CHAPTER 49

1564 Words
Weeks from now graduation na kaya sobrang saya namin ng mga classmates ko na kasi finally we finished our last year of being college student. Busy na ulit— meaning no more Miguel muna. Working na rin naman siya ulit at mas busy dahil madalas daw na laging may overtime kaya phone calls lang muna ang means of communication namin. Napag uusapan na rin namin ang mga plans namin after graduation. Kung saan kami mag work. Pero sa ngayon kailangan muna namin na tapusin ang OJT or on job training. Ilang oras lang din naman ‘yon. All complete naman na pero sa OJT na lang talaga. Na ipasa ko na rin ang mga paper works na tinatapos namin. Last ang presentation namin kaya tulad ng promise ng group mates ko na libre nila ako pagkatapos at maayos. Ayun hindi lang pasado kundi highest pa kaming group. Swerte raw ako sa group namin kasi buntis ako. Ewan ko ba sa kanila. Nag start na rin ako pero madalas akong pinapagalitan. Marami kasi akong nakalimutan o mali. Thankful na lang ako kasi magaling ang iba kong kasama at mabait na nag help sa akin. Not my intention naman na magkaroon ng mali lagi— pregnant brain. “Okay ka ba?” tanong ni Jean na isa sa mga regular employee na rito. Mabait siya sa akin— she always give a hand. Ngumiti ako sa kanya ng nahihiya. May hindi kasi ako ma-gets kaya hirap akong matapos. “May hindi ka ba gets?” tanong niya pa. Sa maikling panahon alam na niya agad pag may mga hindi ako gets. Dahan-dahan akong tumango. Ngiti lang ang sagot niya. “Sabi na kasi pag-alam mi mabilis mo lang na tapos.” sabi niya bago mas lumapit pa siya sa akin. Para tingnan ang ginagawa ko. Tahimik lang ako na naghihintay dahil ni-check niya pa ang gawa ko. Shocks palpak na naman ata ako! Nahihiya na ako sa kanila. “Oh! Pregy may nalimot ka na naman ano?” tanong nito. Isa lang naman ang tumawag sa akin na pregy kundi ang boyfriend ni Jean na si Lindon. I knew it already. Madalas siyang nandito pag si Jean ay nasa station ko para kulitin ito. May binigay siyang paper bag. Kaya kinuha ko naman agad. Lagi ‘yan kung hindi si Jean si Lindon ang nagbigay ng food. This time burger naman ang bigay niya. Napangiti ako dahil doon. “Thanks!” sabi ko. Masaya ako kasi may food na naman. “Babe mayang break labas tayo,” aya nito kay Jean. Malandi rin kasi si Lindon kay Jean. Sanay na ako kasi lagi akong saksi sa landian nila sa harap ko. Hindi sumagot si Jean kasi focus siya sa ginawa niyang pag check sa gawa ko. “Babe!” maktol niya na tawag kay Jean para mapunta ang atensyon sa kanya. “Shut up later Lindon!” saway pa ni Jean kay Lindon. Alam kasi niya na mapilit ang boyfriend niya pag hindi sinagot. “Ayun makulit ka kasi!” pang aasar ko sa kanya. Akala ko kasi hindi sila mag boyfriend— girlfriend paano ba naman madalas kasing snob si Jean kay Lindon. Opposite kasi ang ugali nila kung sino pa ang babae siya pa ang mas tahimik at kung sino ang lalaki siya pa ang sobrang daldal. “Sige na pregy aalis na ako at baka mainis ang babe ko hindi pa ako pansinin n’yan,” paalam niya sa akin. “Babe babalik na ako sa station ko wag mo ako mamiss please, I love you.” lumapit pa siya kay Jean at humalik sa pisngi. “I love you, layas na.” Umalis naman na si Lindon ng makahalik kay Jean. Weird ng relasyon nila pero ang cute rin kasi ganun na parang ano— ah basta ganun! “Sorry sa kay Lindon ah ganun talaga siya.” panghihingi niya ng paumanhin sa akin. “Ah nako wala iyon ang cute nga ninyo.” mabilis kong sagot. Na tawa lang siya. “May mga ilan ka lang nakalimutan na lagyan ng mga sign pero okay lahat pwede mo na ipasa ‘yan.” tukoy siya ginagawa ko. “Salamat.” sabi ko. Nagpaalam na si Jean na babalik na sa station niya. Makaalis siya tinabi ko na muna ang burger na bigay ni Lindon bago bumalik sa ginagawa ko. Save the file then I will send it to Ma'am Cristy but I make another copy for backups. Isa sa mga natutunan ko— always have backups. Tumayo ako at lumakad patungo sa office ni Ma’am Cristy. Mabagal ang lakad ko kasi doble na ang bigat ko dahil four months na ang baby bump ko. Medyo