CHAPTER 55

2152 Words
Grabe ang refreshing lang dahil sa eight hours of sleep na nagawa ko. Bawi lahat ng puyat ko at pagod. Kahit na twelve o’clock na ako natulog kagabi dahil sa nanood kami ni Lota then inayos ko lahat ng mga baby things na binili namin. Bumaba agad ako sa kusina para mag breakfast ang ganda ng mood ko kasi nga maayos ang tulog ko. “Good morning people!” bungad na pagbati ko pagpasok sa loob ng kusina. “Good morning panget.” tugon ni Lota sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Good mood ako kaya walang nakakasira nun. Just don’t touch me. “Umupo ka na at ng makakain na tayo.” utos ng mama. Bago ako maupo naghugas muna ako ng kamay tsaka bumalik sa table at umupo na sa tabi ni Lota. Nag-umpisa na ang pagkain. Napansin ko na tinitingnan kami ng mama pero kunwari hindi ko nahalata ‘yon. Nag palipat lipat ang mga tingin niya sa amin ni Lota. parang alam ko na kung bakit pero hindi ako nag react muna kasi masyadong halatang guilty. Alam kong tatanungin niya kami sa kung anong oras na kami natulog kagabi. Pasimple kong tiningnan si Lota na sakto ay ganun din ang ginagawa. Naalala ko na sabi ko na sa kanya ang isasagot kay mama pag nagtanong ito kung anong oras kami na tulog. Agad ko rin na binawi ang simpleng tingin kay Lota dahil baka mapansin pa ‘yon ng mama at hindi pa maniwala sa sagot namin. “Kayong dalawa,” umpisa ni mama nahihimigan ko na nag warning tone niya. Hindi ako agad tumingin baka mahalata na guilty ako dalawa pa kaming malilintikan pag ganun.may lahing FBI si mama kaya delikado kami. Mahabang sermon ang magaganap pag hindi maayos ang sagot namin sa mga tanong na ibabato niya. Safe lang dapat ang mga salita na gagamitin. Alam na ni Lota ang gagawin at isasagot niya. “Anong oras na kayo natulog?” tanong ni mama. Dun pa lang ako nag taas ng tingin sa kanya. “Pag-akyat mo ma sumunod na ako iniwan ko na si Ate kasi nagliligpit pa siya ng mga kalat namin bago siya sumunod at umakyat.” sagot ni Lota. Galing sumagot alam na alam niya na hindi ko na kailangan pang mag salita kasi siya mismo— convincing na ang mga sagot. Tinatanong pa ako ng papa kung saan ko balak na manganak. Malayo pa naman pero naisip ko na sa clinic na lang ni Doktora Mindoza kasi may record na ako roon at mas madali na lang pero hindi pa naman sigurado kasi nga syempre ilang bwan pa naman ang hihintayin namin bago magkabwanan ng tiyan ko. Halos ang magulang ko na ang gumagastos sa akin hindi pa kasi ulit nagbigay si Miguel ng pera sa akin kahit na ang dahilan niya lagi ay ang trabaho raw niya. Ayoko rin naman na manghingi sa kanya kahit na dapat ay obligasyon niya na ako kasi magkakaroon na kami ng anak. Tama ang sinabi sa akin ng mama ni Osang na hindi kayang tiisin ng magulang ang anak lalo pa’t nakikita nila na nahihirapan na. Lagi kong pang sinasabi na ang favorite sa amin ay si Lota syempre bunso siya. Mali ako ‘yon ang sabi ni Osang pangay daw ang tunay na favorite kasi ‘yon ang ang una sa lahat kung iisipin tama naman talaga ang panagany ang una. Una na rin na nagkamali sa buhay pero hindi mali ang magkaroon ng anak dahil isa ‘yong blessing na natatanggap ng dalawang taong nagmamahalan. “Mamaya aalis kami ng papa mo,” pag paalam ni mama sa akin. Kunot-noo akong tumingin sa kanya. “Saan kayo pupunta?” tanong ko. “Tsaka may pasok siya diba?” segunda ko agad na tanong. “Walang pasok ang papa mo may aasikasuhin lang kami kaya bantayan mo si Lota at wag mong palabasin baka mangaway na naman siya alam mo at kilala mo ang kapatid mo.” paalala at bilin ng mama. Ang tanong ko kung saan pupunta hindi ko naman tinanong kung ano ang gagawin nila. Hinayaan ko na lang sasabihin niya ‘yan pag-uwi na nila. “Pasalubong mama!” bilin ni Lota kay mama. Nandoon pa lang siya nakikinig sa usapan namin ng mama. “Ayan ha narinig mo ang sinabi bawal ka raw lumabas kasi baka raw mangaway ka bigla.” natatawa pa ako sa last part para maasar siya sa akin. “Hala hindi naman ako war freak.” depensa niya. “Taray oh!” puna ko sa kanya. “Spell mo nga?” hamon ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama. “Tigilan niyo ‘yan baka kayo pa ang mag-away.” pag- awat ng mama sa amin. “Ang kontrabida mo kasi!” naiinis na siya. “Sumbong kaya kita?” tanong ko sa kanya. Magsasalita pa sana si Lota para inisin ako kaso wala na nag warning na si mama. Umakyat na muna ako sa kwarto para kunin ang phone ko baka may chat na about sa graduation namin. Excited na ako sobra dahil nagbunga na ang pinaghirapan ko ng ilang taon— finally isusuot ko na ang itim na toga. Another chapter with my baby. Journey being a first time mom. Nanatili ako sa loob ng kwarto ko mamaya pa ang alis nila mama kaya dito muna ako tambay tatawagin naman nila ako pag paalis na sila. Nagbasa na lang ako ng emails kaya lumipat ako sa laptop para mas malaki ang screen at mas malinaw. Sagot ng mga company na send-an ko ng resume ko kasi plano ko mag work after graduation but as of now naiba ang plano kasi pagkapanganak ko na lang ako tsaka mag work ayoko na iwanan ang baby—- one year old ng baby ko tsaka na siguro ako mag trabaho. Sayang kasi meron akong isang company na final interview na lang mag start na ako agad pero dahil nga sa pregnant ako hindi na muna ako tutuloy sana pag pwede na ako ay available pa rin ang posisyon na binigay nila sa akin. Emails from other company na sinabi ng friends ko na mag try ako magpasa ng resume sumunod naman ako syempre. Magsawa ako sa pag scroll sa emails ko ay pinatay ko na ang laptop. Nag cellphone na lang scroll sa social media. Ngayon pa lang naisip na ako ng pwedeng naming gawin ni Lota pag-umalis sila mama. Dapat pala hindi ako nag expect lagi para naman may maabutan akong message from Miguel kaso nainis pa rin ako kasi update lang ‘yon kailan kaya titino ang message niya sa akin. Hindi man lang ako kinamusta? Ano ba ‘yan masyadong walang kwenta. Bumaba na ako sa kusina para kumain ng lunch kasabay pa namin sila mama. After lunch pa pala sila aalis. Nagmamadali na silang umalis kasi nga late na raw. Sa living room kami nag stay ni Lota. Pareho lang kami nag cellphone kasi nga ang pangit ng mga palabas at nakakaboring din naman. Panay ang tanong niya sa akin kung saan ang punta ni papa at mama. “Hindi mo ba narinig kanina?” tanong ko sa kanya. Nandoon siya ng sinagot ni mama ang mga tanong ko. “Konti lang narinig ko ang dulong part lang,” katwiran niya sa akin. “Psh! kulit mo hindi nga sinasabi kung saan ang sinagot ng kung ano ang gagawin nila.” sagot ko. Naisip ko lang ano ang kailangan nilang asikasuhin? Late na nila umalis kasi usually pag may mga papers or important matter na kailangan nila ay maaga ang alis nila. Bahala na sila matanda na sila alam na nila ang ginagawa nila. Buong araw ay nasa loob lang kami ng bahay ni Lota at kung ano-ano lang ang ginawa para malabanan lang ang matinding pagka boring. Na asar ko na rin siya ng na asar hanggang sa na paiyak ko na nga. Dumating ang six o'clock nagsasaing na ako kasi sigurado akong bibili na lang sila ng lutong ulam. Pagod na si mama kaya hindi na magluluto 'yon. "Sana manok ang ulam." sabi ni Lota na nag imagine siya. "Konti na lang magkakaroon ka na ng pakpak." nailing na sabi ko. Napaka hilig niya siya sa manok. Kaya niya ang buong buhay na manok lang ulam basta manok kahit anong luto pero syempre paborito niya ang prito. "Sana gulay." pang asar ko na sabi sa kanya. She hate veggies-- lahat ng bata dumaan doon. Younger years kasi masyadong picky eater. "Alam mo na ayaw ko 'yon!" reklamo niya. "Hindi mo alam nagsabi na ako na gulay ang bilhin." I inform her--- syempre pang asar lang. Patola rin kasi siya kaya masarap asarin. Dumating na sila mama may dala na silang ulam. Marami at iba-iba pareho kami ni Lota na walang tumama sa mga hula namin. Nalaman namin na pumunta silang handaan. Sabi namin ni Lota ay dapat sinama na lang nila kami di sana diba busog na rin kami at may take out pa na pwedeng pang bukas na pagkain. Maaga ang lahat na nagpahinga dahil sa pagod sila mama at si papa ay nakainom daw kaya umakyat na kasama na rin si Lota. - Morning. Nagising ako ng maaga ngayon six o'clock in the morning buhay na buhay na ang diwa ko. Not the usual na gising ko. Siguro kasi ang aga namin na tulog kagabi dahil nga sa pagod si mama at papa. Sumabay na rin kami ng oras ng tulog nila. Naupo ako sa kama. First thing first agad ko hinanap ang phone. Medyo antok pa ako pero keri lang pag naka pag browse ako ay mawawala rin ang antok ko. Malilibang din ako for sure. I check it baka may mga important matter na hindi ko na basa ng matulog ako kaya ngayon na lang. Waiting sa details ng graduation. Una kong binuksan ang text message sa phone ko dahil bihira lang akong magkaroon ng text message hindi naman kasi ako madalas na nag pa load at sino naman ang tatawagan ko diba si Miguel lang naman. Kinabahan ako bigla dahil sa laman ng message. Napahinto ako sa mga na basa ko. Tita ni Miguel asking me if okay pa kami at kung kami pa ba? Sa unang tanong pa lang ay parang may mali na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong meron at tinatanong ni Tita ang mga bagay na 'yon. I text her back asking why? Maraming iba't ibang sernayo at dahilan ang pumapasok sa aking isipan. Tanong sa kung ano ba ang nangyayari. She replied. May babae kasing kasama si Miguel na umuwi sa apartment niya. Natulala ako sa mga nabasa ko. Ulit ulit na nag eco sa isip ko ang bawat salita sa reply ni Tita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Umalis ako sa ibabaw ng kama. Nag madali akong hanapin ang wallet ko. Lumabas ng kwarto. I don't bother to ask my parents permission. All I want is go there. Sana hindi totoo ang nakita ni Tita pero hindi naman magtanong ‘yon kung hindi niya nakita ng dalawa niyang mata. Dahil ba sa hindi na kami pwede mag kita? Akala ko nagbago na siya. Mabuti na lang at tulog pa sila mama at tahimik pa ang buong kabahayan. Dali-dali akong lumabas ng bahay. “Sorry po mama.” sabi ko na lang. Lakad takbo ang ginagawa ko para lang marating ang kanto namin at makasakay ng tricycle. Magalit na kung magagalit sila sa akin ang mahalaga ngayon ay mapuntahan ko si Miguel. I call his cellphone number. Panay ang ring nito at hindi sinasagot. I try again and again. How many days he didn’t bother to talk and ask me what I’m doing. I’m trying to stay think positive na baka ano lang ‘yon pero kahit anong hanap ko ng dahilan kung bakit may babae sa apartment ni Miguel wala akong maisip. Kaya ba ilang araw na siyang hindi nagparamdam kasi may iba na siyang kinahuhumalingan na babae. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Ngayon na nga ay magkaroon na kami ng anak. Pakiramdam ko ang bagal ng takbo ng tricycle. I need to get there—- tanging laman ng isip ko ng mga oras na ‘yon. Handa ba ako sa mga maari kong makita sa pagdating ko roon? Anong sernaryo ba ang maabutan kong ginagawa nila. Hindi ko na ata kakayanin ang mga senaryo na iniisip ko. Sumakay na ako sa jeep. Habang naka upo ako ay hinihimas ko ang umbok tiyan. Tama ba ang gagawin ko na umalis na lang bigla. Iingatan ko at aalagaaan ang anak ko hindi ako gagawa ng bagay na maari siyang mapahamak. Gaga ako pero hindi ko paiiralin ang paging gaga ko dahil maaaring makasama sa bata ang gagawin ko. Ingat dapat at pag-isipan pero huli na dahil nandito na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD