“Tang*na!” sabi ko ng madiin tsaka binuksan ang mga mata ko at umupo.
Dahil kahit na nakapikit ang mga mata ko pero gising na gising ang diwa ko masyadong gumugulo sa isip ko ang ganap ni Miguel. Sa pagpunta sa birthday ng tropa niya hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano-anong ganap doon.
Masyado talaga akong nag-iisip sa kung ano ang ginagawa niya ngayon. Dahil huling check ko wala pa rin reply sa message ko. Natatakot ako na maulit ang ginawa niyang pambabae na nahuli ko.
Hindi ako mapakali kasi naman nakababaliw ang mga kaganapan. I tried to contact Miguel but no response. Busy sa inom ‘yon malamang.
Maraming what if ang nasa isip ko. Naiiyak na ako dahil sa negative thoughts na pumapasok sa sistema ko. Baka ano may iba na naman siyang ginagawa lalo na sa set up namin na ganito kaya mas lalo akong nag-isip ng negative.
Bawal sa buntis ang puyat pero ngayon nandito ako gising na gising at naghihintay ng update ng lalaking ‘yon.
Wala ng balak na mag-update sa akin at hahayaan na lang niya akong mag-isip na parang tanga na naman ako na isip at hilong talilong dito.
Binigyan niya ako ng dahilan para mag overthink na may ibang nangyayari sa birthday celebration ng friend niya gusto ko na sumugod at sunduin siya pero hindi ko alam kung saan ang eksaktong lugar at sino sa mga tropa niya na kunsintidor ang pupuntahan. Mali rin pala ako na dapat alam ko kung saang lugar hindi ako mukhang gaga na nag overthink dito na panay ang lakad dito sa loob ng kwarto ko at tanong ng tanong sa sarili. Hindi ko nga masagot mismo ang sarili kong tanong.
I need to sleep.
Bumalik ako sa bed at sinubukan na matulog na kahit na punong puno ng kung ano-anong ganap ang isipan ko.
Makumbinsi ang sarili na maayos lang ang lahat na walang problema na nagaganap.
“Ayos lang ang lahat Cheska.” kumbinsi ko sa sarili ko habang sinusubukan na makatulog na kasi late na masyado bawal sa buntis ang magpuyat at mag overthink. Inaalala ko na baka maging mukhang pinaglihi sa sama ng loob ang anak ko pag labas.
Jusko gusto ko ayos ang itsura syempre sana nga ng kamukha ni Miguel.
Bilang ako ng tupa para makapag sleep na.
Hirap gumawa ng sleep nag-iisip ng mga negative.
–
Nagising ako sa malakas na sunod-sunod na mga katok sa pinto ng kwarto ko. Napabangon ako dahil sa lakas nun. Hinihintay ko na tumigil ‘yon pero tuloy lang sa mga lakas na kalabog.
Lumakad ako papunta sa pinto para buksan at tingnan kung sino ang nandoon.
Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa akin si lota na naka pamewang siya at nakakunot-noo ang bruha.
“Ate!” bungad niya sa akin. “Ang tagal mo naman kasi.” reklamo niya pa.
“Bakit?’ inaantok pang tanong ko sa kanya.
Late na ako natutulog kasi sa overthinking sa kung anong ginagawa niya. Buong oras na gising ako naghihintay ako ng update from him.
“Kanina ka pa kumakatok si mama sayo pero tulog na tulog ka pa,” sagot niya sa akin. “Sinabi na sayo na bawal kang magpuyat diba?” tanong pa ni Lota sa akin.
Hindi ko alam kung siya ba talaga ang nakababata ko na kapatid kasi sa paraan ng pagsasalita niya ay hindi na siya ‘yon akala mo ay mas matanda na sa akin kung mag isip at magsalita. Mas galit pa kaysa kay mama.
Matured na masyado ang batang ito.
“Sorry na po ate.” sagot ko sa kanya.
Matalim na tingin ang binigay niya sa akin dahil sa sinabi ko na iyon.
“Bakit pala ako tinatawag ni mama?” tanong ko. “Masyado namang maaga ang pag tawag na ‘yon.” sinundan ko ng reklamo.
Kunot-noo ang tingin na binigay niya sa akin.
“Ate anong maaga pa?” nagtataka na sa niya.
Alas syete pa lang ng umaga diba? tanong ko sa aking isip.
“Seven o’clock pa lang diba?” tanong ko sa kanya.
Mas nalukot pa ang mukha niya sa tanong ko.
“Ate eleven o’clock in the morning na kaya anong seven sinasabi mo.”
What eleven na ganun ako ka late nagising? Grabe naman ang haba ng tulog ko. Hindi pa ako naniniwala kay Lota kaya hinanap ko ang phone ko para icheck kung totoo ba ang sinasabi ni Lota. She’s right past eleven na nga.
Inaantok pa ako at pakiramdam mo ay kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ko na malayan kung anong oras ako nakatulog ng maayos.
Overtaking ako malala kagabi. Good thing nakatulog ako at hindi ako naiyak sa kakaisip ng kung ano ba ang ginagawa na ni Miguel.
Naghihintay ako na baka na late lang ng update kaya ganun pero wala talaga.
“Kumain ka na at baka gutom na ang baby.” utos ni Lota.
“Sige baba na ako.” sagot ko.
Tumalikod na siya para bumaba at bumalik sa kusina. Sasabihin na niya kay mama na susunod ako sa kanya para kumain ng tanghalian.
Dala ko ang phone ko pababa sa kusina. Nag check ako ng messages ko baka may reply na si Miguel sa mga chat ko at tawag ko explaining his side. Nainis ako ng makita ko na wala kahit isa lang na message mula sa kanya. Mas kinabahan ako at takot sa mga nangyayari ngayon.
Mas nakakabaliw ngayon na mag-isip dahil hindi na lang ang sarili ko ang kailangan kong intindihin.
Hirap isipin lalo pa’y wala akong sagot na makuha.
“Ayan ano puyat ka na naman?” bungad na tanong ni mama ng makapasok ako sa loob ng kusina.
Tumingin lang ako sa kanya alam na niya agad ang sagot sa tanong niyang ‘yon.
Nailing na lang siya. “Maupo kana at kakain na.” utos ng mama sa akin.
Sumunod na ako agad baka kasi maisip niya pa na magtanong ulit at wala na akong sagot pa.
“Bilin sayo ni Doktora na hindi ka pwede ba magpuyat makakasama sa bata, ingatan mo ang sarili mo Cheska.” bilin niya sa akin.
“Opo mama.” tanging sagot ko sa kanya.
Maayos na kami ni mama at bumalik na sa dati ang relasyon namin. Unti-unti na nilang matanggap ang pagkakaroon ko ng anak.
Masaya naman ako dahil okay na kami ulit. Eto na rin ang simula na matanggap na rin nila si Miguel para sa akin.
Pumayag na sila na mag sama kami biglang isang pamilya pag lumabas na ang anak namin.
“Kumain ka ng kumain kasi late na dapat lunch na pero breakfast pa lang yang kain mo.”
Lagi na kasing monitor ang mga pagkain ko at oras. Dapat healthy na mas maging mahigpit daw pag malapit na ang paglabas kasi baka mahirapan akong ilabas pag sobra ang laki ng bata pa nilabas ko. Mas mabuti na raw na ilabas ko muna bago ko siya patabain.
No more cheat day kasi baka makasama pa sa akin at sa baby pag nasobrahan sa kung anong pagkain.
“Bukas makalawa lalabas na ‘yan kaya mag-ingat ka lagi hindi na lang ang sarili mo ang dapat mong alagaan.” paalala ng mama.
Napangiti na lang ako she always remind me– alagaan ang sarili ko.
“Mama pasyal naman tayo sa SM,” aya ni Lota. Tiningnan lang siya ng mama. “Sige na matagal na rin ang huli nating labas.” she trying to convince mama.
Pero tama na naman ang tagal na nga na nakapag SM na kami ang magkakasama.
“Damot naman SM lang.” sabi pa ni Lota.
Pipilitin niya ‘yan hanggang sa pumayag si mama at umalis kami. Tingnan natin kung madaan mo si mama sa pangungulit.
“Kung ano-ano na naman ang ituturo mo at magpapabili sa akin dapat ang papa mo ang ayain mo dahil ‘yon ang mas kaya mong utuin.” sagot ni mama kaya Lota.
Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ni mama. Binigyan pa siya ng idea.
Matapos na ang breakfast s***h lunch ko. Nanood kami ni Lota ng TV.
Inaasar ko kasi siya last na movie marathon namin tinulungan niya lang ako.
“Antok na ako eh.” depensa niya.
“Lakas mo pa mag-aya tutulog ka rin naman pala.” bubuyuhin ko siya hanggang sa mapikon siya sa akin ang gagawin lang niya magsumbong kay mama o iiyak lang siya.
“Pagod ako nun.”
Pilit niya na nilulusot ang katwiran niya.
“Okay sabi mo.” sabi ko na lang para tigilan na siya.
Tahimik na akong nanonood ng TV.
“Dapat nag luto tayo ng popcorn.” sabi ni Lota.
“Umay sa popcorn.” sagot ko.
Sawa na ako panay popcorn na lang ang niluluto namin pag mag movie matic popcorn ang food trip.
Nag-isip ako ng iba bawal naman ako ng kung ano-ano chicha.
Lumipas ang maghapon na wala pa rin paramdam si Miguel sa akin pero nakapag online pa siya pero no reply from him.
Napapaisip ako na ano kaya ng ginagawa niya?
Pumasok kaya siya? Hindi niya alam na naghihintay ako ng update mula sa kanya. Sabi niya hindi na niya ako hahayaan na mag overthink ulit pero bakit nasa ganito na naman akong sitwasyon.
Kada matutulog na lang ba ako kailangan ko muna mag overthink ng malala bago matulog.
Makakatulog ako ng dahil sa sama ng loob na pinaparamdam sa akin ni Miguel. Hindi ba ako matter sa kanya?
Naulit ang pakiramdam na nasasaktan ako sa pambabalewala niya.
Sabi pa ni Doktora dapat daw happy ako kasi nararamdaman daw ng baby ko pag malungkot ako.