Matapos ang seven hours of labor na pinagdaanan ni Cheska ligtas niyang napanganak ang kanyang baby girl. Kasalukuyan na mahimbing ang tulog si Cheska dala ng pagod at hirap na pinagdaanan niya ng habang oras habang nag-lalabor at nanganganak nilakasan niya ang loob para lang ligtas na mailabas ang kanyang baby. Ang Ina na niya ang nagsuot sa kanya ng damit bago siya hinayaan na magpahinga. Nandoon ang Ina niya mula umpisa. Ito na rin ang nag- asikaso kay Cheska at sa baby. Magising si Cheska agad na lumapit ang Ina niya sa kanya nakangiti ito. “Anak kamusta ang pakiramdam mo?” tanong agad ng Mama niya. “Congrats anak nagawa mo!” masayang masaya na bati pa nito.. “Medyo maayos na po Mama, nasaan po ang baby ko?” hanap ni Cheska sa anak. “Kinuha pa lang siya kasi titimbangin at susuk

