"Dito na lang po tayo, Manong," sabi niya sa driver ng taxi na sinasakyan. Huminto ang sasakyan ilang bloke ang layo mula sa bahay nila. Bumuga siya ng hangin at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi niya alam kung tama nga ba na magpakita sya ngayon. Mukhang ngayon pa siya naduduwag. "Okay ka lang ba, Ineng?" tanong sa akin ng matandang driver na noon ay nakalingon pala. "Bababa ka na ba o ihahatid kita sa hotel na malapit..." Ngumiti siya dito at umiling. "Okay lang po ako Manong. Maraming salamat po," iniabot niya ang bayad dito. Tinignan nito ang iniabot niyang pera. "Aba'y Ineng, sobra itong bayad mo," muli nitong iniabot ang sobrang pera sa kanya. "Naku, sa inyo na po iyan," ngumiti siya sa matanda. "Salamat po kasi inihatid nyo ako ng ligtas dito. Pero wait lang po ha. Iipon lang

