CHAPTER 26

1591 Words
Hindi ko alam kung matatapos pa ba ang paghihirap ko. Lagi kasi akong late umuwi sa bahay dahil sa mga pending works na kailangan naming matapos at mapasa. Pagod na pagod ako sa tuwing umuwi sa bahay galing ako sa group work namin malayo pa ang place dahil kailangan na puntahan mismo ang lugar. Ang ginawa ko na lang pagdating sa bahay ay kumain at naliligo then tulog na. Marami kasing mga bagong binigay na activities na sabay sabay pa ang deadline. Busy week like hell. Nakakainis pa parang sinasadya dahil ka-group ko ulit ang ex-boyfriend ko. Ayoko na sana sabihin o mabanggit kay Miguel kasi iniiwasan ko naman ito, alam ko na tapos na ang kung ano ang namamagitan sa amin noon. No big deal na kasi nga tapos na ang lahat ng iyon, syempre masaya na ang bawat isa. Masaya na ako kasama si Miguel kahit na nangangapa pa kami sa isa’t isa. Mahal na mahal ko ang lalaking iyon. According to my Lulu may karelasyon na din daw ito. See? Kaya ba ganun si Miguel dahil takot siya sa sarili niyang multo? I dunno? Buong linggo school works lang ang ginawa ko at inaatupag ko naman sa pag-uwi ay mag revise ng papers. I explain to Miguel na marami akong kailangan gawin at ipasa. Deadline and other deadlines. Sabay sabay! Parang hindi na tatapos ang lahat. Sa buong linggo na iyon maaga akong natutulog. One week routine ko na ang ganun. Walang ibang lakad kundi bahay, school at ang mga place na need na puntahan namin. Umaasa ako sa lumipas na five days na puntahan ako ni Miguel sa bahay dahil alam niyang busy ako pero wala. Sakit umasa sis! Pauwi na ako ngayon sa bahay galing sa group work namin. Nagugutom na ako kahit kumain na ako bago umuwi sa bahay. Nakakapagod kaya mag biyahe. Nagmamadali pa ako kaso naabot pa rin ako ng rush hour at maraming pauwi pa lang rin galing sa trabaho. Habang nakasakay ako sa tricycle nag-iisip na ako ng kung anong ulam ang niluto ng mama. Hindi na rin ako nakaabot sa pagsabay sa kanilang kumain ng hapunan. Nakakamiss din pala na kaaway si Lota. kahit anong gawin ko na pagmamadali pauwi ay hindi ako umabot. Una kaming nagpag-check kaso need pa ayusin kasi may mga kulang at mali. Bumaba na ako sa tricycle bago pa ako lumakad inabot ko ang bayad ko. “Finally.” sabi ko sa sarili ng nasa eskinita na namin ako. Madalas akong inaantok at hindi ko ito mapipigilan kaya nakatulogan ko ang mga groupmates ko sa palagay ko nga na marami na silang naipon na stolen picture ko habang mahimbing sa pagtulog. Lately napapansin ko na talaga na antukin na ako. Pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Nakita ko na nasa living room sila at oras ng panonood ng TV kaya nakapwesto na sila. “Good evening family!” masigla kong bati ng mabuksan ko ang pinto. Lahat ng atensyon ay nasa akin. “Bida-bida yan?” pang asar na tanong ni Lota. Masyado akong namimiss ng negra. Ngumiti lang ako sa kanya na parang wala akong pake sa sinabi niya. “Kumain ka na,” sabi ng mama. “Wag mo ng pakainin yan ma!” kontra niya. “Uuwi lang dito kakain o kaya matutulog,” katwiran niya. “Epal yern?” pang asar ko. “Mukha ng bangkay si ate ma,” turan ni Lota habang nakatingin sa akin ng mapanuri. Malamang stress at puyat then– araw-araw biyahe. “Mag vitamins ka kaya?” tanong ng papa. “Nako wag na pag binili mo yan hindi iinumin.” agad na sabi ni mama. Lumapit ako kay mama at papa para magmano tsaka mapang asar na hinila ang konting hibla ng buhok ni Lota sabay takbo ng mabilis patungo sa kusina. “HOY ATE BUMALIK KA RITO!” sigaw niya. Galit na galit siya dahil hindi siya nakaganti. Sa tingin ko pinigilan siya ni papa na habulin ako para makaganti sa ginawa kong paghila ng buhok niya. Inilagay ko muna ang mga gamit sa tabi tinatamad na akong umakyat mamaya na para tuloy-tuloy na lang ako. Nagmamadali akong maghugas ng kamay at naghanap ng pagkain. Bungkal ako ng mga kaldero at kawali na nandoon. Natakam ako ng makita ko na may pininyahang manok doon. Looks so yummy! Kumuha agad ako ng plato at kutsara tsaka kumuha ng marami. “Yung kaya mo lang ubusin.” narinig kong sabi ni mama. Nilingon ko siya, napadaan lang pala aakyat na siya sa taas. Naupo na ako sa harap ng lamesa at nagsimula ng kumain. Favorite ko ito lalo pagluto ng mama. Feeling ko kasi mas masarap pag siya. Magaling kaya magluto ang mama. Mapapasarap ang kain ko ngayon favorite ko kasi! “Ang PG mo naman girl,” Hindi ko pinansin dahil alam kong si Lota lang naman yon para saan pa diba? “Snob mo naman!” deadma lang ako. “PANGET!” sigaw niya. Pikunin talaga ang impakta na yon. Basta ako enjoy sa pagkain ko. Natatawa na lang ako ng makita ko na umalis na siya. After ng first plate ko ay umulit pa ako then half pa. Busog na busog ako, ang sarap-sarap ng luto. Hinugasan ko muna ang pinagkainan ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumakad paakyat bitbit ang mga iyon. Hirap na hirap akong kumilos dahil nga sa busog ako ng sobra. Mabagal at maingat ako sa bawat paghakbang sa baitang ng hagdan baka bigla na lang akong bumulusok pababa. Masasaktan pa ako. “Shet naka akyat din!” Binaba ko agad ang dala ko sa gilid at sarado ko na nag pinto. Nahiga muna ako sa bed kasi tinatamad pa akong mabihis nag-scroll lang muna ako sa f*******: newsfeed hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Sabi ko ay saglit lang pero tumagal ako na nanonood ng random video sa f*******:. May mga gagawin pa rin ako pero yon na nga nagbabad na ako. Tumigil lang ako ng ma-realize ko napatagal ako. Bumangon na ako at nagpalit na ng damit pang-bahay tsaka ako nag set up. Kailangan matapos dahil bukas namin pagsama samahin ang lahat para makita kung maayos ang flow ng lahat baka ibaling ulit sayang effort pisti! Pinilit ko ang sarili na simulan ang mga gagawin kahit na tamad na tamad na ako at gusto ng magpahinga. Pagod na nga sa byahe pagod pa sa mga dala. Mabigat ang laptop na dala ko masakit sa balikat. I’m still keep trying to focus– sa binasa ko pero no use kasi gusto ko na namang kumain. Hindi ko alam kung ano pero I want something sweet kaya kahit late na at wala ng tao sa baba ay pumunta pa rin ako sa kusina to find what I want to eat. Bumaba na nga ako kaso wala naman akong nagustuhan na kainin dahil puro chicha ang meron sa baba at pancit canton. Bumalik na lang ako sa taas kasi may naalala ako na meron akong pagkain na binigay ni Lulu sa akin. Donuts mga tatlong piraso ata yon butter choconut. Swerte pa rin ako may food ako. Midnight snacks. Habang nagbabasa ako kumakain ako kaya kahit paano nakapag-focus ako hindi ko naman natapos kasi hindi na kaya ng mga mata ko. Umaga late na ako nagising. Marami ng mga message at calls ang galing sa mga groupmate ko na hinahanap na ako. Malas hindi ako nagising sa alarm ko. Lagot na talaga ako sayang ang oras. Madaling madali ako na mag prepare ng sarili at gamit. Wala pang 30 minutes tapos na ako dahil sa nagmamadali nga ako. Wala ng ayos ayos alis na agad ako. Hindi ko na nagawa   kumain o mag kape dahil sa late na talaga ako. kumuha na lang ako ng mansanas sa lamesa para dalhin at kainin mamaya. Nakakahiya naman sa kanila. Nag message na ako kay Lulu na on the way na ako at hintayin na nila ako kasi nga ayoko ng walang kasabay na bumyahe. Dumating ako sa meeting place namin nandoon nga si Lulu at ang ex-boyfriend ko. “Sorry talaga,” paghingi ko ng paumanhin nakakahiya sa kanila nag-cause pa ako ng delay. Ngumiti lang sila sa akin. Inaya na nila ako na umalis at sumunod sa iba pa naming groupmates. Mabilis ang paraan ng paglakad nila pinipilit kong makasunod kaso bigla akong nakaramdam ng bagayang pagkahilo dahilan para mahinto ako sa pagsunod sa kanila. Nasapo ako sa noo ko dahil sa hilo. Ano ba ang nangyayari sa akin? Magkakasakit na ba ako? Mapansin nila akong hindi nakasunod ay bumalik sila para lumapit sa akin. “Hala anong nangyari?” tanong ni Lulu “Ayos ka lang?” kasunod namang tanong ng ex ko. “Bigla lang akong nahilo.” pagsabi ko ng nangyari. Nakaalalay sila sa akin habang naglalakad. “Mabuti at hindi ka natumba kung hindi baka nasaktan ka pa,” nag-aalala na sabi ni Lulu. “Salamat and sorry pabigat ako.” nahihiya ako sa kanila. They help me habang nasa byahe kami ay panay ang check at tanong ni Lulu sa akin kung maayos ba ako at ano ang nararamdaman ko. “Do you sleep properly?’ tanong ng ex ko. “Hindi nga kasi diba lagi nating inuuwi ang ibang gagawin,” pagsagot ko sa tanong niya. Napapaisip ako ng malalim kung ano ba ang nangyayari sa akin dahil biglaan masyado. Okay naman ako nakaraang linggo. Umiinom pa nga ako. Eto na ba ang balik sa pang-aabuso ko sa katawan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD