"My parents are coming today," she told him over the phone as she stirs the sauce. "You have to come here, and you have to take your father with you."
"Why do I have to be there? And why he has to come?" he sounds annoyed with her.
She gave a soft laugh. "Sige ka, you will miss the chance to taste the best pasta in the whole world! Di ba, it's your favorite? Isa pa, ikaw ang nagsabi na gusto mong makilala ang parents ko, so I invite you to come over. Kapag di ka pumunta, hindi na kita ipapakilala kahit kailan!" Pananakot niya dito.
"I will be there for sure. Meet the parents na kaya ito," natatawang sabi. "But taking my father with me.....you know that's impossible."
"O sige, wag mong isama pero kapag nakita kita sa labas ng bahay ko, hindi kita papapasukin kapag nag-iisa ka! I will call your Dad and tell him that he has to come with you. And I am serious about this, Ivan. Hindi talaga kita papapasukin kahit pa magalit sa akin ang parents ko," pinaseryoso niya ang boses para makinig ito.
"It sounds like if I do not follow you, this will be the end of our friendship," natatawa pa din ito.
"Try me, handsome. Sige na, mag-ayos ka na. They will be here in few minutes, so I expect the two of you after an hour. Huwag ka nang umarte. Bilisan mo na. Ciao!" and she cuts the line before he says something more.
Kahit pa sumama ng isang beses si Ivan sa kanila ni Rizt nang ipasyal niya ito ay hindi naman masyadong kumikibo si Ivan. Ngunit sobrang na-appreciate niya ito nang ibook nito ang mga restaurant na pinuntahan nila ng ama nito at ito na rin ang nagpagamit sa kanya ng credit card nito ngunit ipinapangako nga lang siya na hindi niya babanggitin iyon kay Rizt.
She knows that Ivan is taking his time to welcome his father again in his life. Alam din niyang hindi madali ang ginagawa nito ngayon ngunit natutuwa siya na kahit paano ay sinusubukan nito muling magkaroon ng oras sa ama.
Tinawagan naman niya si Rizt upang sabihing anumang oras ay kakatukin ito ni Ivan at isasama papunta sa kanila. Natuwa naman ito sa kaalamang makikilala ang mga magulang niya. Nang matapos silang mag-usap ay agad niyang hinarap muli ang pagluluto.
"Smells good," napangiti siya at nilingon ang pinanggalingan ng boses. It's her father who's carrying two paper bags full of grocery stuff. Her mother follows with another bag.
"Only the two of you?" sinalubong niya ang mga ito ng halik. "Nasaan ang mga makukulit?"
"Iniwan namin sa Pinas. Your father wants only the two of us to travel," nakangiting sumulyap ang Mommy niya sa kanyang ama na abala sa pagsasalansan ng mga pinamili sa cupboard.
"We should date once in a while, you know," natatawang sabi naman ng Daddy niya. "Hindi dapat nawawala iyon sa mag-asawa."
She rolled her eyes while laughing. That sweetness of her father didn't whither, not in a bit. After they fixed everything around them, her father didn't fail to make her mother happy and contented with their life right now.
"My friend is coming over, with his father," biglang napalingon sa kanya ang ama na nakataas ang kilay ngunit may ngiti sa mga labi. "Oh please, Dad! Nothing romantic between us, okay? Kaibigan ko lang siya."
"Did I say something, Girlfriend?" Natatawang umiling ang Mommy niya sa tanong na iyon. "See? You and your playful mind, Cam! You're so defensive!" Humalakhak ito. "So you cooked for them?" Sinilip nito ang ginagawa niya.
"I made it for you, okay!" Natatawang sagot niya. "But since I invited them so technically, yes, I cooked for them. Ikaw Dad ha, maisingit mo lang talaga yang panunukso mo ha," natatawang siniko niya ang ama. "Let me finish my work here coz anytime, those guys will come."
"I bought a cake from the hotel. Kung may time lang, I can make it for you," sabi ng Mommy niya.
"It's okay, Mom. Recipe mo naman yan. Kaya nga pinipigilan kong kumain ng cake sa hotel dahil baka hindi ko tigilan," she smiled sweetly at her mother.
"But you know the recipe, right?" tumango siya. "Have you tried to make one?"
"Nope! I will not try, or else I have to visit the gym, and you know why." Napapailing siya nang maalala ang hirap niya para bumalik sa dati ang katawan niya. She really gained a lot of weight after she left the Philippines.
Narinig nila ang pagtunog ng doorbell. "I'll get it," sabi ng Daddy niya.
"Gwapo ba ang kaibigan mo, ha?" nangingiting tanong ng Mommy niya.
"Pwede na," tumaas ang kilay nito sa sagot niya. "Okay, okay. He's handsome."
"Well thanks!" bigla siyang napalingon nang marinig ang boses ng kaibigan. "At last, pinuri mo din ako sa harap ng iba." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "For you," iniabot nito ang hawak na pumpon ng bulaklak.
"Flowers? Seriously Ivan?" natatawang inihampas niya dito ang bulaklak. "Di bagay sayo maging sweet." Narinig niya ang pagtikhim ng ina. "Oh, Ivan. I want you to meet my Mom, Cassandra Marie. Mom, this is Ivan, my FRIEND." She emphasized the last word.
"You looked more beautiful than Cameron, Ma'm," iniabot nito ang isa pang pumpon ng rosas sa Mommy niya.
"Alam ko iyon," umingos siya sa kaibigan. "May pabulaklak ka din kay Mommy ha? Nagpapalakas ka, ano?"
"Why do I have to?" natatawa ito. "I am not courting you anyway."
"Tse! Wait, where is...." hinanap niya ang ama nito na kausap pala ng Daddy niya. "Tito!" lumapit siya dito at hinalikan ang pisngi nito. "You came."
"Of course. You invited us," masuyong hinaplos nito ang pisngi niya.
"Dad, ikaw na po muna bahala sa kanila," tumango ito at sinenyasan si Ivan na maupo pero sumunod ito sa kanya sa kusina. "Sabi ko, manahimik ka doon."
"Usapan ng mga oldies. Don't want to listen," ngumiti ito sa mommy niya. "Pero Ma'm....can I call you Tita instead?" tumango naman ang mommy niya. "Tita, totoo po ang sinabi ko earlier. You are more beautiful than Cameron."
Tila kinikilig naman ang nanay niya sa papuring iyon. "My daughter looks like my sister-in-law. Aakalain mong magkapatid sila."
Nag-kwentuhan pa ang dalawa pero di na niya inintindi. Binuksan niya ang oven dahil nag-roast din siya nang lamb chops.
"Wow! Why do I feel so special just seeing the foods that you prepared?" Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa lamb chops na inililipat niya sa serving tray.
"Laway mo tumutulo," sabay abot niya nang tissue dito.
"Grabe ka kay Ivan, Cameron!" Inagaw ng kanyang ina ang hawak niyang tissue. "Mamaya mapikon yan eh!"
"I am used to that, Tita, don't worry," kumindat pa ito sa kanya.
"Naku Mommy, mas malakas yang mang-asar!," sinenyasan niya itong kunin ang mga sliced lemon at parsley na nakapatong malapit sa kinauupuan ito. She started to garnish the plates.
Nagsandok siya ng pasta at inilagay niya sa ibabaw nito ang isang lamb chop tapos ay nilagyan ng ilang slices ng lemon ang gilid ng plate, katabi ng parsley.
Sina Ivan naman at ang Mommy niya ay nag-ayos ng lamesa. Nang matapos niyang ayusin ang limang plato ay naglagay na din siya sa serving plate ng pasta.
Tinawag niya ang kanyang amang si Troy, ganoon din si Rizt. Tuwang tuwa naman siya sa mga papuring natatanggap sa iniluto niya.
"You know Rizt, I am still wondering where I saw you," out of nowhere ay tanong ng tatay niya. Knowing Troy, matalas ang memorya talaga. Isa nang halimbawa doon ang pagkaka-alala nito sa Mommy niya. Bigla itong napapitik at ngumiti. "Now I remember. At my wedding. I am sure that saw you there."
Napakunot noo siya, katulad ng Mommy niya. Wala kasi siyang naaalala na naging bisita nila ito. Sabagay, ilang taon lang naman siya noon.
"You are one of Ajerico's men, am I right?" she suddenly became stiff on what she heard.
"That was years ago but still......" sabi nito pero ngumiti sabay tango. "Yes, I am one of them. Hindi ko alam na anak mo pala si Cameron. I didn't recognize her."
"You know the Villaluz?" kunot noong tanong sa kanya ni Ivan. Hindi niya magawang tumango para ikumpirma iyon.
"That was years ago, Rizt," nangingiting sabi ng ama niya. "It just so happened that it is my wedding day, the most special day of my life, so it is understandable that I memorized the faces of the people who celebrated with us."
"Pero hindi naman kami masyadong nakihalubilo sa inyo," amusement ang nakita niya sa ama ng kaibigan. "So how come...."
"Pagdating sa ganyang bagay, wag mo nang tanungin ang asawa ko," nakangiting sumulyap sa Daddy niya ang ina sabay hawak sa kamay nito. "He's very particular with faces.....in everything."
Napahalakhak ang dalawang lalaki. Siya naman ay pinagpapawisan ng malapot at di na mapakali sa kinauupuan.
'What a small damn world! Of all people that she will meet, why does it have to be Ivan who is related to Louise?'
"Kilala mo si Louise?" tanong pa sa kanya ni Ivan. Napasulyap siya sa ina at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito ng mabangit nito ang dating kaibigan. "Are you good friends?"
"Yes they are," bigla siyang napatingin kay Rizt. "Mason, Louise's ex, is a friend of her," wala naman siyang naaninag na kakaiba sa mata nito. Tila wala itong idea sa nangyari sa pagitan nila ni Louise. "How was Mason, by the way?"
"I haven't heard about him, Tito.....matagal na," hindi niya alam kung saan niya nahagilap ang boses. "Even Louise." Halos mabulunan siya habang sumasagot dito, buti na lang ay mabilis siyang inabutan ng tubig ni Ivan.
"I see," tumango ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagsimulang mag-usap muli ang mga matatanda ng tungkol sa kung anu ano at wala siyang maintindihan doon dahil lumilipad ang isip niya.
"Hey," napatingin siya kay Ivan ng hawakan nito ang kamay niya. "Okay ka lang?" Tumango siya bilang sagot. "Bakit ang tahimik mo?"
"Don't mind me," pinilit niyang ngumiti. "I am okay."
"No, you're not. Tinutusok tusok mo lang ng tinidor yang pagkain eh at kanina pa lumilipad ang utak mo sa kung saan," tumayo ito sa pagtataka niya dahil hawak pa din nito ang kamay niya. "Dad, Tito, Tita, sa labas lang po kami."
Nang payagan sila ng mga ito ay hinaltak siya ni Ivan papunta sa pintuan. Hindi nito binibitawan ang kamay niya hanggat hindi sila nakakalabas.