CHAPTER 27

1013 Words
Makailang beses akong tinanong ni Lulu kung maayos lang ba ako. Hindi ko alam kung paano yon masasagot dahil natatakot ako sa naiisip ko. This day– ang presentation ng group namin. Aaminin ko naging pabigat ako sa grupo madalas akong late, madalas akong late na nagigising sa hindi ko malamang dahilan. Madalas na antok na antok ako. “Cheska ayos ka lang ba?” tanong ulit niya. Dama ko ang pag-aalala sa kanya. “Ayos lang ako Lulu salamat.” naninigurado kong sagot. Ngumiti lang siya sa akin at mukhang kahit paano ay naniniwala na siya sa naging sagot ko. Hinihintay namin ang result ng presentation namin. Sabaw na sabaw ako buong presentation namin pero dahil sa lahat ng groupmates ko nakaalalay sa akin kaya kahit paano ay naraos namin. Sumasabay pa kasi si Miguel ngayon. Hindi ko siya maintindihan dahil na liwanag ko naman sa kanya na busy ako paper works ko and everything. Pero wala lang ang explanation ko mas pinili niyang pakinggan at paniwalaan ang gusto niyang paniwalaan. I don’t know what to do with him. Kahit anong explanation ko wala sarado na ang kanyang isipan sa mga pinaniniwalaan niya. After we got the result masayang masaya. Para akong nabunutan ng tinik ng malaman na ang result. “Congrats sa ating lahat!!” Masaya ang lahat lalo na ako dahil sa naging resulta. Inaantok na ako at nagugutom ng sobra. Hinigop ang lakas ko kanina kaya babawiin ko iyon mamaya. Sumama ako sa kanila may mini celebration kami kaya maraming food. Nagpaalam ako kay mama na sasama ako sa celebration, pumayag naman siya ang kaso hindi ko rin ginusto na magtatagal doon kasi ang amoy ayoko at feeling nasusuka ako. Tiniis ko lang dahil nakakahiya sa kanila. Hirap na hirap ako kumain habang nandoon ako. Nagsabi ako kay Lulu na uuwi na ako, uuwi na agad. “Totoo ba na uuwi kana?” pabulong na tanong ni Lulu. Nasa dulong bahagi kami naka pwesto. “Oo tih feeling ko nga kasi nasusuka na naman ako,” pag-amin ko sa kanya ng totoo. Nahihiya man akong sabihin pero kasi si Lulu naman siya so I need to be honest with her. Nag-iba bigla ang reaksyon niya napalitan na naman ng pag-aalala. I felt so guilty kasi lagi ko na lang siyang pinag aalala. “Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong niya sa akin. “Napapadalas na yan Che,” bati niya. Totoo yon na laging ganun ang pakiramdam ko kakaiba. “Kasi naman ayoko ng amoy ng bahay,” diretso kong sagot. Binigyan niya ako ng tingin na nagtataka. Ang weird naman kasi ng trippings ng ilong ko. “Weird naman niyan,” wala ng nasabi si Lulu. “Oo sobra. Kaya nga hatid mo na ako.” aya ko. Nagpaalam ako sa mayari ng bahay para makauwi na baka pag nagtagal pa ako sa bahay na iyon magkalat pa ako ng suka. Nakahihiya maraming tao nagkakalat pa. “Sure ka na kaya mo na?” tanong niya ng makalabas na kami sa loob ng bahay. They asking me kung bakit ‘ang aga kong umuwi.’ syempre reason why malala ang tanungan. “Oo naman Lulu maraming thanks,” nakangiti kong sabi. Yumakap si Lulu sa akin kaya gumatin rin ako. Naalala ko ang senaryo na iyon bigla. Meron pang isang nangyari. Umaga iyon nasa loob kami ng kusina nagkakape kami ng sabay ni mama. “Bakit wala pang bawas ang pads doon sa lalagyan?” tanong ng mama. Gulat ang naging reaksyon ko. “Delay ata ako mama.,” mabilis kong sagot. Natural lang naman na madelay dahil sa stress at pagod lagi kaya hindi ko na pinapansin pero ngayon bigla akong nakadama ng kaba. Marami na namang tanong ang paulit ulit ang naiisip ko. Naisip ko na sabihin sa girls pero may nag hold back kasi, iniisip ko na baka ganun nga na pagod lang ako at stress this past few days with the school works. Kaya ang ginawa ko simula ng sinabi ni mama ay nagbalik ako sa proper sleep and eating ng gulay. Abang na abang ako na dumating ang mensturalperiod. I don’t even remember kung kailan pa ang last ko. Kabang kaba ako ng sobra. Sana mali ang iniisip ko. Anong gagawin ko kung totoo ang bagay na ‘yon? Paano ang mangyayari at paano ko haharapin ang mundo. Nawala sa isip ko ang bagay na iyon dahil nga sa abala sa school and kay Miguel na madalas na inaaway ako. Naging baliktad na ang sitwasyon sa amin. Pero madalas na siyang naghihinala kahit na wala akong ginagawa. Lagi niyang isinisingit ang tungkol sa pagkawala ng oras ko sa kanya ng panahon an abala ako sa school works ko. Now kasi ay review ng incoming exam ang kailangan kong paghandaan. Importante sa akin ng sobra na matapos ko ang pag-aaral ko kaya mas pinili ko na hayaan lang muna siya pero distracted ako dahil nga sa ganun ang sitwasyon aming dalawa. He’s being unreasonable again. Pinapaliwanag ko naman sa kaniya kasi diba graduating na ako kaya dapat doble ang effort ko dahil konti nalang matatapos na at mas magkakaroon na ako ng mas malaking opportunity pag nakatapos na ako ng pag-aaral. Makakatulong na ako sa parents ko na tinaguyod ang pag-aaral ko ng apat na taon. Stress na sa school tapos sumasabay pa si Miguel. Nag seselos pa siya sa ex-boyfriend ko na ka-group ko pero hindi na tama ‘yon malamang sa malamang takot ang naramdaman niya na baka gawin ko ang ginawa niyang pamababaliwala at nagloko siya sa relasyon namin. Gusto ko ngang manumbat kasi naman nung panahon na nagloko siya hindi ko naman siya natiis dahil mahal ko siya ng sobra. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na maari pang magbago si Miguel na baka ako nga ang maging dahilan ng pagbabago niya kailangan ko lang maniwala ay manatili sa tabi niya na makita niya na may naka suporta sa mga gagawin niya ay naniniwala sa skills na meron siya. Sana ay makita na niya ako ‘yon ang girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD