C01: Ganoon lang tinapos
Chapter 01
Third Person POV
PAGKATAPOS maligo ni Dos ay lumabas siya ng banyo at walang ganang tumingin sa kama kung saan naroon pa si Olga. Kanina lamang ay nagbabaga ang init sa katawan niyang puno ng pagnanasa, pero ngayon ay parang wala na siyang nararamdaman. Dumiretso siya sa mga damit niya at isa-isang sinuot ang mga iyon na para bang isa lang itong ordinaryong umaga.
“Magbihis ka na,” he said directly. “I need to go. Pinapauwi ako nina Lolo Vaughn at Dad.”
Hindi agad kumilos si Olga. Sa halip, bumangon ito at lumapit sa kanya, saka hinawakan ang braso niya. “Dos… stay,” aniya sa mapanuksong tinig.
Tinanggal ni Dos ang kamay nito. “We’re done, Olga.”
Parang hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi niya. Napailing pa ito at pilit na ngumiti. “Stop it. Hindi ka funny.”
“I’m not joking.” Humarap si Dos sa kanya, seryoso ang mukha. “Tapos na tayo. This setup, ayoko na.”
Unti-unting nawala ang ngiti ni Olga sa kanyang labi. “Nagsasawa ka na? Ganun lang kadali?”
“Let’s not complicate things.” Inayos ni Dos ang sinturon niya. “Pareho lang tayong nag-enjoy. Walang lugi sa atin.”
Natawa si Olga, pero halatang nasaktan. “You think ganun lang ’yon?”
“Sa umpisa pa lang malinaw na. No commitments. No strings attached. Just pure pleasure. Walang drama.”
Lumapit ulit ito sa kanya, desperada na ang kilos ni Olga. “Then I’ll do better. Kung may mali, I’ll fix it. Don’t end this.”
Saglit itong tiningnan ni Dos bago umiling. “No. That’s the problem. Ayoko ng ganito.”
Napaatras si Olga. “Ako pa ngayon ang mali? Ikaw ang paulit-ulit na bumabalik.”
“I came back because it was easy,” walang emosyon niyang sagot. “Not because I wanted something real.”
Tumahimik si Olga. Halatang pinipigilan nitong umiyak kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa galit. Nagtitimpi lang siya dahil kilala niya ang ugali ni Dos. “Hinding-hindi mo pwedeng tapusin ’to nang basta-basta.”
“Everyone gets left. Timing lang ang pinagkaiba.”
Kinuha ni Dos ang cellphone, susi ng kotse at shades niya. Bago tuluyang lumabas, kumuha siya ng isang kahon mula sa drawer at iniabot iyon sa babae.
“Here. Diamond necklace.”
Napatingin si Olga sa kahon. “You’re serious? Ganito mo tatapusin?”
“Just take it. Call it whatever you want.”
“Parang binayaran mo lang ako,” sabi ni Olga sa nagtatampong tinig.
Hindi na nakipagtalo si Dos. “I’m ending it clean.”
“Clean? After everything?”
“I’m sorry.” Bahagya siyang tumingin dito. “But we’re done.”
Mahigpit na hinawakan ni Olga ang kahon. “Babalik ka rin.”
Bahagyang ngumiti si Dos, walang init sa ekspresyon. “Not this time.” walang biro sa tono ni Dos.
Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa loob bago tuluyang sumabog ang galit ni Olga. Ngumisi pa si Dos bago tumalikod, wala siyang pakealam sa galit ni Olga. Mabilis na lumapit sa pinto si Dos at nang makita ni Olga na ilang hakbang pa lang ang layo ni Dos, buong lakas niyang ibinato ang kahon sa pintuan.
Tumama iyon sa pinto at bumagsak sa sahig. Bumukas ang kahon at tumilapon ang diamond necklace sa sahig.
“Dos!” malakas na sigaw ni Olga.
Huminto ang lalaki at dahan-dahang lumingon. Nakita ni Dos si Olga, nanginginig ang buong katawan sa galit. Namumula ang mukha niya at basa na ng luha ang pisngi, pero hindi iyon luha ng kahinaan. Puro galit at sakit ang nasa mga mata niya.
“Take your damn necklace!” sigaw niya. “Hindi ko kailangan ’yan!”
Hindi gumalaw si Dos as if naman may pakealam siya.
“Akala mo mabibili mo ako ng isang kwintas?” Humakbang siya at mariing itinuro ang nahulog na regalo. “Ganito mo ba talaga ako kadaling aalisin sa buhay mo? Bibigyan mo lang ako ng mamahaling bagay at tapos na?” Puno ng hinanakit na tanong ni Olga.
“Olga—”
“Don’t!” putol niya agad. “Huwag mo akong kausapin na parang wala lang sa’yo ang ginawa mo!” Mahigpit niyang pinunasan ang luha sa mukha niya ngunit lalo lamang itong dumaloy. “Pinahiya mo ako.”
Si Dos nanatiling tahimik pero ang totoo wala siyang pakealam kahit magwala pa ito. Sa umpisa pa lang malinaw niyang sinabi kay Olga na ang relasyon nila ay hanggang kama lang.
“Akala mo dahil sanay kang mang-iwan ng babae, lahat tatanggapin ka lang?” patuloy niya, nanginginig sa galit. “Akala mo dahil may pera ka, kaya mong tapusin ang lahat kapag nagsawa ka?”
“Enough.”
“No!” sigaw niya. “Hindi pa enough!” Lumapit pa siya ng isang hakbang habang nakatitig kay Dos. Huminga siya nang malalim, saka mariing tumingin sa lalaki. “Pero tandaan mo, Dos Hayes… hindi mo ako basta-basta makakalimutan.”
Bahagyang sumikip ang panga ni Dos and he chuckled. “Is this a threat?”
Ngumisi si Olga kahit patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. “Take it however you want.” Sandali siyang natahimik bago dahan-dahang nagsalita. “Darating ang araw na pagsisisihan mong iniwan mo ako.”
Hindi siya inalisan ng tingin kay Dos.
“At kapag dumating ang araw na iyon, huwag kang lalapit sa akin at humingi ng tawad.” Nanginginig ang boses niya ngunit bawat salita ay malinaw. “Because I swear, Dos… I will make you regret humiliating me.”
Nanatiling tahimik lang si Dos.
“Hindi pa tayo tapos,” madiin niyang dagdag. “Tandaan mo ’yan.”
Ilang segundo silang nagkatitigan bago tuluyang tumalikod si Dos at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kwarto. Mas lalo lamang sumiklab ang galit ni Olga nang makitang walang pakealam ang binata sa damdamin niya.
“Tumakbo ka lang!” pahabol niyang sigaw. “Pero tandaan mo, Dos!” banta niya pero hindi na lumingon ang lalaki. “Hindi mo ako basta-basta matatanggal sa buhay mo!”
Nang tuluyang mawala si Dos sa kanyang paningin, dahan-dahang bumaba ang tingin ni Olga sa diamond necklace na nasa sahig. Hindi niya iyon pinulot. Sa halip, mahigpit niyang kinuyom ang kamay niya habang pinipigilan ang sarili na muling maiyak.
“You should’ve never humiliated me,” mahina niyang sabi. Tumingin siya sa direksyon kung saan nawala si Dos. “Because now, I’m going to make sure you remember my name.”
____
Pagdating ni Dos sa lobby ng condo, nakita niya ang isa sa mga staff na naglilinis sa hallway.
“Hey. Punta ka sa unit ko later. I want everything cleaned. Deep clean. Disinfect everything.” Mariin niyang utos.
“Yes, sir. Lahat po ba?”
“Everything. Sheets, couch, bathroom. I don’t want anything left untouched. When I get back, it should feel like no one stayed there.”
“Yes, sir.”
Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas. Narinig pa niya ang mahihinang bulungan ng mga staff pero wala siyang pakealam sa mga opinyon ng mga ito.
Hindi na iyon pinansin ni Dos. Sanay na siya sa mga ganoong salita. Pagdating sa parking lot, kinuha niya ang cellphone at hinarap ang pangalan ni Olga. Isang tap lang at naka-block na ito. Sinunod niya ang Messenger, f*******:, calls at iba pang paraan para hindi na siya ma-contact.
“Done.”
Sakto sanang bubuksan na niya ang kotse nang mag-vibrate ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen, napailing siya.
Ang kanyang Lolo Vaughn Muntik na niyang i-decline ang tawag, pero huminga siya nang malalim at napilitang sagutin iyon. “Lo—”
“Nasaan ka na naman?” matigas ang tono ng matanda.
“Sa condo. I’m about to leave.” Kunwa'y na sagot ni Dos.
“Condo? O babae na naman?” kalmanteng tanong ni Don Vaugh sa apo kahit ang totoo hindi niya gusto ang ginagawa nito.
Napangiti nang bahagya si Dos. “Lo, relax—”
“Don’t tell me to relax. Kailan ka ba titigil sa kalokohan mo? Ilang taon ka na, Dos?”
“Twenty-three.”
“Exactly. Twenty-three ka na. Hindi ka na bata. Pero ang ginagawa mo, parang wala kang direksyon. Puro babae, puro gala.”
Napabuntong-hininga si Dos. “I’m handling my own life. I know what I’m doing.”
“Do you? You’re a Hayes. May responsibilidad ka.”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Dos.
“Umuwi ka rito,” utos ng lolo niya. “Dito ka sa probinsya. Magtrabaho ka sa munisipyo. Hindi puro ka babae diyan sa siyudad.”
“Munisipyo? Lo, seriously?” bulalas ni Dos sa tinig na puno ng disbelief.
“Yes, seriously. Kailangan mong matuto. Hindi puwedeng ganyan ka forever.” kalmanteng pa ring sagot ni Vaughn.
Tumango–tango ang binata. At sa sarakastikong tono ay: “I’m not settling there. That’s not my life.”
“There's no need for sarcasm here. Hindi mo pa alam ang gusto mo. At kung patuloy kang ganyan, wala kang mararating.”
Tumahimik na lang si Dos. Alam niyang wala siyang mapapala kung patuloy silang magtatalo.
“Umuwi ka. We need to talk. Hindi ka puwedeng tumakbo habang buhay.”
“I’ll think about it.”
“Hindi ’yan sagot na gusto ko,” sabi ng matanda. “Pero sige. I’ll wait.”
“Yes, Lo.” sagot niya sa mahinang tono.
“Drive safe.”
At natapos ang tawag, agad nawala ang lolo niya sa kabilang linya. Saglit na nakatayo si Dos bago tuluyang sumakay sa sports car niya. Akala niya, tapos na ang isang problema dahil tinapos na niya ang pagitan sa kanila ni Olga. Pero hindi niya alam na may mas malaking bagay palang naghihintay sa kanya.
MALAKAS na boses ni Lucio ang gumising kay Mhari. “Anong oras na, tulog ka pa rin? May pupuntahan ka pa!”
Napamulagat siya at napatingin sa maliit na orasan sa tabi ng kama.
Alas nuebe na. Pagod pa ang katawan niya mula sa prusisyon ng Birhen Maria noong gabi. Halos hindi siya nakaupo buong gabi dahil abala siya sa simbahan, kaya gusto pa sana niyang matulog nang kaunti.
Pero alam niyang hindi siya palalampasin ng ama.
Dahan-dahan siyang bumangon at inayos ang buhok bago lumabas ng kwarto. Nadatnan niya si Lucio sa sala, naka-krus ang mga braso.
“Pa, aga mo naman sumigaw,” sabi niya, paos pa ang boses. “Kakagaling lang natin sa simbahan kagabi.”
“Aga?” napataas ang kilay ni Lucio. “Alas nuebe na, Mhari. Hindi na ’yan madaling araw. May lakad ka pa sa munisipyo.”
Napakunot ang noo niya, nagtataka. “Munisipyo? Para saan?”
“Magfi-fill up ka ng scholarship form,” diretso nitong sagot. “Program ’yan ng mayor, si Vaughn Hayes. Sayang kung hindi mo susubukan.”
Natigilan si Mhari. Scholarship. Malaking bagay iyon para sa pamilya nila. “Scholarship…” mahina niyang ulit.
“Oo. Libre ang pag-aaral mo kung makapasa ka. Hindi na natin iisipin ang tuition mo.”
Napayuko siya. Alam niya kung bakit siya nag-aalinlangan.
“Pa… alam mo naman po, gusto ko—”
“Yung magmadre?” kalmadong tanong ni Lucio.
Dahan-dahan siyang tumango. Hindi nagalit si Lucio. Sa halip, mas naging mahinahon ang boses nito.
“Hindi ko sinasabing mali ’yon. Pero hindi pa ngayon. Bata ka pa. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Bigyan mo muna ng chance ang sarili mo sa ibang bagay.”
Tumahimik na lang si Mhari.
“Hindi naman mawawala ’yang calling mo kung talagang para sa’yo,” dagdag ng ama niya sa mahinahon na tono. “Pero ang pagkakataon na ’to, hindi araw-araw dumarating.”
Napabuntong-hininga si Mhari. “Kailangan po ba ngayon?”
“Oo. Ngayon ka pupunta. Maraming mag-aapply.”
Saglit siyang nag-isip bago tumango. “Sige po.”
Bahagyang lumuwag ang mukha ni Lucio. “O siya, maligo ka na at mag-ayos. Huwag ka nang bumalik sa kama. Sayang oras.”
“Opo, Papa.”
Bumalik si Mhari sa kwarto niya upang maghanda. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung scholarship ba talaga ang landas na para sa kanya, pero susubukan niya. Hindi dahil nagbago na ang pangarap niyang magmadre.
Kundi dahil ayaw niyang sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng ama niya.
---
PAGKARATING ni Mhari sa gym kung saan ginaganap ang filling up at interview para sa scholarship program, agad siyang natigilan.
Mahaba ang pila. Sobrang haba, sa tingin niya nakakabagot ito. Halos umabot na sa labas ng covered court at dikit-dikit ang mga kabataan. Ramdam niya agad ang init habang pumupuwesto sa dulo.
“Grabe…”
Isang daan lang ang kukunin. Alam niyang mahirap ang laban, pero kailangan niyang subukan. Habang unti-unti siyang umuusad sa pila, narinig niya ang dalawang babaeng nag-uusap sa unahan.
“Darating daw ngayon yung kambal,” sabi ng isa. “Sina Uno at Dos.”
“Oo nga. Nakita ko sila dati. Ang gagwapo sobra. Parang artista.”
Napabuntong-hininga si Mhari at umiwas ng tingin. Wala siyang pakialam kung gaano kagwapo ang mga iyon. Sa isip niya, ang puso niya ay para sa Diyos at iyon ang tahimik na buhay na gusto niya.
Pero sa ngayon, kailangan niyang subukan ang scholarship. Hindi lang para sa sarili niya kundi para kay Tatay Lucio niya. Tahimik siyang naghihintay nang biglang may pamilyar na boses mula sa likuran.
“Uy, si Mhari oh. Mhari the virgin.”
Nanlamig ang likod niya. Dahan-dahan siyang lumingon. Napapikit siya sa iritasyon na makita kung sino ang mga ito. Sila na naman. Mga kaklase niya noong high school. Mga taong hindi pa rin nakakalimot mang-asar.
“Hindi ka pa rin nagbabago,” sabi ng isa, sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Mukha ka pa ring… inosente.”
Natawa ang kasama nito. “Inosente o nagpapanggap?”
Pinili ni Mhari na manahimik. Hindi niya papatulan ang mga ito ngayon.
“Balita namin,” dagdag ng isa, “magmamadre ka daw?”
“Sayang naman,” sabi ng isa pa. “Ganyan kaganda, ialay mo sa Diyos?”
Nagpantig ang tainga ni Mhari, pero pinigilan niya ang sarili.
“Masarap pa naman daw tikman ang luto ng Diyos,” dagdag nito sabay tawa.
Nagtawanan sila tila tuwang–tuwa. At humigpit ang hawak ni Mhari sa folder.
“Tumigil kayo,” sabi niya, mahina pero buo ang boses.
“Oh?” ngumisi ang isa. “May sasabihin ka?”
Humarap siya sa kanila.
“Wala kayong karapatan magsalita ng ganyan. Kung wala kayong respeto sa paniniwala ko, at least matuto kayong rumespeto bilang tao.”
Saglit silang natigilan bago muling ngumisi. “Grabe, may sermon. Sister Mhari na talaga.”
“Relax ka lang,” dagdag ng isa, lumapit. “Hindi ka naman namin pipigilan magmadre. Nagtataka lang kami, sigurado ka ba? Hindi ka ba natetempt?”
Napaatras siya nang kaunti pero hindi siya nagpakita ng takot sa mga ito. “Hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo. Focus kayo sa sarili niyo.”
“Aray,” pang-aasar ng isa may pahawak–hawak sa dibdib na para bang nasaktan sa sinabi niya. “Ang tapang mo na ngayon ah.”
“Pero kahit anong tapang mo,” singit ng isa pa, mas mababa ang boses nito, “alam naming sayang ka.”
Bago pa makasagot si Mhari, isang malalim na boses ang biglang umalingawngaw sa likuran nila.
“Anong nangyayari dito?”