Ramdam na ramdam ni Cheska ang malamig na pakikitungo ng magulang niya sa kanya. Alam niya na disappointed ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya. Masakit iyon para sa kanya pero wala siyang nagawa dahil kasalanan niya na hindi siya nag-ingat at masyado siyang nag-enjoy sa ginawa nila ni Miguel.
This is the consequence.
Gusto kong umiyak dahil pati mismo ang sarili ko ay disappointed. Paano ako papasok sa school nito. Ilang buwan na lang ay graduation na namin. Gusto ko pa naman mga dress ng bongga. Syempre special event ng buhay ko ‘yon na natapos ko ang pag-aaral ko.
Ang tanging ginawa ko lang ay mag kulong sa loob ng kwarto. Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan kung bakit hindi nila ako hinayaan na sumama kay Miguel.
Hindi talaga?
Bumaba na ako para kumain. Tinawag na kasi ako ni Lota kaya bumaba na ako. Ayoko man na bumaba pero nagugutom na ako. Baka bumalik pa si Lota at tawagin ako ulit o mas malala pa ay si mama na ang mismong aakyat para tawagin ako para bumaba at kumain.
Nag message ako kay Miguel na gusto ko ng beans at kakanin. Nag reply naman siya na mamaya raw ay idadaan niya bago siya umuwi sa apartment. Kahit gaano ko gusto na lumabas kasama si Miguel ay hindi pwede pinipigilan ako ng magulang ko dahil nga sa baka raw tumakas kami para magtanan.
Hindi ko matanggap ang sitwasyon namin ngayon. Ang hirap at ang kumplikado ng sitwasyon namin ngayon ni Miguel. Sana pag tumagal ay maging maayos at maibabalik ko ang tiwala na nawala sa akin ng magulang ko at matanggap niya na kami ni Miguel.
"Umupo na kayo at kakain na." utos ni mama.
Tahimik ako na naupo at kumuha ng pagkain. Ilang araw na rin ang lumipas mula ng malaman nila ang totoo.
Malamig talaga ang pakikitungo nila sa akin. I'm trying to convince myself— na ayos lang iyon pero sa akin ang sakit talaga.
Message and calls lang ang means of communication namin ni Miguel nag lay-low lang kami dahil mainit pa ang ulo sa amin ng magulang ko dahil sa biglaang announcement namin.
Binilisan ko ang pagkain baka kasi hindi ko na kayanin at naiyak ako habang kumakain doon sa harap nila. Masakit sa kalooban ko na ganito ang pakikitungo sa akin.
Uminom lang ako ng tubig bago tumayo at umalis na roon. Lumakad na ako paakyat sa kwarto. Hindi na ako nagtatagal doon dahil ayokong mas maramdaman ang iba nilang pakikitungo.
Mag stay lang ako sa kwarto habang hinihintay ko si Miguel na dalhin ang pinabibili ko sa kanya na cravings ko.
Nakipag kamustahan lang ako sa mga kaibigan ko sa group chat namin. Dahil sa kanila ay sandali kong nakakalimutan ang sitwasyon na kinalalagyan ko.
Nag video call kami. Tawang tawa ako sa kanila dahil sa mga asaran na nangingibabaw. Bumabangka na naman kasi si Niem sa kwento at sa asaran.
"Gago ka ang bastos ng bibig mo!" saway ni Cess kay Mola.
Tawa kami ng tawa habang nag bardagulan sila.
"Woy wag kang feeling clean dyan!" kontra nito kay Cess na sumaway sa kanya. "Bastos nakahubad!"
May point naman talaga iyon talaga ang bastos. "Special daw nakatuwad!" tawang tawa si Osang habang sinasabi iyon.
"Niem tuwad raw?" tanong ko sa kanya.
"Ha ano ang sabi niya dapat daw nakatuwad." sabi pa ni Niem na painosente pa na parang hindi alam.
Lahat kami ay tumawa dahil sa pagiging bobo ni Niem. "Gagtig! Itulog mo na nga 'yan antok na lang!" utos sa kanya ni Angel nakakapasok pa lang sa group call namin.
"Ayun ang late!" puna ni Cess sa kanya.
"Saan ka lumandi?" tanong agad ni Mola.
"Hoy mga burikat kayo! Landi agad ha pwede bang galing lang sa work!" depensa niya sa sarili.
"Sino na naman iyang tinatrabaho mo!" usisa ni Osang.
Tahimik akong nakikinig sa pagpapalitan nila ng mga salita.
"Hoy grabe na kayo! Ayoko na dito." maarte niyang sabi.
"Wag maarte hindi ka maganda." saway ko sa kanya.
"Awit lods bars!" pang aasar nila kay Angel.
Bully na talaga siya ng sobra sa group chat. Lagi kasi siyang late na nag join.
"Baka umiyak tama!" mapang asar na pag-awat ni Osang.
Tinigilan na namin ang pang aasar kay Angel.
"Ano set na inom na tayo!" aya ni Niem.
Matagal na rin kasi na wala kaming bonding na buo kami. Pero this time hindi na ako pwede uminom dahil alam ko na buntis ako at dapat kong alagaan ang sarili ko.
"This week ends two nights tayo kila Osang." desisyon ni Cess.
"Ayan nangunguna na naman ang mga pala-desisyon!" banat ni Angel.
Samantalang walang imik ang mayari ng bahay. Basta ang set nila ay set na.
"Aba bumuboses na siya lods." sabi ni Niem.
"Nako Angel dapat hindi ka late ha." paalala ni Cess.
Ganyan kami mga feeling bahay ang bahay nila Osang.
"All set na ha!" Pag sigurado ni Mola.
"Baka naman hindi ka pumunta Cheska?" baling tanong ni Osang sa akin.
Hindi ako agad naka sagot kasi iniisip ko kung paano ako magpapaalam na pupunta ako kila Osang baka iba ang isipin na ginagawa ko lang dahilan si Osang pero ang totoo ay kay Miguel ako pupunta.
"Huy! Ano pupunta ka dapat ah!" sabi pa ni Osang sa akin.
Gagawan ko nalang ng paraan. Gusto ko rin sila makasama tsaka sasabihin ko na sa kanila na buntis ako.
"Oo sige." sagot ko.
"Ay napilitan pa!" puna ni Mola.
"Epal ka talaga!" sabi ko sa kanya.
Kung ano-ano pa ang mga naging laman ng usapan namin.
Nahinto lang ang usapan kasi may na-lowbat.
"Ayun lang weak ng battery health ng phone mo!" buyo ni Mola kay Niem.
"Kahapon pa ako hindi nag charge!" depensa nito.
Nag-umpisa na naman silang mag-asaran. Hanggang sa nawala na si Niem.
"Wala lowbat na talaga." natatawa na sabi ni Mola.
Nag paalam na kami sa isa't-isa the video call ended.
Nag-check ako message baka kasi meron na at papunta na siya hindi ko pa nabasa ang message niya. Natatakam talaga ako sa beans at kakanin.
Nag-install ako ng offline games para pag hindi ako makatulog maglalaro ako para malibang. Ang tagal ni Miguel, gustong gusto ko na kumain nun.
Hanggang sa inaantok na lang ako wala pa ring Miguel ang dumating at nag message.
-
Kinabukasan late na ako nagising kasi nine o'clock in the morning naman ang first class na kailangan kong i-attend.
I prepare my things needed.
First thing first— kumain pero dahil masama na naman ang sikmura ko at panay ang pagsuka ko ay naligo na lang muna ako.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
Nakabihis na ako at nakaayos na ng sarili.
Naghanap ako ng makakain bago pumasok na kahit konti ay magkaroon ng laman ang sikmura ko. Baka kasi kalagitnaan ng discussion ng lecturer namin kumakalam ang sikmura ko.
Ihahatid ako ni papa sa school.
Nawala na talaga ang tiwala nila sa akin.
Maihatid ako ni papa sa tapat ng school ay agad ako dumiretso sa first class ko.
"Cheska!" sigaw ni China na malayo mula sa akin.
Naalala ko na naman ang panaginip ko na ginigising niya ako para mag sumbong na nambabae si Miguel. Natatawa na lang ako sa aking sarili dahil sa ala-ala na iyon.
Makalapit ako sa kanya ay agad siyang umangkla sa aking braso.
"Bakit nasa labas ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa naman ang Lecturer natin tsaka nagpabili ako kay Ry ng food." sinabi niya ang dahil kung bakit siya nasa labas.
Kaya naman pala. Spoiled sa jowa kaya ganyan.
"Matindi kasi ang cravings ko at hindi na pigil kaya panay ang pangungulit ko kay Ry. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin kasi nakulitan na rin siguro." Tumawa pa siya habang nag kuwento.
"Under mo kasi si Ry." pabiro kong sabi sa kanya.
"Hindi, masyado pang siyang patay na patay sa'kin kaya ganun sunod agad pag sinabi ko." depensa niya.
"Oo na lang." sang ayon ko na lang sa sinabi niya.
Lumakad na kami papunta sa room namin. Baka nandoon na ang Lecturer mapagalitan pa kami ni China.
Nakipag interact muna ako sa iba kong classmates. Wala pa rin ang lecturer namin kaya nagawa pa namin iyon. Nakisalo ako sa kinakain ni China.
Green mangoes with bagoong! Sarap na sarap ako. Marami rin naman binili ni Ry kaya kahit ang ibang girl nakikisali na rin. Share-share ng food.
"Mga bruha kayo daig niyo pa naglilihi!" sita sa amin ni Kalbo.
"Wag kang epal!" sabi ni China.
"Masarap kaya inggit ka lang!" segunda ni Tep.
I just roll my eyes to him. Pinatay ko na lang siya sa tingin. Nakakainis kontrabida masyado.
Naputol ang pang aaway namin kay Kalbo dahil dumating na ang lecturer namin. Bumalik kami sa mga proper seats.
Our discussion started.
Tahimik na ang lahat habang nakikinig sa discussion. Nag notes lang ako ng mga important details.
Nagbigay na rin siya ng mga ipapasa namin sa kanya.
Next week.
Pagkalabas ng lecturer namin ay lumapit ako kila Tep. Nag-aaya silang kumain kaya ako naman sasama na rin,
"Tae sabay sabay na naman ang mga bigay ng pinapaasa nila!" reklamo ni Jessa.
"Kaya nga kala ata sa atin robot." sang ayon ni Tep.
"Wala tayong magagawa student lang tayo no." sabat ni Diana.
"Konti na lang naman graduation na kaya push na natin." I encourage them. Dapat sabay sabay kaming graduate ngayon sa batch namin as long as na kaya at walang maiiwan.
"Kaya ikaw Dana mag pasa ka at lagi kang pumasok." pinapagalitan ni Tep ito.
"Cutting classes kasi lagi." puna ni China.
"Panay date lang naman." napailing na sabi pa ni Jessa.
"Lalakero!" pang aasar ko sa kanya.
Buong oras ng pagkain namin pinapagalitan at pinagsasabihan si Diana.
Bumalik na kami sa classroom namin para next class.
Quiz lang at nagbigay na rin ng papagawa.
Mabilis lang ang oras. Uwian na kaya lumabas na ako at naghintay na ako kay papa dahil susunduin niya ako hindi na nila ako hayaan na bumiyahe mag-isa.
Tinanggihan ko ang pag-aya nila na sumama sa kanila na mag bonding. Pinipilit pa nga nila ako pero hindi ako makasama kasi nga sa sitwasyon ko ngayon.
Dumating na agad si papa.
Umuwi na kami agad sa bahay. Pagod ako gusto ko matulog.
Nag text na rin sa akin ang clinic na pupuntahan ko may schedule na ang pag visit ko doon for monthly check up.
Iniisip ko pa kung paano at saan ako kukuha ng pera para sa check up ko kaya kakausapin ko si Miguel about doon para mapaghandaan niya.
Ayoko umasa sa magulang ko dahil ayoko ng may narinig ako.
Umakyat ako sa kwarto para magpahinga muna. Masakit kasi ang balakang ko at likod. Kanina ko pa gusto mahiga at matulog.
Nagpalit muna ako ng mas komportable na damit na pambahay.
Ngayon ko lang na hawakan ay na check ang phone ko dahil busy ako sa mga binibigay ng lecturer namin.
Maraming message si Miguel. Nag overtime pala nag two shift pala kaya hindi na ako nadaanan dito.
Ayos lang naman iyon sa akin dahil sabi niya at nag update siya. Valid ang reason niya. Sinabi ko na rin sa kanya na I need money for my check up.
Nag soundtrip muna ako habang gumagawa ng ibang kailangan ipasa. Mag start na ako ayoko ma-stress at bawal sa akin ang ma-stress.
Tumawag si Miguel na pupuntahan niya raw ako sa free day niya. Mag send na lang din siya ng pera na panggastos ko kaya kahit paano ay nawalan ako ng panggamba na baka hindi matuloy ang check up ko.
Namiss ko na rin siya kaya gusto ko siyang makita kaso iba na ngayon hindi na pwede na ako ang pupunta sa kanya pag gusto ko.
My parents won’t let me.
Kailangan namin parehas mag tiis hanggang sa maging maayos ang sitwasyon namin.
Thankful ako na ngayon ay mas magiging consistent na si Miguel sa pag update sa akin tungkol sa ginagawa niya.
Narito pa rin kasi ang takot sa akin na baka magkaroon na naman siya ng affair sa iba dahil sa ganito ang set up namin.