Mabilis na lumipas ang isang buwan ng hindi na malayan dumating na ang buwan kung saan manganganak na si Cheska. Handa na siya at ang kanyang pamilya sa pagdating ng batang babae na malapit ng isilang ni Cheska. Mula sa mga gamit pati sa mga kailangan at essentials tulad ng baby oil, cotton balls, baby wipes, diapers, feeding bottles just incase na wala milk si Cheska. Nalaban na rin ng ina niya ang mga lampin na bagong bili. Kung ang lahat ng kailangan handa pero si Cheska ay hindi pa ganun kahanda. “Natatakot ako.” Tumayo si Cheska at lumakad palayo sa Ina. “Hindi mo kailangan matakot.” maagap na sagot ng kanyang Ina. Pero hindi sapat ang mga salita para mawala ang matinding takot na nararamdaman ni Cheska. Masyado niyang iniisip ang mga posibleng mangyari habang nasa loob s

