Nag-enjoy ako sobra sa sleepover namin kila Osang. Nag movie marathon lang sila pero ako kasi nakakatulog ako agad. Napaka antukin ko kasi– I just let them. Pero malala ang cravings ko. Kung ano-ano ang gusto kong kainin kaya ginugulo ko ang mga umiinom.
First night namin uminom agad sila. Iniinggit pa nga nila ako nagbilin kasi si mama na hindi ako pwede uminom. Kahit hindi naman sabihin ni mama dahil alam ko na bawal sa akin iyon baka kung ano pa ang mangyari sa baby ko. Ayoko mag take ng risk lalo pa na alam kong unti-unti na siyang nabubuo sa loob ko. Naramdaman ko na siya.
Kanina pa ako iniis ni Angel na may hawak na shot glass. Nahuli niya ang tingin ko nakangisi pa ng malapad. Alam kong kanina pa niya hinuhuli ang tingin ko para nga asarin.
“Gusto mo?” pang asar na tanong ni Angel. “Luh asa ka!” she rolled her eyes.
Wala nakatingin lang ako sa kanya ng walang emosyon sa mukha. Sampalin ko kaya siya. Hindi naman ako naiinggit kasi alam kong hindi pwede sa akin.
“Hoy! Wag mo na siyang inggitin pag naisip pa niya na uminom malalagot tayo kay tita.” pag-away ni Osang kay Angel bahagya pa nitong hinila ang buhok.
“Aray ko naman teh!” reklamo ni Angel kay dahil sa paghila nito sa buhok niya.
Ngayon mo ako inggitin. Natatawa na lang ako sa ginawa ni Osang.
“Ano ka ngayon.” mapang asar kong sabi.
“Pag pumalag yan si Cheska sayo ewan ko na lang tulog ka pag nag one vs one kayo.” komento ni Mola.
“Kung panlaban sa inuman si Cheska na talaga ang ilalaban natin!” dagdag pa ni Cess.
“Wag niyo awayin si Angel mamaya mag maoy yan pag nalasing na.” pigil ni Niem na nang aasar lang naman talaga.
Sa first night namin ayun ang mga bakla lasing lahat at nakatulog na lang sa living room. Kaya pala sila nag-aya kasi wala silang mga pasok.
Second night ng sleepover namin ay nag movie nights na naman kami. Ako ang nasunod sa pagpili ng panoorin. Ending lahat kami umiiyak dahil sa movie na pinanood.
“Sino ba kasi ang pumili ng movie!” reklamo ni Osang na nagpupunas ng luha sa mata.
“Tingnan niyo maraming tissue ang naubos dahil sa movie na ‘yan!” si Mola na isa pang nagrereklamo na pinupulot ang mga used tissue sa ibabaw ng center table doon.
“Maganda ang movie pero masakit sa mata!” dagdag pa na reklamo ni Cess.
Tapos na pero mga todo reklamo pa. Nag enjoy naman sila. Una kinikilig pa kaming lahat tapos dumating na ang plot twist ng kwento iyakan na kami. Enjoy naman syempre.
“Tara na shot puno!” aya ni Osang.
Sa kusina kami nag spot kasi nga kagabi sa living room na sila nakatulog. Sumunod ang lahat sa kanya.
Ang ginagawa ko lang nakikipulutan lang at nakikisali sa asaran.
Playlist ni Niem ang nag play sa speaker. “Broken ka ba?” tanong namin sa kanya.
Mga tugtugan niya pang broken samantalang masaya ang love life ng bruha maraming boylet.
Last night— sleepover.
Nagkwentuhan kami tapos na tanong ni Osang kung anong nangyari kay mama bakit daw pinatulan ni mama si aling Mercedes.
“Wala naman nakaaway na rin ni lola ang matandang iyon,” kwento ni Niem. “kasi kung ano-ano ang pinag kakalat niya tungkol sa lola ko napuno na ata si lola ayun pinalagan siya. Maingay masyado wala namang binatbat.”
Totoo ang sinabi ni Niem panay lang ang daldal nito.
“Sabi niya malandi raw ako.” sabi ko sa kanila.
“Aba kaya naman pala galit na galit si tita sa kanya.” komento ni Osang.
“Kahit si mama kung ganun ang sasabihin sa akin panigurado dudugo ang nguso pag ako ang pinagsabihan ng ganun,” sang ayon ni Mola. “Tsaka tih single ka at dalaga! Fresh kaya allowed kang lumandi. Samantalang siya mashonda na inggitera pa.”
Nagtatawanan talaga kami sa sinabi ni Mola.
“Galit na galit neng?” buyong tanong sa kanya ni Cess.
“Kasi tih syempre nga mashonda na at wala ng dilig ang kipay!” inis na sagot pa niya.
“Parang hugot na hugot teh!” komento ko. “Well late naman na siya sa balita hindi na ako malandi pokpok na nga ako!” sabi ko tsaka tumayo at kumaway pa na parang nasa pageant.
They all clapped their hands and cheered.
“Pero maiba tayo bakit ka nga pala hindi allowed uminom ng alak?” usisa ni Niem.
“Well kasi..” panimula ko.
Lumakad ako papunta sa loob ng kwarto.
“HOY SAAN KA PUPUNTA!” tanong agad nila.
Natawa ako sa kanila mga atat sa chismis. Kinuha ko kasi ang tatlong pregnancy test na ginamit ko.
“CHESKA!!” pasigaw na tawag nila.
halata na mga chismosa talaga.
“SANDALE!” sigaw ko.
When I get the pregnancy test lumakad na ako pabalik sa mga Marites kong friends.
Waiting sa feed ng chika.
Nasa harapan nila ako. “Ano na tih tagal sumagot!” reklamo ni Mola.
“Marites!” I said then rolled my eyes.
“Bakit ba kasi bawal ka uminom ng alak salamantalang vitamins mo ang pag-inom ng alak.” May pailing pa ng ulo si Osang.
Mga usisera!
“Well I have an announcement to be announced now,” panimula ko.
“Wow English pa!” puna ni Angel.
“Wag ka na epal!” saway ko sa kanya. “So let’s continue— bawal kasi ako uminom ng nine months bakasyon muna parang ganun.”
Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka.
“Ano ‘yon?” takang tanong ni Osang.
“Shot puna na Cheska.” aya ni Niem.
“Kulit naka bakasyon nga ako.” sagot ko.
Mas lalo silang nagtataka sa mga sinasabi ko sa kanila.
“Well mag ready na kayo kasi lahat kayo ay maging tita na at ninang!” masayang sabi ko sa kanila.
Kunot-noo ng bawat isa sa kanila. Nag-iisip kung ano ang sinasabi ko. Para siguro akong tanga sa isip nila dahil hindi nila gets kung anong mga pinagsasabi ko.
Nag poker face ako sa kanila. Mga walang kwenta at support! Ang bagal ng pick up ng mga utak nila.
Kainis!
Ang ginawa ko nilapag ko sa table ang tatlong pregnancy test. Unahan silang sumilip sa bagay na nilagay ko roon.
Osang dramatically turned her face on me.
“What the fvck!” she react. Lumapit siya sa akin agad at yumakap.
Tumawa lang ako. Nag agawan sila sa pregnancy test ko.
“Hoy lagay nyo dyan.” utos ko sa kanila pero hindi sila nakikinig mas nauna ang celebration nila.
“Congratulations!” sigaw ni Niem.
“Woah! Tita na tayooo!” masayang sigaw ni Mola.
Tumatalon talon pa sila. Kumalma na sila. “Bitawan n’yo ang pregnancy test inihian ko ‘yan tapos hinawakan niyo.” natatawa kong sabi.
Unahan silang binitawan ang hawak at tumakbo sa kusina para mag hugas ng kamay. Tawang tawa kami na natira roon.
“Grabe hindi ako makapaniwala magiging tita na ako!” masayang sabi ni Osang. “Kaya pala mag bakasyon pang nalalaman.”
Ngumiti lang ako. I know na masaya sila para sa akin.
“Kaya ba hindi kayo masyadong nauusap ni tita?” tanong ni Niem.
“Halata mo pala?” tanong ko.
“Hindi ako si Osang.” sagot niya.
Tumingin lang ako kay Osang.
“Mawala rin ang galit ni tita sayo lalo pa pag nakita na niya ang apo niya for sure matutunaw ang galit niya,” pag cheer up niya sa akin. “Siguraduhin kang ng Miguel na ‘yon na maganda ang genes na binigay niya sa pamangkin namin.”
Sa last night namin sobrang saya dahil relax at walang iniisip. After nito ay balik kami lahat sa realidad. Na magpatuloy lumaban sa buhay. Kakayanin para magtagumpay.
Sinabi ko sa kanila na hindi nga kami okay sa parents ko dahil sa biglaan. Ang kulit nga nila kasi tanong sila ng tanong kung anong gusto kong kainin mga cravings ko ba.
-
Monday syempre may morning and afternoon class ako kaya buong araw nasa school ako gumagawa ng mga actives and paper works. Ayoko matambakan dahil bawal ako ma-stress kaya umiiwas na agad ako para naman walang maging problema.
Sinundo ako ni papa ng mag-uwian na. Nag message sa akin si Miguel na binisita raw siya sa bahay kaya naman ako masaya kasi miss na miss ko na siya halos one week na kaming hindi nagkikita pero madalas kami nag-uusap via video calls tapos minsan hindi pa kasi puyat siya sa work o kaya tulog na siya nag papahinga na.
Pumapayat na nga si Miguel sa trabaho kaya nalulungkot ako at naawa sa kanya. Sabi ko nga na alagaan niya ang sarili niya dahil wala ako sa tabi niya para gawin ‘yon.
Tapos na kami kumain ng hapunan nag stay lang muna ako sa baba habang hinihintay si Miguel sa pagdating.
Excited na ako sa kanya at sa dala niya. Sobrang miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko siyang yakapin madalas kasi hindi ko magawa kasi masyado siyang malayo.
Iniiwasan ko na mapuyat dahil nga sa bawal daw ‘yon sa buntis.
Dumating si Miguel sa bahay nasa taas na sila mama at papa nagpapahinga na.
“Mahal!” masayang banggit ko sa tawag namin.
Nakangiti ito sa akin. Bakas ang pagod sa kanyang mukha. Agad akong lumapit sa kanya para yumakap ng mahigpit.
“I miss you mahal.” bulong niya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ‘yon mula sa kanya.
“Ako rin miss na miss ka.” I said using baby tone.
Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan. “Sorry busy ako mahal.” sabi niya.
“Okay lang mahal alam ko naman— I understand.”
Sinama ko siya sa loob ng kusina paghahanda ng pagkain. Halatang kakagaling lang sa trabaho.
“Kamusta ka naman mahal?” tanong niya.
“Ako ayos lang busy lang din sa school pero medyo nahihirapan sa cravings,” kuwento ko sa kanya. “Alam mo grabe ang saya ko ng first time ko marinig ang heartbeat ng baby natin.”
Excited ako na masabi sa kanya ‘yon kaya over the phone after my check up.
“Mabuti nga na healthy siya at ikaw. Ingatan mo rin ang sarili mo mahal kasi malayo ako nag work para sa inyo.” seryoso niyang sabi.
Nilagay ko na sa harap niya ang mga pagkain. “Kumain ka na.” sabi ko.
Umupo lang ako sa tabi niya habang siya ay kumakain.
Nag kuwento lang din ako ng mga nangyari sa buong week ko pati ang three days sleepover namin kila Osang. Tawa siya ng tawa doon sa part na hinawakan nila ang pregnancy test kit ko.
“Baka naman nag puyat ka?” tanong niya.
“Hindi bawal nga tsaka sobrang antukin ko at tamad. Kaloka ang anak mo.” sagot ko sa kanya.
Sobrang tamad kong bumangon at kumilos gusto ko nakahiga lang tapos kumain lang.
Tapos na kumain si Miguel kaya hinugasan ko na muna ang pinggan na pinagkainan niya.
Nag stay pa siya ng konting oras. Kahit ayoko pang pumayag na umalis siya wala akong magagawa kasi kailangan niyang magpahinga at matulog dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Na lungkot ako bigla dahil uuwi na siya.
“Bye mahal.” paalam ko sa kanya.
Lumapit ulit siya at yumakap sa akin. Ayoko na binitawan si Miguel.
“Sige na matulog ka na at magpahinga. Update kita pag nakauwi na ako.” sabi niya. “I love you.” malambing ang boses niya.
“Mahal din kita.” tugon ko.
Humiwalay na siya sa yakap at hinalikan ako sa labi bago umalis na para umuwi.
“Bye ingat ka.” sabi ko.
Nakauwi na siya ay pumasok na ako at umakyat sa taas para matulog at magpahinga na rin. May class pa ako bukas kaya kailangan na matulog.
“Umuwi na ang daddy mo.” kausap ko sa tiyan ko.
Nasanay na ako na kinakausap ko siya kahit na wala naman itong sagot. Malamang baka matakot ako pag may biglang sumagot sa akin.
Nanood muna ako ng videos sa news feed ko para antukin ako. Scroll lang hanggang sa nakatulog na rin.