Pag-uwi ko sa bahay galing sa school at naabutan ko si mama na mainit ang ulo. wala akong alam kung bakit dahil kagagaling ko lang sa school kaya anong malay ko kung anong dahilan ng init ng ulo niya. Hindi ko rin naman magawang magtanong pa kung anong dahilan dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag kikibuan dalawa.
Tinitiis niya ako hanggang ngayon.
Ayoko ng ganito pero mas pinili kong dumistansya sa kanila dahil nga sa desisyon nila na hindi ako hayaan na sumama kay Miguel.
Ngayon pa naman sana ako magpapaalam na may sleep over kami kila Osang sa weekends pero wrong timing ngayon dahil mainit nga ang ulo niya.
Umakyat ako at nagkulong sa kwarto gumawa ng ibang kailangan ipasa. Bumili na rin ako ng cravings ko bago umuwi at sunduin ni papa. Nag send ng pera si Miguel kahapon na panggastos para sa gusto kong kainin at sa pangbayad sa check up ko.
Syempre si mama ang kasama ko dahil hindi sila papayag kung si Miguel ang kasama ang iisipin nila ay tatakas kami at magtanan.
Naramdaman ko na may pumasok sa loob ng kwarto. Kaya napatingin ako kung sino iyon.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
“Bakit Lota?” tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang kaba at hinihingal ito.
Inalis ko ang earphones ko sa tenga.
“ATE BILIS BUMABA KA AT TULUNGAN MO AKONG AWATIN SI MAMA!”
Kinabahan ako bigla sa sinabi niyang iyon.
Agad akong tumayo at lumakad palabas ng kwarto pababa iniwan ko na si Lota sa kwarto.
Rinig na rinig ko ang boses ni mama na nakikipag sigawan nga. Ano ba ang nangyayari?
Agad ako lumabas ng bahay nandoon nga si mama at may kaaway siya. Maraming tao sa tapat ng bahay namin na nagkakagulo.
Ang iba ay pumipigil at ang iba ang nanonood lang.
“ANG KAPAL NG MUKHA MO!” sigaw ni mama sa kaaway niya.
Sino ba ang kaaway niya.
Tumuyan na akong lumabas at lumapit kay mama.
“Mama tama na ‘yan.” sabi ko sa kaniya at hinawakan ko siya sa braso.
“AYAN NA PALA ANG MALANDI MONG ANAK!” sabi pa.
Mas nagalit si mama inalis nito ang mga nakahawak sa kanya na pumigil. Kamuntik pa akong natulak ni mama mabuti na lang mabilis akong naka layo mula sa kanya.
Mabilis niyang sinugod ang nagsabi nun at hinila iyon.
“ANONG SABI MO SA ANAK KO WALANG HIYA KANG BABAE KA!” galit na galit si mama.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lalapit sana ako kay mama pero hindi ko na magawa kasi masyado na kasing nagkakagulo roon.
Nilapitan ako ng isa sa mga kapitbahay namin.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito sa akin.
“Opo ayos lang ako.” sagot ko pero ang totoo hindi dahil wala akong nagawa para awatin sila.
“Wag kang mag-alala darating na ang barangay.” sabi nito.
Pinilit pa rin nilang inaawat. Panay pa rin kasi salita ng kung ano-ano ang kaaway ni mama.
Si mama hindi niya papatulan hanggat hindi siya inunahan o kaya hindi siya napikon. Ano bang ginagawa ng babaeng iyon para patulan siya ni mama at umabot sa ganitong gulo.
Wala pa naman si papa nasa trabaho hindi ko alam ang gagawin ko. Gustuhin ko man na umawat baka maitulak ako at kung ano pa ang mangyari sa anak ko.
Dumating na ang mga barangay tanod isinakay na si mama at sa kabila naman ang kalaban niya.
Binilin ko muna si Lota sa kapitbahay namin na paki tingnan muna dahil sasahan ko si mama sa barangay.
“Tara na ho ma’am.” tawag sa akin ng isang barangay tanod.
“Salamat po pa silip na lang po si Lota.” bilin ko pa bago ako sumunod roon sa sasakyan ng barangay.
Tahimik si mama na inaayos ang buhok niya. Tinitigan ko siya ng maigi kung may galos siya.
Pagdating namin doon ay panay ang daldal ng kaaway ni mama. Todo bunganga siya na akala mo lahat ay kalaban niya may mga pailan-ilan na kapitbahay namin ang sumama para maging witness sa naganap na away sa tapat bahay.
Pinapasok sila sa loob ng office ni Kapitan.
Hindi ko alam kung ano ang puno at dulo ng away nila dahil nakalabas ako ng bahay ay marami ng tao sa labas na nagkakagulo.
Dumating na rin si papa galing trabaho at dahil nalaman niya na nandito kami at sumunod agad siya.
“Nasaan ang mama mo?” tanong niya sa akin.
“Nasa loob ng office ni Kapitan.” mabilis kong tugon.
“Ano ba ang nangyari?” tanong pa niya ulit. Halatang hindi siya mapakali at alalang alala siya kay mama.
“Hindi ko alam pa pagbaba ko nagkakagulo na labas ng gate natin at inaaway na si mama.” iyon lang ang naging sagot ko dahil iyon lang ang naabutan ko ng lumabas ako ng bahay namin.
“Kanina pa ba siya nandoon?” tanong pa nito.
Tumango lang ako bilang sagot.
“Ayos ka lang ba hindi ka ba na itulak?” sunod na tanong.
“Kamuntik lang pa.” sagot ko.
Naupo siya sa tabi ko at naghintay kami kay mama.
Dumating na rin si Kapitan. Kasalukuyan na kinakausap na sila roon sa loob ng office.
Lumabas na sila sa loob ng office. Agad na tumayo si papa at lumapit kay mama para salubungin.
“Ayos ka lang ba?” agad na tanong ni papa ng makalapit kay mama.
“Okay lang ako. Ang anak mo ba ay ayos lang baka na tulak ‘yan?” sagot ni mama na tinanong ako.
“Hindi naman daw muntik lang,” sagot ni papa para sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit mo pa kasi pinatulan?” magkasunod na tanong ni papa.
“Ang kapal ng mukha ng babaeng iyan! Sinisingil ko lang naman sa utang niya kung ano ano ba naman ang sinabi sa anak mo!” galit na galit si mama. “Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko pinatulan ko na ayoko ng lumalabas sa bibig niya kaya ayun.”
Ako pala ang dahilan kung bakit napaaway si mama ngayon.
After na maayos na roon ay umuwi na kami. Hinatid kami ng sasakyan ng barangay pa uwi sa bahay.
Makauwi kami sa kwarto ako agad ang tuloy.
“Anak ko ayos ka lang ba dyan?” tanong ko habang hinahaplos ang tiyan.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Miguel at sabihin ang mga naganap rito sa bahay.
Sobrang natakot ako kanina baka kasi kung ano ang mangyari kay mama.
Nanatili ako sa kwarto hanggang sa tinawag na ako ni Lota na kakain na ng hapunan. Bumaba lang ako at tahimik lang na kumakain. Katulad pa rin ng mga gabi na nauna. Mabilis lang ang ginawa kong pagkain tsaka aakyat muli sa taas.
-
Maaga akong gumising kinabukasan dahil ngayon ang first check namin ng baby ko. Excited na ako pero may kaba pa rin.
Si mama ang kasama ko ngayon sa check up. Naka schedule ako ngayon.
Kumain lang ako ng pandesal at peanut butter ang palaman bago ako naligo.
Nagbihis ako ng maayos at komportableng damit.
Magkasama kami ni mama pero wala kaming kibuan na dalawa.
Dumating kami sa clinic ay ang assistant ni Dra ang nag interview sa akin.
“First time mommy ka pala.” nakangiting sabi nito.
“Opo.” maikling sagot ko. “Dra. bakit mo laging masakit ang ulo ko at madalas akong nahihilo?” tanong ko.
“Natural lang ‘yon. Ngayon ka pa lang nag pa check up diba?” tanong ni Dra.
“Opo ngayon pa lang po kasi may pasok pa po ako sa school.” sagot ko.
Lahat ng tinanong ni Dra. sa akin ay sinasagot ko agad para mapabilis ang check up.
Sobrang excited ako ng marinig ko ang heartbeat ng baby ko.
Binigyan lang ako ng vitamins at gatas na inumin ko bago matulog. Marami rin bilin si Dra. sa akin na less stress and bawal din mapagod.
“Salamat po.” sabi ko ng nakangiti.
“See you next month.” sabi niya.
Kanina buong check up ko tahimik lang si mama na nakabantay sa akin.
Maayos naman daw ang baby ko. Five weeks na siya healthy naman pero need pa rin ang mag-ingat at umiwas sa stress at matinding pagod.
Umalis na kami sa clinic at umuwi na sa bahay. Gusto ko na mahiga at mag pahinga. Inaantok na naman ako. So far wala pa akong gustong kainin.
Naalala ko bukas ay saturday na bukas na ang set na bonding with the girl kasi hindi ko alam kung paano magpapaalam sa mama na punta ako kila Osang dahil alam kong masama pa rin ang loob niya sa mga nangyari.
Natulog na lang muna ako nagpahinga. Busog pa naman ako dahil pinakain ako ni mama kanina bago pumunta sa clinic.
Ang tamad tamad ko dahil gusto ko laging nakahiga at natutulog.
Kakain lang.
Naglibang muna ako nanood ako ng mga random video sa f*******: hanggang sa hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa mga maingay.
Pagbukas ko ng mata ay sumalubong sa akin ang mga mukha ng mga impakta. Sumama agad ang itsura ng mukha ko.
“Ang ingay niyo!” agad kong reklamo sa kanila.
“Wow ha! Ang tagal mo kayang gumising!” reklamo naman ni Mola.
“Bakit ba kasi kayo nandito?” tanong ko.
Naupo si Angel sa tabi ko.
“Sinusundo ka.” sagot niya.
“Bilin kasi ni Tita na wag ka raw naming gisingin kaya ayun ng ma-bored kami ay nag-ingay na lang para magising ka agad.” kwento ni Cess.
“So masunuring bata na kayo nun?” mapang asar kong tanong.
Bumangon ako at naupo na lang. Kumpleto sila na nanadito sa loob ng kwarto ko.
“Friday pa lang ngayon.” sabi ko.
“Alam namin duh!” maarteng sagot ni Niem.
“Wag maarte panget ka.” pang aasar ko.
“Ayun!” gatong ni Mola.
Tawa kami ng tawa dahil sa mga asaran ng mga baliw ang ingay tuloy ng buong kwarto.
“Kumilos ka na nagpaalam na kami kay Tita kanina.” utos ni Osang sa akin.
Kanina lang bago ako matulog iniisip ko kung paano ako nagsasabi pero ngayon na paalam na pala ako at aalis na.
“Pumayag?” tanong ko pa.
“Malamang kaya nga pinag ready na kita kasi pumayag.” sagot niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Osang pero masaya ako dahil kahit paano ay malilibang ako kasama sila.
“Kaso ang bilin ni tita hindi ka raw pwede uminom.” sabi ni Angel.
Malamang magtataka pa sila kasi nga hindi pa nila alam na buntis ako mamaya ko na lang sasabihin para talagang celebration ang gagawin namin.
May mga tanong sila sa isipan kung bakit bawal ako pa inumin ng alak mamaya.
Tumayo na ako at umalis sa kama. Kumuha ako ng mga gamit na dadalhin ko. Papahelp na rin ako gumawa ng mga ipapasa ko next week para wala na akong isipin.
“Four pairs of clothes ang dalhin mo.” bilin ni Osang sa akin.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay nag-iingay sila roon nagtatanong kung anong gustong inumin mamaya.
“Mag gin ba tayo?” tanong ni Mola.
“Pwede nandyan si Cheska taga timpla pero bawal siya uminom.” sabi pa ni Cess.
“Sad life ni Cheska!” pang aasar ni Niem.
Hindi ko na sila pinansin tinapos ko na ang mga kailangan kong gawin.
“Tara na!” sigaw ko sa kanila.
Tumayo na sila at una-unahan na lumabas ng kwarto. I get my phone and charger bago sumunod sa kanila sa baba.
Nandoon sa baba ang mga baliw ginugulo na si mama at nanghihingi pa ng ulam ang mga bakla.
“Mga buraot!” sigaw ko sa kanila.
Pero naglagay na si mama ng ulam sa supot. Si Niem talaga ang nangunguna na kumuha ng supot na may laman na ulam na niluto ni mama.
“Ang bilib ko ha.” paalala ni mama.
Nagpaalam na sila kay mama.
Lumabas na kami ng bahay. Napagkasunduan namin na maglakad na lang papunta sa bahay nila Osang.
Kaya ayun ang iingay namin sa dalaan. May mga truck na dumadaan tapos nag-cat call pa sila ang sira ulong Niem nag middle finger sa tuwing may dadaan at kikindat pa.
“ANG PAPANGET NIYO!” sigaw ni Cess.
Hanggang sa makarating kami kila Osang ilang pang mga truck ang dumaan na panay ang sitsit sa amin.
“Kaya ayokong naglalakad.” umiiling na sabi ni Osang.
Natatawa na lang ako sa kanya. Badtrip na badtrip siya pa may mga ganun sa daan.