"Of all places, why in Singapore?" takang tanong niya sa sarili. She informed the driver of her intended destination. She arrived at the location of their meeting after fifteen minutes. Knowing exactly which room she needed to go to, she rushed to the elevator as soon as she could.
She took a deep breath after finding the suite and brushing her fingers through her hair. When she knocked on the door, she was greeted by the handsome face of Ivan, who was grinning from ear to ear. "I'm glad you're here," he said as he drew her inside the room. "I thought you'd never show up."
"I told you that I will, right?" She took a look around the room before focusing her gaze on him. "What's the reason for this sudden meeting?"
Ivan didn't say anything but instead drew a chair beside the table, which was filled with food. "Let's eat first."
She didn't say a word but instead seated on the chair he pulled.
"Oh, wait. I forgot to say hello to you " He lifted her chin and kissed her on the lips. "There," he said, smiling at her.
"Ivan!" her eyes widens on the way he greeted her. Pero imbes na mainis ay natawa na lang siya. "Loko ka talaga."
"That's how I should greet my fiancee," and he grinned at her.
"Yeah yeah," she rolled her eyes. Ivan has always been a gentleman ever since. Kung ituring siya nito ay prinsesa. Ito mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "Bakit nga biglaan ang ginawa nating pagkikita?"
Iwinasiwas nito ang kamay, palatandaan na ayaw pa nitong pag-usapan ang anumang dahilan ng pagkikita nila.
"Tell me first. Anong idinahilan mo kaya ka nakatakas?" hindi pa rin naaalis ang ngiti nito habang sinisimulang hiwain ang steak na nasa plato nito.
"I asked permission for your information," inirapan niya ito. "Para namang makakatakas ako."
"You told Tito that you will meet me?" tila nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya. "Nah. Kuya Gwain. Di ba sabi mo don't tell Dad about it?" Tumango ito. "So kay Kuya ako nagpaalam. Gusto ngang ipagamit sa akin ang private plane. Sabi ko ang lapit lang nito then for sure, Dad will know about it."
May radar na yata lahat ng private plane nila. Salamat sa kanyang kakambal na laging tumatakas at kung saan saan nakakarating kasama ang mga barkada nito.
Hindi sinasadyang napaingos siya. Buti na lang hindi nakatingin si Ivan sa kanya. Eric has been a pain in their father's a*s from the past few months. Binigyan na ng Daddy niya ng ultimatum. Matapos lang ito sa pag-aaral ay pababayaan na kung ano man ang gustong gawin sa buhay.
Napabuga siya ng hangin na hindi sinasadya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kakambal. Tuwing tinatanong niya ay hindi naman siya sinasagot ng maayos. Laging siya ang pinapaalalahanan nito. Hindi naman nagbago ang pagiging sweet at maaalalahanin nito sa kanya.
"That's deep," tumingin ito sa kanya. "Anong problema?"
"Wala, naisip ko lang si Eric," kumunot ang noo nito. Mukhang wala din itong alam sa mga nangyayari sa kakambal niya. "Medyo sakit ng ulo ni Daddy."
"Really?" tumango siya. "I think I have to talk to that dork as well," napapailing ito. "I have no idea what is happening to him."
"Don't mind him. Matanda na sya. Kaya na niya iyon. Isa pa, you're too busy to think about that idiot. And I think, hindi din magsasalita iyon sa iyo."
"Lalo na kung pagdating sa babae," siya naman ang napakunot ng noo. "Alam mo yang kakambal mo, he seems tough outside. Pero kapag nasaktan yan, iba."
"Paano mo naman nasabi eh hindi naman kayo nagkakasama," alam niya ay wala naman talagang sineryoso ang kapatid niya.
"Nagkakausap naman kami before. Lately lang naman hindi. Medyo busy na kasi talaga ang sched ko lalo na at sunod sunod ang endorsement," he humbly said. "Where is he right now, you know?"
"Might be in London......I really don't know," hindi naman talaga niya alam kung nasaan ito ngayon. Basta alam ng Daddy at Kuya niya tapos. Okay na siya doon.
"Ako na ang bahala," ngumiti ito ng makahulugan. "Kaya kong hanapin yun." And no doubt he can. May pagka-detective ito eh. "Nga pala, I want a one on one with you." Napakunot na naman siya. "To test how good you are now."
Napatawa siya nang malakas. Hinahamon siya nito sa duel. Kaya niyang pabagsakin si Ivan, no doubt about that. She cannot let a week pass without practicing her skills.
"You want to die this early?" she smiled at him. "As in now when you're at the peak of your career?"
"Yabang mo naman!" napakamot ito ng ulo. "Wala na nga akong practice actually," para itong batang ngumiti sa kanya. "Nasabi lang sa akin ni Daddy na hindi biro ang ginagawa mong training. May pinaghahandaan ka ba?"
Nawala ang ngiti niya pero sandali lang iyon at muli niyang ibinalik. "Sira! Wala. You know how much I despise it when people snoop on me. Kaya kailangan marunong ako ng mga ganung simpleng bagay...."
"What you are doing are not simple, my Lad. Balak mo bang pumasok sa agency?" di maipinta ang mukha nito. "Don't you dare, Lou. Ako ang unang unang kukuha sa iyo doon."
Napatawa na naman siya nang malakas. Lahat yata ng lalaki sa paligid niya ay napa-paranoid sa ginagawa niya. Namumukod tanging si Mason lang ang hindi alam ang ginagawa niyang iyon. Alam nitong marunong siya ng martial arts but doing those rigid trainings, she hid it from him. Pag-aawayan nila iyon at baka magpumilit na naman ito na magsama sila sa isang bahay.
"Hindi. Gusto ko lang talaga," inabot niya ang kamay nito at tinapik. "Okay lang ako, don't worry."
"You know how an agent works, Lou. Lalo na kapag babae. Sa lalaki, walang mawawala pero sa iyo....." napailing ito. "Hindi ako papayag na gawin mo iyon. Kung kailangang pakasalan kita ng maaga para lang itigil mo ang kalokohan mo, gagawin ko iyon."
"Sira! Hindi nga ako sasali dun ano. Gusto ko lang talaga mag-aral. Isa pa, I don't want Mom to worry about me kaya nga di ko sinasabi sa kanya. And besides my Dad & Kuya made me swear that I will not join the agency," doon pa lang tila nakahinga ito ng maluwag. "It's not for me, Van. I am too soft for that kind of work. Pili na lang ako ng patatakbuhin kong business ni Daddy."
"That's good to hear. If your brother made you swear, I bet my life that you will not break it," tumango siya dahil totoo iyon. Nagkasamaan na sila ng loob mag-ama at ang Kuya Gwain niya ang dahilan kung bakit nagkabati silang dalawa. Without her brother in between, that would be impossible.
"Teka, let's go back to the reason why I am here. May I know what is it?" patapos na rin silang kumain kaya naman pwede na silang mag-usap tungkol doon.
"You're done?" tinignan nito ang plato niya nang tumango siya. "Tea or coffee?"
"Tea please," sinenyasan siya nitong magpunta sa receiving area na siya naman niyang ginawa. Hindi kaagad siya naupo dahil nabusog siya talaga sa kinain nila.
"Here's for you, Ma'am," inilapag nito ang tasa ng tsaa sa lamesa. "How long are you going to stand there?"
"Pababa lang ako ng kinain ko. So ano na?" naiinip na siya kasi parang pinapatagal talaga nito ang pag-uusapan nila. "I have to fly back home today, you know that."
He looked at her intently for a few seconds then sigh. "How are you and that ex of yours?"
"Oh! Bakit naman biglang naipasok naman dito si Mason?" kinuha niya ang tasa at sinimsim ang laman niyon. "Okay naman kami. May girlfriend na siya."
Tila nagulat ito sa sinabi niya pero hindi na niya iyon pinansin. "Really?" tumango siya. "I thought you two.....?"
"Nope, not on a serious side," tumango tango ito. "An ex is an ex, Ivan. When you ended a relationship, that's it, there's no turning back. He's just there to protect me from those nosy guys."
"As if you need protection," he smirks. "Okay, I asked you about him because of Cameron." siya naman ang nagtaka sa sinabi nito. How did he....... "She's a good friend of mine."
Napasinghap siya doon at napa-upo sa tabi nito. "How is she? Is she okay?" Oh, how she miss her friend. Gusto niyang puntahan ito pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa pinagbabawalan siya ni Mason. Wala siyang pakialam sa sasabihin nito. Pero dahil gusto niyang pabayaan si Cameron na mag-isip isip tungkol sa desisyon nito. Ito lang ang makakasagot sa mga bagay na alam niyang gumugulo sa isip ng kaibigan. It's only a chance that they ran into each other on one of Manhattan's streets. Aside from that, nothing else. She is at a loss on how to begin the conversation. And it's possible that Cam doesn't know how to either. At parang nagmamadali din ito, halos iwasan nga siya. Hinarang lang niya ang dinadaanan nito kaya wala itong nagawa nang batiin nya ito. Agad din itong nagpaalam sa kanya at halos manakbo palayo. She informed Mason, but he appears unconcerned. When he hears Cameron's name, it appears to be a taboo. Para itong toro na sumisingasing sa galit kapag nababanggit ang ina ang mga bata.
"She's doing great," he said. "She's working in her father's hotel, knowing every bit and piece on how to run it."
Napangiti siya sa nalaman. "I'm so glad to hear that. And her school?"
"She got this," Ivan pointed his head. "Quite smart."
"She is," she closed her eyes, remembering the past. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya ng maalala iyon. Those were the happiest but the most painful times as well. Pero ikinatutuwa niyang tunay na malaman na ipinagpatuloy nito ang pag-aaral.
"She's smart but stupid when it comes to love," napailing ito. "Wala siyang itinitira sa sarili niya. She lost herself when she's with that Mason guy."
"In life, we all do stupid things in one way or another. I cannot claim that she was wrong to fall in love with her best friend. It's just the way things are. Mason and I were in a relationship at the time. Maybe if I hadn't stepped into the picture, they'd still be together, and the twins wouldn't be able to grow without their biological mother," napabuga siya nang hangin. "Minsan nga naiisip ko, mali yata ang desisyon ko na mag-aral sa school na iyon dahil parang nakagulo lang ako sa love story nila," napangiti siya nang malungkot.
Lungkot dahil sa pagkasira ng dalawang taong mahal niya.
Kinurot siya ni Ivan sa ilong. "Silly. Hindi mo kasalanan ang nangyari, sadyang malandi lang ang ex mo," napasimangot ito.
Hindi niya naiwasang mapabunghalit nang tawa. Wala talaga itong kupas sa mga linyahan kapag nagsalita.
"And I will surely beat him to the pulp for doing those things," umingos ito. "He should stick with one if he's into a relationship."
"Nangyari na yun, wag na nating ibalik pa ang sisi sa kung sino. I already moved on with my life, silang dalawa na lang ang hindi," ito naman ang napabunghalit nang tawa sa sinabi niya.
"That's my girl," inabot siya nito at hahalikan sana sa sentido ngunit tinakpan niya ng palad ang labi nito. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa labi nito at hinalikan iyon nang paulit-ulit.
"Hey!" Pilit niyang binawi mula dito ang kamay at nang hindi iyon binitawan ay malakas na pinitik niya ito sa noo.
"Aaaawww!" Nabitawan nito ang kamay niya sabay sapo sa noo. "That's really painful, Lou!"
"You deserve it, p*****t!" Iningusan niya ito. "Nakahalik ka na sa akin kanina sa lips kaya abuso na yan! I can break your limbs into pieces easily, you know that, right?" Tinaasan niya ito nang kilay.
"Okay, I will not touch you anymore," itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "I am earning millions because of this body. And besides, we are getting married. Hindi mo mapapakinabangan ang kagandahan ng katawan kong ito kung lulumpuhin mo ako ngayon," ngumiti ito nang malaki.
"Kadiri ka talaga! Please lang, keep young hands and lips to yourself in this whole time that we are together, okay?" Nakangiti pa rin ito nang tumango sa kanya.
"By the way, Cameron knows that you're my fiancee," bigla nitong sinabi.
"And how was her reaction?" tanong niya.
"She broke down," napabuntong-hininga ito. "Because after seeing you and that bastard together with the twins..."
"She saw us?!" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. "When was that?"
"I think that was the day before we met. They own the hotel where I am staying and where she's working," her mouth formed an 'O' when she heard that. "You have no idea that they owned it?"
She shook her head. "Totally none. You know me. I don't like asking things even to my friends."
"That is one of your traits that I like the most. You don't pry on other people's business." Iniabot nito sa kanya ang tasa ng tsaa na halos wala nang init. "You want a new one?"
Umiling siya at sinimsim ang laman ng tasa pagkatapos ay tinignan ang laman niyon. "She must be thinking that Mason and I are back to each other's arm again. I cannot imagine what she felt on that moment," nakagat niya ang pang-ibabang parte ng labi. Ewan niya kung bakit siya ang nasasaktan para dito.