siya sa dalawa na parang masinsinang nag-uusap ng pabulong. "I have to go," paalam niya sa dalawa.
Humalik sa pisngi niya si Violet at muling umanas ito ng pagpapasalamat.
Inihatid siya ni Mason sa labas ng ospital. Tahimik lang ito na tila nag-iisip.
"I'll go ahead," ngumiti siya dito.
Nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kanya. "How can I live without you, Louise?"
Natawa siya at sinuntok ito ng mahina sa likod. "You lived for eleven years without me," agad siyang kumalas mula sa pagkakayakap nito. "I will still be around.......but this time, lesser na because of Violet. Let her be with your twins for her to know them better. I will be here for some assistance, you know."
He pulled her again and kissed her forehead. "Thank you."
Natatawang itinulak niya ito at iniabot ang susi ng Armada. "Alis na ako." At sa malalaking hakbang ay iniwan na niya ang binata.
Bumagal ang lakad niya hanggang makarating sa isang kotse na nag-aantay sa kanya. Tahimik siyang naupo sa likod noon at pumikit.
Kapag nasanay na ang mga ito ng wala siya, unti unti na niyang ilalayo ang sarili sa mga ito. Mabuting tao si Violet at alam niyang magugustuhan ito ng kambal.
Namasa ang mata niya sa naisip. Napahawak siya sa tapat ng dibdib. Nagsisikip kasi iyon na parang hindi siya makahinga. Alam naman kasi niyang mahihirapan siyang tuluyang bitawan ang mag-aama.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa labas ng kotse. Marahil ay tsaka na niya iyon iisipin kapag makita niyang karapat dapat na nga si Violet para sa mga ito.