CHAPTER 48

1543 Words
Naisip ko pa rin hanggang ngayon kung maging maayos pa ba ang set up namin ni Miguel sa pamilya ko. Ang hirap na parang lagi na lang limitado sa oras maging sa galaw. OO pwede siyang pupunta sa bahay para bisitahin ako pero parang hindi sapat— I want all of his attention on ME. Madalas na nga siyang busy sa work. Ako ganun pa rin sinusubukan na maka survive sa mga school works— almost done na rin ang iba. This day is my monthly check up. Kasama ko si mama na magpunta rito. Until now hindi pa rin bumabalik ang pakikitungo niya sa akin still cold. Aminin ko man o hindi ang hirap ng ganito dahil si mama ang madalas kong kakampi sa lahat. “Mahal.” Nagtaas ako ng tingin. Napangiti agad ako ng nakita ko si Miguel na naglalakad palapit sa akin. I ask him— na sumama sa amin rito. Wala siyang work today kaya na samahan niya kami. Naawa nga ako sa kanya kasi nga hindi maganda ang pakikitungo ng pamilya ko sa kanya. Nahihiya at nasasaktan ako. I love him— but my family judge him. I was hoping na matanggap na kami. Nasa harapan ko na siya. Kinuha ko agad ang bottle water na binigay niya sa akin. Naupo na siya ulit sa tabi ko. “Thanks.” sabi ko sa kanya at ngumiti ulit. Alam kong nag titis lang din siya at nakikisama dahil nga pamilya ko ang pinag uusapan. Dama ko na ginagawa niya ito dahil gusto niya rin na maging maayos kami sa pamilya ko. Ang tanging gusto ko lang ay maging maayos ang lahat bago lumabas ang baby namin Miguel. I’m so bothered while looking at him. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Hindi na ako nakatiis. Tahimik siya madalas sa tuwing nandyan ang magulang ko na parang hirap siyang gumalaw o parang nailang. “Oo ayos lang ako.” sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Mahal ano kaya ang gender ng baby natin?” tanong niya pa. May following question pa sana ako kaso bigla niyang nag drop ng topic. Halatang umiiwas siya. Alam niyang hindi ako satisfy— sa sagot niya na ayos lang siya. Hinayaan ko na lang dahil alam kong ayaw na nga niyang pag usapan. “Gusto ko sana lalaki pero kahit ano ang bigay,” sagot ko. “Ikaw ba anong gusto mo?” “Babae syempre,” nakangisi na sabi niya. “Pero tama ka naman na kahit anong bigay kasi anak naman natin ‘yan tayo pa rin ang may gawa.” Natutuwa ako sa kanya. “Cute mo.” mapang asar kong sabi. “Hindi ako aso mahal. Aso lang ang cute,” depensa niya agad. “Gwapo ako.” I rolled my eyes to him— dahilan para tumawa siya. “Walang support mahal?” tanong niya. “Oo na nga po gwapo ka na.” sang ayon ko sa kanya. “Luh na pilit pa.” nailing na sabi niya. “Psh maraming arte naman!” reklamo ko. Kanina pa kami rito umaga pa. Maraming mga buntis na may check up rin. Tapos may nag lalabor na kanina malapit na lumabas. Schedule na pag labas ng baby. Natatakot akong manganak kasi mga nakikita kong nag lalabor ay hirap na hirap at ang sakit sakit. Mamaya pa kami sigurado. Ilang months na rin kaming nahihirapan ni Miguel sa pakikitungo nila sa amin. Mali ba ang magmahal? Siguro masyado lang naging mabilis ang phasing ng mga pangyayari sa relasyon namin. “Nagugutom ka na ba?” tanong niya. “Hindi pa naman.” Umiiling na sagot ko. Ayos sa akin na nandito siya may kinakausap ako. Hindi tulad sa mga nakaraan na check up wala dahil nga sa hindi naman kami okay ni mama. Sa cellphone lang ako nag aalis ng bored ko. Naalala ko na naman ang away namin ni mama. Na sagot ko kasi siya dahil nga sa hindi rin maganda ang sinabi niya tungkol kay Miguel na parang ang sama-sama nitong tao. Nasasaktan kasi ako sa tuwing may naririnig akong hindi magandang na sinasabi tungkol kay Miguel. Lahat ng tao may karapatan na magbago pero para sa kanila pag-nag-kamali ka ay hindi ka na pwede magbago. Isa sa mga pinaka ayaw kong mindset na umiiral sa pamilya ko. Anong magagawa ko isip nila ‘yon at panini wala— wala akong magagawa. After lunch na ako na check up ni Dra. Ayos naman ang baby healthy naman daw ako. Basta raw ituloy ko lang na ginagawa ko. Tuwang tuwa si Miguel dahil narinig siya rin ang