My friends asked me kung meron na akong dress na gagamitin for graduation. Syempre wala pa kasi busy pa ako sa pag tapos ng OJT hours ko. Mas naisip ko pa rin ang mga kailangan baka ma stress ako at magkaroon pa ng problema sa graduation day ko. Yung akala mo graduate ka ‘yon pala hindi. Sad!
Pati si mama nagtatanong na rin at nanghihingi ng details about graduation. Wala ka pa naman akong details na maibigay kasi lahat pa ata ng 4th year abala pa sa pagtapos ng mga requirements.
“Cheska!” Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko.
I saw Tep and Ed.
Lumakad sila palapit sa akin.
“Bakla! Kamusta?” bungad na tanong ni Tep sa akin.
Kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Mukha ba akong hindi okay?” balik tanong ko sa kanya.
Na tawa naman si Ed sa akin.
“Syempre mas goods pa rin na tanungin kita para sure at mas ma feel mo.” paliwanag niya.
I smile at her. Mabuti pa siya— sabi ko sa aking isip. Gusto ko sana magpaka wala ng buntong hininga pero baka isipin nila na hindi totoo ang ayos lang ako.
“Thanks Tep, I’m fine thank you.” dahil sa naging sagot ko nagtatawanan kami.
Inaya nila akong kumain. Sumama ako agad kasi gutom na rin ako.
Nasa likod namin si Ed nakasunod lang siya, mukhang siya pa ang third wheel or alalay. Magka angla ang mga braso namin ni Tep habang naglalakad at nagkukwentuhan sa mga bagay bagay.
“Halata na ang baby bump mo!” pag pansin niya sa tummy ko— She’s sound excited. “Last na kita natin hindi pa masyadong halata but look at your tummy now,” turan pa niya tsaka pinatong niya pa ang palad sa umbok na tiyan.
“Kamusta check up mo?” tanong pa niya.
“Ayos naman daw siya, healthy.” sagot ko.
Last check up ko, okay naman lahat according to Dra.
I always take my vitamins— na bigay. Need to take for the baby kahit nga ang lasang kalawang na gamot tinitiis ko dahil mababa ang blood pressure ko.
“That’s goo Cheska para hindi ka mahirapan at mag-ingat ka lagi lalo na pag naliligo ka sa banyo baka bigla kang madulas ma paano pa kayo ng baby mo.” paalala niya.
Na upo na lang kami ni Tep kasi si Ed na ang nag order ng food para sa amin.
Tuloy pa rin ang kwentuhan namin ni Tep kahit habang kumakain ay nag usap pa rin kami at kasali na si Ed.
“Hindi ko expected na sabay sabay kayong tatlo,” hindi makapaniwala na sabi ni Ed. “Si Jessa ang laki na ng tiyan.” dagdag pa niya.
“Mas mauuna manganak ‘yon.” sagot ni Tep sa kanya.
“Kamusta ka pala sa parents mo?” tanong naman ni Ed.
“Sa ngayon medyo okay na pero hindi pa rin tulad ng dati.” nalulungkot na sagot ko.
Hinawakan ni Tep ang kamay ko na nasa ibabaw ng table. “Maayos din ‘yan Cheska.” pag-alo niya sa akin.
After we eat— bumalik na kami sa loob ng school.
Tulad ko ay update pa sila ng OJT time card. Matatapos na rin naman konti na lang tiyaga lang.
“Anong plano mo?” tanong pa ni Tep.
“Maybe after makapang anak ay pahinga muna ako at aalagaan ang baby ko ng one year muna hahanap ng work to help him to provide.” sagot ko.
Naisip ko na ‘yon na tulungan ko si Miguel na mag work syempre sa expenses. Para maibigay namin ang mga needs ng baby namin. Kahit makatulong lang ako sa basic needs ng baby namin.
Hindi ako pwede na umaasa lang sa kikitain ni Miguel dapat meron din akong sariling pera kung sakali na hindi sapat ang binibigay ni Miguel.
“Ayos din ‘yon na hindi ka aasa sa pera ng asawa mo.” sang ayon sa akin ni Tep.
Ang sarap naman marinig na asawa kahit hindi naman at tutol pa nga sila.
Nakapag update na kami ng time card at umuwi na ako. Hindi na ako nagpa sundo kay papa umuwi na lang ako agad.
Naiisip ko na ang gagawin ko pagka uwi ko kakain at matutulog lang.
Nakauwi na ako nandoon si Lota sa living room nanonood ng TV. Grabe hinihingal ako sa paglakad.
Naupo ako sa tabi niya.
“Ate bakit umuwi ka mag-isa?” tanong niya sa akin.
Anong klase na tanong ‘yon.
“Masama na ba na umuwi ako ng maaga sa bahay?” tanong ko rin sa kanya.
Napaisip siya sa tanong ko.
“Hindi naman pero kasi laki na ng tiyan mo taoos sasakay ka ng jeep?” takang tanong niya.
Mausisa talaga si Lota kahit kailan. Minsan nauubos na ang isasagot sa kanya si mama.
“Hindi ka ba nahihirapan?” tanong niya ulit. Wala pa akong sagot pero may following question na ulit siya.
“Nahihirapan.” maikling sagot ko. Bigla na akong nakaramdam ng lungkot sa sagot ko hindi ko alam.
“Kaya dapat nag wait ka na kay papa.” sabi niya.
“Anong ulam?” tanong ko na lang para maiba ang pinag uusapan namin.
Iniisip niya pa kung anong ulam na niluto ni mama.
“Hala bakit ka nag-isip?” tanong ko sa kanya.
“Eh hindi ko alam tawag.” alanganin niyang sagot.
Natatawa na lang ako. Tumayo ako tsaka lumakad papunta sa kusina para tumingin ng food. Nagugutom na ako agad umuwi lang ako galing school.
“Kaya naman pala hindi niya masabi kung anong ulam kasi hindi naman siya kumakain nun.” sabi ko ng makita kung anong ulam.
Ampalaya na may itlog at hipon. Galit sa gulay si Lota kaya naman madalas na nagluluto si mama ng gulay.
Tinakpan ko ulit ang ulam. Lumakad palabas ng kusina. Kinuha ko ang bag ko na iniwan ko sa tabi ni Lota.
“Bilis mo naman kumain.” sabi ni Lota.
“Mamaya na ako kakain.” sagot ko.
Umakyat na ako sa kwarto para matulog at mamaya na kakain. Hindi ko maintindihan kanina gusto ko na kumain pero nakita ko ang ulam ayaw ko na lang kumain. Bigla akong nawalan ng gana.
I change my clothes— bago ako nahiga sa bed.
Sumakit ang mata ko dahil sa matagal na pag stay sa harap ng computer. May pinaayos kasi si Ma’am Cristy kanina.
Tulog muna ako. Tinatamad na naman ako kumilos.