malaki na siya pero hindi naman sobra ang sabi sa akin maliit daw ako mabuntis kaya ganun. Paanong hindi ako maging mabigat lagi may food na bigay rito. After ko maibigay kay Ma’am Cristy umalis na ako bumalik sa station ko para naman basahin ang ilang papers. Dumaan ang break pero mas pinili ko mag stay roon dahil tamad akong maglakad. Mag jowa nga dumaan pa para ayain ako. Tumanggi lang ako para magkaroon sila— time alone together. Naghintay kasi rin ako ng tawag from Miguel kasi tatlong araw na kaming hindi nakakapag voice call pero nag message kami. Syempre mas gusto na maririnig ko ang boses niya. Sobrang miss ko siya kailangan mag tiis. Tapos na ang working time ko ngayong araw kaya umuwi na ako. Sinundo na ako ni papa sa place ng Ojt ko. Nagpa daan ako sa 7 eleven bibili ako siopao. Gusto ko sana ng corndog kaso wala naman dito. Naghanap na lang ako ng ibang food na gusto ng panlasa ko. Umakyat ako sa kwarto pag-uwi sa bahay dala ang mga binili ko sa 7 eleven. Marami akong binili dahil ang kapatid ko ay pumunta sa kwarto para humingin. Nakikipag kuwentuhan pa siya. Natulog na lang muna ako dahil maaga pa. - Nagising ako kinabukasan na. Ganun kahaba ang tulog ko. Kumain lang ako ng breakfast then naligo na kasi may pasok pa ako. Ang kuwento ni Lota ginigising niya raw ako kagabi kaso ang himbing ang pag tulog ko kaya hindi na niya tinuloy. Dadaan pa muna ako sa school ngayon kasi nga may kumunin ako kay Tep. Umaga lang siya free busy rin kasi siya sa OJT niya. Lahat ata kami. Tinawagan ko na siya. “Hello Tep nasaan ka?” tanong ko agad. Naghintay ako ng sagot mula sa kabilang linya. “Nandito na sa school.” sagot niya. “Okay wait mo ako paalis na ako.” sabi ko sa kanya. “Oo sige may usapan na tayo, ingat ka.” Nagpaalam na siya tsaka pinatay ang tawag. Umalis na kami ni papa papasok din kasi siya kaya need maaga ang alis. Hinanap ko agad si Tep para gawin ang pakay ko sa kanya. I need to get it— papasok pa ako sa OJT. “Ayan na pala si Pregy!” bati ni China. Lumakad na kasi ako palapit sa kanila. “Gosh ang laki ng baby bump mo.” bati ni Tep sa akin. Tumingin ako kay China. “Mas malaki ang baby bump nito.” sagot ko habang nakatingin kay China. Hindi niya rin alam na buntis na rin siya kaya pala ang food trip namin ay cavings na niya. Naglilihi na rin pala ang bruha. Naka bed rest si Jessa kasi malapit na siyang manganak pero kayanin naman na pumunta ng graduation namin. Kami na buntis parehas ng sitwasyon sa pamilya namin. Halos ma-depress si Jessa at China. Galit na galit daw kasi ang parents nila sa nangyari. Mabuti na nga ay kahit paano maayos na sila ngayon. Malaki na ang tummy nila diba wala na silang magagawa dahil blessing ang baby. Masyado lang na advance ang paggawa. “Ang dami na nating baby sa batch namin!” masayang komento ni Diana. “Mag baby kana rin.” biro ni Kalbo. Nagtatawanan kami dahil sa biro niya rito. “Paano naman?” tanong nito. “Gastig marami siyang boys kaya!” gatong ni China. Umpisa na naman ng asaran. “Pili ka ng maganda ang genes para naman maganda ang kalabasan ng baby,” payo ko sa kanya. “Tapos matangkad naman lahat ng boys mo diba?” tanong ko pa. “Grabe naman kasi sa akin!” react niya sa mga sinasabi namin. Aliw kami pag nag-aasaran. Buong oras na magkasama kami ay asaran at kwentuhan lang ang ginawa namin but time to go na. Lahat kami OJT na kaya naman. “Paano sunod na lang mauuna na ako.” paalam ni Diana. “Gaga bata ka pa at hindi pa nakagagawa ng bata!” biro ko. “Hoy! Cheska magtigil ka sa gawa ng bata.” saway niya. “Nako Cheska baka maisipan nga niya ‘yan.” pigil ni Tep sa akin. “Gawa ka na kasi masarap kaya!” dagdag pa ni China. Hindi makaalis si Diana. “Tama na aalis na ako.” paalam niya tsaka lumakad na paalis. Nagpaalam na rin kami isa-isa hanggang sa lahat na kami pumasok na sa OJT. Agad na sumalubong sa akin ang maraming gagawin at babasahin papers. Time to work kahit na ayoko kailangan na kasi tambak na naman pag pinabayaan. Bilin rin na need ang mga ito mamaya rin agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD