I Dumaan pa ang isang maghapon nalulungkot ako— tinatanong ang sarili na worth it ba ako? Anong mali sa akin at nararamdaman ko ang pambabaliwa ng taong mahalaga para sa akin. Ang dali para sa kanya. Sad gorl na naman ako!
Masakit kung iisipin lalo pa’t ngayon na nararamdaman ko na.
Nag message na siya sa akin pero yung tipo na nagmamadali lang. Walang laman na reply mula sa kaniya. Ganito rin ang naramdaman ko ng may ibang babae pala siyang kina kausap— nahuli ko na may kahalikan.
Ayokong isipin na mauulit na naman kasi hindi lang doble ang sakit sa aking dibdib. Triple na ito. Buo ako pero siya mismo ang dumudurog sa akin. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko pa siya mamahalin? Naiyak lang ako ng mabasa ko ang message niya. Hindi ko naabutan na naka online ilang minutes pa lang wala na nag out na siya.
Ang sabi may pasok raw siya kaya hindi niya ako ma-reply-an. Mas mahalaga talaga para sa kanya ang mga kaibigan niya. Na puntahan pa niya samantalang ako hindi niya ako magawang silipin kung humihinga pa at buhay pa. Pero wala ganun siya. Mahirap mag mahal ng ganito na ang negative na ng naiisip ko na laging may mali.
Routine ko ang ang mag overthink araw-araw. Everyday may natatanggap din ako sama ng loob ang dami ko na naipon.
Ayoko na mag kwento sa iba dahil ayoko na siraan si Miguel tsaka nasasaktan ako pag naiisip ko na masasaktan at may masasabi sa kanya ang iba. Alam ko na magbabago siya ay mas pipiliin na niya ako gaya ng ginagawa kong pag pili sa kanya sa araw-araw.
Gumawa ako ng mga bagay na makapag papabaling ng atensyon ko dahil hindi ako pwede sa stress. Nag spotting ako nakaraan takot na takot ako. Nag search ako ng cause nun nalaman ko na number one ang stress natatakot ako na baka makaapekto pa sa bata.
“Umakyat na kayo at matulog.” utos ng mama sa amin ni Lota.
Nagkatinginan kaming dalawa.
“Maya konti ma.” sagot niya kay mama.
Nailing lang si mama sa sinabi ni Lota.
“Sige siguraduhin niyo lang na maaga kayong akyat puyat na naman kayo at ikaw Cheska tigilan mo ang puyat na yan makakasama sa bata yang ginagawa mo.” baling niya sa akin. Bandang huli ako ang naging target ng sermon niya.
Gustong gusto kong tumakbo, magsabi kay mama magsumbong na sobra na akong nasasaktan. Do I deserve this? Iiyak ang lahat ng sama ng loob na naipon sa aking dibdib dahil kay Miguel.
I don’t ask too much from him— still hindi niya pa rin maibigay ang tamang pagtrato sa akin.
“Maya maya po mama akyat na kami.” sabi ko— to cut her off.
Akala ko mag sasalita pa siya pero tumalikod na siya at lumakad paakyat sa taas.
“Ang ganda pa naman ng movie tapos papatulugin na tayo.” reklamo ni Lota. Maganda kasi talaga ang movie— we both enjoy it.
“Pa start pa lang ang movie papatulugin na tayo,” sagot ko sa kanya. “Hayaan mo na matutulog na rin si mama for sure makakalimutan na niya tayo na nandito.”
Pagod rin si mama kaya makakatulog na siya ang marami rin kasi siyang nilaban kanina mula kasi ng mag-four months ang tiyan ko ay hindi na niya ako hinayaan na maglaba kasi naiipit na baka raw ang ilong ay maipit biro pa ni mama ‘yon,
Excited na ang buong pamilya na makita ang baby ko. Ako rin sobrang gusto ko na siya makita ang mahawakan pero may takot pa rin sa akin na baka hindi ko kayang maging ina sa kanya.
I know I’m not ready and capable of having a baby. Napakalaking responsibilidad ang maging ina dahil ako mismo ang huhulma sa kanya upang maging mabuti at mabait na bata.
Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko na mapalaki siyang mabuting bata. Alam kong tutulungan ako at tuturuan ako ni mama na gagabayan niya pa rin ako sa kung paano ko mapapalaki ang baby ko.
Natatakot ako na baka mag fail ako as a mother kasi failure na nga ako as a daughter. Pero hindi ko pinagsisihan na magkaroon ng baby dahil alam kong malaki ang magiging parte niya sa buhay ko at napaka laking pagbabago ang mangyari sa buhay ko.
Top priority ko ay ang anak ko higit pa sa sarili ko. Unti-unti ko ng nararamdaman ang baby ko. Napaka galing dahil kung iisipin pa lang na may bata na nabubuo sa loob ng katawan ko.
Madalas ko na nararamdaman ang pag galaw niya na parang pumipitik siya. May buhay na bata sa loob ko. Masaya ako sa tuwing naramdaman ko na may kasama na ako.
“Ate ang laki na ng tummy mo.” si Lota na hinihimas ang ibabaw ng tiyan ko.
“Hala ate bakit ganun pumipitik siya!” she looks amaze.
Na ngiti lang ako sa kanya. “Ang galing naman niyan ate!”
“Nako syempre buhay siya ikaw nga gumagalaw kaya syempre pati siya nagalaw.” sabi ko sa kanya.
Hinimas himas pa niya ang tiyan ko habang nanonood kami ng palabas.
“Ano kaya yang anak mo ate?” tanong niya sa akin.
“Tao malamang,” tumatawa na sagot ko kay Lota.
Baliw din siya magtanong. “Ate!” reklamo niya.
“I mean anong gender?” tanong niya ulit.
Kahit ako ay excited na malaman kung anong gender niya.
“Hindi ko pa alam kaso four months pa lang siya hindi pa pwede makita kung anong gender ng baby ko.” paliwanag ko sa kanya.
“Ay bakit bawal pa?” tanong pa ulit niya.
“Kasi wala pa siyang seven months tsaka hindi pa siya fully develop.” I explain to her.
Halatang gulong gulo siya sa mga pinagsasabi kong ‘yon.
“Basta pag nag seven months na siya pwede na nating malaman ang gender niya.” dagdag kong sabi.
Kunot ang noo niya.
“Ay ang tagal pa three months pa bago malaman.” nakasimangot niyang sabi.
“Excited mo girl.” puna ko.
“Sana girl ate para may kalaro ako.” sabi ni Lota.
“Pag babae madadagdagan ang maldita sa bahay.” umiiling na sabi ko.
Oo naisip ko ‘yon kung babae siya magkakaroon ng bagong member ant maldita club hindi pwedeng o imposible na hindi siya maldita.
“Hala kayo lang naman ni mama ang maldita.” tanggi niya.
“Sumbong kita ah!” pananakot ko sa kanya.
“Hala totoo naman nagsasabi ako ng totoo,” depensa niya agad na nagbago ang itsura niya dahil sa sinabi ko na magsusumbong ako kay mama. “Tsaka maldita ka rin kaya.”
Akala ko ay tatanggi niya pa sumang ayon din naman siya dahil alam niya sa sarili niyang siya ang spoiled maldita sa bahay namin.
“Mana lang kay mama.” sagot niya.
Pinalitan ko siya ng mata. “Susumbong na talaga kita kay mama ah!” pananakot ko sa kanya.
She rolled her eyes.
Bumalik na ako sa panonood ng TV masyado akong nalilibang kay Lota. Ang daldal kasi niya ih.
Minsan nakakatuwa minsan hindi na kasi naman diba. Pero alam ko na mag magured rin naman siya tulad ko. Dati naman worst rin ang ugali ko at nang away ako ng ibang bata kaya madalas na may kinakausap na ibang nanay si mama para aregluhin ang gulo na ginawa ko pero syempre habang nagkaroon ako ng isip ay naging maayos na ang attitude ko naging mas understanding ako sa mga bagay bagay.
“Hala tapos na.” gulat na sabi ni Lota.
Pinatay na namin ang TV at inayos ang kalat namin sa sala.
“Wow naman tumagal sa puyatan ang maldita.” pang aasar ko sa kanya.
“Luh ako lang to ate.” mayabang na sagot niya.
Siya ang nag hugas ng nga baso dahil konti lang naman kaya siya na raw sabi ko nga na ako na lang kasi maglalaro lang siya ng bula matiluk siya kaya hinayaan ko na at mag-away lang kami pag pinigilan ko siya.
Bahala na siya sa kung anong gusto niyang gawin. Habang naghihintay ako nag hahanap ako ng pwedeng kainin ang tagal niya kasi ang bagal ng pag kilos niya. Sabi na naglalaro pa siya ng bula.
“Iw ka Lota pag nalaman ng crush mo na naglalaro ka turn off ‘yon.” pang inis ko sa kanya.
“Tahimik ka dyan ate nag concentrate ako sa paghuhugas.” saway niya sa akin.
Tawang tawa ako kasi naman ang konti lang ng hinuhugasan niya may nalalaman pang concentrate.
Baliw na bata.
“Gutom ka ba?” tanong ko. “Baka naman nahanginan ang utak mo at nagka ganyan ka?” kunwari na nagtataka na tanong ko sa kanya.
“Ingay mo ate!” puna niya sa akin.
Parang tanga ang batang ito.
After hundred years natapos na rin siya sa pag lalaro ng bula este sa pag hugas ng plato at baso.
“Punasan mo na ang kamay mo.” utos ko sa kanya.
Paano winiwisik niya pa sa lapag.
“Hoy gaga ka wag mong iwisik.” pigil ko sa ginawa niyang ‘yon.
Kamot na lang ako sa sariling ulo dahil sa makulit na ito. Sumunod na siya nag punas ng kamay niya.
Lalakad na siya paalis ng kusina.
“Hoy mag toothbrush ka!” utos ko sa kanya.
Ang tamad niyang mag toothbrush kaya pinapagalitan siya ni mama.
Nakasimangot siyang bumalik.
“Galit yern?” tanong ko.
She just rolled her eyes. Ayaw niya talaga ang pinapagawa sa kanya.
Kahit anong pananakot namin sa kanya na mabubungal siya pag hindi niya inaalagaan ang ngipin niya pero ganun pa rin ayaw talaga makinig sa mga sinisabi namin. Daig pa kasi lalaki sa pag naglalaro sa labas pag pasok sa loob ng bahay ng dumi niya tamad rin siyang maligo.
Ewan ko ba kung saan nag mana. Yan ang laging sinasabi ng mama sa kanya.
Tapos na siyang mag toothbrush ay siya naman ang umupo sa pwesto ko dahil ako rin ay mag toothbrush at mag hihilamos ng mukha bago umakyat.
“Dahan dahan ka lang sa pag-akyat ng kama mapapagalitan tayo pag nagising sila.” paalala ko kay Lota.
Pinatay ko na ang mga ilaw sa kusina at sala. Nag flashlight na lang kami gamit ang cellphone. Madilim na ang buong bahay.
Maging sa pag-akyat sa hagdanan ay dahan dahan din kami.
“Pag nagising mag kunwari kang nagising dahil naiihi ka ha.” kailangan ko siyang paalalahanan kasi mapapagalitan kami.
“Alam ko na ‘yon duh magaling kaya akong umarte.” mayabang na sabi niya sa akin.
“Okay fine I’m just reminding you.” sabi ko.
Hiwalay na kami pumasok na ako sa kwarto ko at suya pumasok sa kwarto nila mama.
Binuksan ko agad ang ilaw sa loob bumungad sa akin ang mga baby things na nakakalat sa ibabaw ng bed.
Ayan ang mga pinamili namin mga lampin. Mga white color lang muna kasi hindi pa alam ang gender. Pati na rin ang ibang kailangan ng baby tulad ng alcohol, bulak, baby wipes, mga pamahid na oils na ginagamit pag masakit ang tiyan hindi ko alam ang iba kasi first time mom ako kaya nakikinig ako para alam ko na sa susunod.
Tinamad kasi akong ayusin ito kanina ng umuwi kami galing sa pamimili. Masakit pa ang paa ko at balakang ko.
Mabigat na kasi ang katawan ko. Mabilis na mangalay ang mga paa at binti ko. Panay pa ang ikot namin. Naiinis pa si mama dahil ang bagal ko mag lakad.
“Ano ba ‘yan magliligpit pa ako!” reklamo ko.
Wala akong choice ako lang ang gagawa nito para ayusin. Bumili na rin pala kami ng mga empty containers na lalagyan ng mga baby things ng baby ko.
Ang sabi ng mama ko pwede naman bumili ng damit pag alam na ang gender. Na madali na lang.
Thankful nga ako dahil pera pa nila ang mga pinambili ng mga gamit ni baby.
Gulat pa ako na inaya ako ni mama. Na tuloy ang pag SM na gusto ni Lota. Nakikipili nga rin siya.
Masaya parang bonding na rin naming tatlo.