Pag-uwi ko sa bahay kumain lang ako at umakyat na sa kwarto. Natapos ko na ang aking OJT hours. Grabe may pa farewell pa ang mga kasama ko roon sa akin. Parang gusto ko na mag work siguro after ko manganak. Super warm nila kasama kaya gusto na tuloy mag stay.
I try to call Miguel kanina pang morning kaso hindi naman sinagot kaya hinayaan ko muna. Ilang araw na rin kaming walang usap hindi ko alam kung anong ginagawa niya last na usap namin yung nagpunta ata siya rito then after wala na. Nag update pa— ngayon wala na at nakaraang araw.
Tawag na ako ng tawag sa kanya trying to contact him pero wala talaga.
Naalala ko nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa birthday ng isa sa mga tropa niya. Mas lalo akong kinabahan dahil birthday ‘yon.
Nag-iba si Miguel pag may impluwensya ng alak. Lahat naman ay ganun nag iba talaga pero ang panget kay Miguel. Hindi naman pwede na walang babae sa birthday malamang meron dahil lalaki ang mag celebrate.
Nag promise naman siya na hindi siya iinom doon. Ayoko na maisip niya na hinahawakan ko siya sa leeg na parang alagang aso. I want to give all my trust to him.
I call Osang pero hindi niya sinasagot. Baka nasa work pa siya grabe nakakabaliw ang mag-isip.
Bumaba ako sa sala nanood na lang muna ng TV para malibang ako at hindi mag-isip kay Miguel. Malamang sa malamang ay nandoon na ‘yon at nag papakasaya na kasama ang tropa niya
Ayoko ng stress pero si Miguel mismo ang stress. Nagbibigay ng stress sa akin.
Hindi ko kasi na pigilan ang pag-iisip ng kung ano-anong sernaryo ang pumapasok sa isip ko na ginagawa ni Miguel habang nandoon kasama ang mga kaibigan niya na mga kunsintidor na kahit pa mali na pinag takpan pa rin at hinayaan nila na gumawa ng alam naman nilang mali. Nasa relasyon si Miguel pero wala man lang na pagtutol ang ginawa nila sa ginawa nito na pakikipaghalikan sa ibang babae. They all cheered for him pa. Enjoy na enjoy rin sila sa ginagawa ni Miguel na kalokohan.
“Ate!” Napitlag ako sa malakas na sigaw na ‘yon. Si Lota lang pala.
“Lutang yern?” tanong pa niya.
“Ano?” nagtataka na tanong ko. Tumawa pa siya na iling.
“Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka dyan grabe ang deep naman ng iniisip mo!” nang aasar pa ang bruha.
“Ako tigilan mo baka sabunutan kita!” banta ko sa kanya.
Tinuon ko ang atensyon ko sa panonood ng palabas sa TV. I’m trying to convince myself maybe later— mag update naman siya later.
Tiwala lang Cheska, tiwala lang. Mahal ka naman ni Miguel kaya dapat magtiwala ako sa kanya.
Mas naloka ako sa pinanood namin ni Lota. Nahuli ng tunay na asawa na may kabit ang lalaki.
Kaya nga ako nanonood kasi gusto kong mawala sa isip ko ang mga negatibo na iniisip ko.
“Ano ba kasi ang lalaki na ‘yan!” inis na sabi ko.
“Kaya ayoko mag boyfriend.” sabi ni Lota. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.
“Anong boyfriend, boyfriend?” pagalit kong tanong. “Ke bata bata mo pa!”
Kaya sabi ko kay mama na wag nila isama si Lota sa panonood ng mga ganitong klaseng drama ang bata niya para sa mga ganito.
“Sinabi ko na ngayon na ako mag boyfriend?” maldita na tanong niya.
Alam na mas maging mahigpit ang mama pagdating ka Lota dahil sa nangyari sa akin. Pag laki naman ni Lota mas magiging wise sya kesa sa akin.
Ang ingay na naming dalawa dahil sa napanood na palabas.
“Ay tanga!” sigaw ko.
“Lumingon ka.” sabi ni Lota.
Mamaya talaga baba na ‘yan si mama para pagalitan kami dahil sa ingay namin manood eh natutulog na sila ni papa kasi maaga ang pasok ng papa sa umaga.
Hindi nga ako magka mali sa sinabi ko bumaba nga ang mama.
“Ang ingay n’yo manood alam ninyo na maaga pa ang pasok ng tatay n’yo!” saway sa amin ni mama.
Wala ni isa sa amin ni Lota ang nagtangka na sumagot pa kay mama tahimik lang kami.
“Manood lang kayo pero wag maingay!” pahabol pa niya bago umakyat at bumalik sa kwarto nila.
“Ikaw kasi ate!” paninisi pa niya.
“Hindi ako ikaw.” balik sisi ko sa kanya.
Bumalik na lang kami sa pinanood namin dahil baka mag abangan na hindi pa makita kung anong mga susunod na tagpo.
Pinilit namin na tahimik na lang sa panonood dahil baka biglang bumaba ulit si mama at sapilitan kaming patulugin ni Lota.
“Ate luto tayo popcorn.” aya niya sa akin.
“Sige mamaya pagkatapos nito, luto tayo.” sang ayon ko.
After mag abangan ay nag luto kami ni Lota ng popcorn, nag-aya siya ng movie marathon dahil wala siyang pasom bukas ay hasler na ang kapatid ko sa puyatan kaya go agad eto ang mga gusto niya mag puyat tapos manood ng movie.
Nakapag luto na kami ng mga food para sa aming movie marathon s***h food trip. Pumili kami ng mga movie na panonoorin namin. Nakapili na nag start na kami manood. Comedy ang una naming pinanood. Kaya tawa kami ng tawa pero may moral lesson siya sa huli. Ang galing lang.
Ilang movie pa ang natapos nakita kong tulog na si Lota. Kala mo bagsak na rin pala.
Hiniga ko muna ng maayos si Lota then I continue watching. Ayoko umakyat sa kwarto dahil mag-isip lang ako ng mga negative thought.
Mas okay na manood na lang. Hindi pa rin naman ako inaantok.
Kind of boring ang movie at first pero ang interesting ay nasa bandang dulo. Maganda siya.
Tapos na ang movie tatawagin ko na sama si Papa para paakyat si Lota sa kwarto nila.
Nilinis ko ang mga gamit namin at pinatay ang TV.
Kahit ayaw ko pa umakyat wala na kailangan ko na mahiga kasi masakit na ang balakang at binti ko. Ang bigat ng katawan ko sobra.
Naka ilang baling na ako pakanan- kaliwa hindi ko pa rin makuha ang pwesto ng tulog ko pero hindi ko makuha ang tamang pwesto ng tulog.
Something is bothering me. Alam ko kung ano ‘yon.
Anong oras na pero gising na gising pa rin ang diwa ko.