heartbeat ng baby namin ang priceless ng reaction niya. I am taking care of myself— para safe at healthy si baby. Masaya ako sobra dahil may baby bump na ako. Halata na siya kaya pag papasok ako oversized ang suot kong damit. Pag graduation na namin ay mag suot ako ng fit para flex ko ang baby bump ko. Tahimik lang kami habang pauwi na sa bahay kasama pa rin namin si Miguel. When we got home— kumain muna kami. Hinayaan na kami ni mama dahil alam kong may mga gagawin pa siya sa loob ng bahay. “Ang sakit ng mga paa ko mahal,” reklamo ko. Naka upo na ako. Gusto ko sana na hawakan para masaage ko ang binti ko na ngalay sa lakad namin kanina. Ang hirap pag dumodoble ang bigat ng katawan kaya takot din ako na magpataba. Then Miguel suddenly got to my feet— he placed it up to his lap. Slowly massaging my feet to my legs. “Sweet mo naman po!” nakangiting sabi ko. “Kinikilig ka naman.” may angas na sagot niya. Aba talaga naman. “Mahal sa tingin mo sino ang kamukha ng baby natin?” tanong niya. “Sana ikaw.” maikling sagot ko. Lalo na ang kulay niya kasi ang puti niya. That’s my biggest insecurity. “Bakit ako lang dalawa tayo ang may gawa kaya dapat hati tayo.” Na tawa naman ako sa kanya. “Well sana makuha niya ang ilong at kulay mo.” sabi ko hanang tinitingnan siya ng mabuti. Tumingin siya sa akin at tumigil sa pag massage sa binti ko. Ngumiti siya at nagpa pogi sa harap ko. He tap his nose using his thumb then he bit his lips. Nailing na lang ako natatawa sa kanya. “Mayaban!” inis pang sabi ko. “Tuloy mo na ang trabaho mo.” utos ko sa kanya. Bumalik na ulit siya sa pag massage ng binti ko. “Iyan nga very good, harder please.” utos ko. Ginawa naman niya ang sinabi kong iyon. Tumingin siya sa akin. “Pero mahal gusto ko sana kamukha mo.” seryoso niyang sabi. Kunot-noo akong nakatingin sa kanya. “Ayoko ng kulay ko mahal— that’s my biggest insecurities.” pag-amin ko sa kanya. Totoo naman ‘yon kasi nga morena ang skin color ko since my childhood they always bully me talking about my skin color na parang may mali. “Okay naman skin color mo mahal, maganda naman kaya bagay sayo.” sabi niya. Bolero talaga siya kaya maraming babae ang nabobola. Nag stay siya hanggang hapon. Nag food trip pa nga kami kasi may craving na naman ako kaya ayun. Enjoy naman ako kasi buong araw ko siya kasama ang kaso need na niyang umalis kasi may pasok pa siya sa work niya. Medyo na lungkot ako kasi bakit hindi kami pwede magkasama sa isang bahay. Magkakaroon naman na kami ng baby. Sana sa susunod mas matagal pa kaming magkasama. Kanina nga kailangan niyang umalis ay natagalan siya kasi nga ayoko pa umuwi. Ang hirap naman. Na iyak pa ako. I don’t have choice. Umakyat ako sa kwarto at doon nag stay. May groupings kami thru video call kasi may need ata kaming gawin. Brainstorming. Kahit gusto ko na matulog na lang pero no choice kailangan kong mas mag effort kasi konti na lang naman kaya dapat todo na. Marami pa naman akong nakalimutan na important details. Pregnant brain. I keep my full attention sa group leader namin pero wala talaga na out of focus ako. Nag-isip ako ng pwedeng kainin. Nakaraan naman tinatanong ako tapos pagkain ang na sabi ko. Hiyang hiya ako sa kanila. About sa topic ang usapan tapos pagkain ang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Tinanong pa nga nila ako kung gutom ako. Imagining my food cravings. Because of that I gained weight. It’s natural buntis ako eh. “Ayun pagkain na naman nasa isip mo.” pang aasar ng assistant leader namin. “Huy sobra ka naman. Medyo lang.” sagot ko. Nagtatawanan naman sila lahat ng kasali sa video call. “After libre ka namin ng food basta ba wag kang magsabi o sumagot ng food sa Professor natin ah.” trying to convince me— na mas mag focus pa. Nakipag deal ako sayang naman kasi. Cravings over focus pero kaya ko naman siguro ‘yon. Natatawa ako sa sarili ko kahit ako duda. After the video call brainstorming nag dinner lang ako then na tulog na rin ako kasi nga pagod ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD