Tinawagan ko muna ang mama ko bago kami pumunta sa bahay. Pero maaga palang nag-abiso na ako na roon sila Miguel magha hapunan. Tanong nga ng tanong si mama kung bakit daw, kung ano raw ba ang meron at pupunta si Miguel at ang ate niya sa bahay. Ang tanging sagot ko lang ay malaman niya na lang iyon mamaya. Kabado ako habang kausap ko ang mama sa phone.
Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko mamaya. Ano ang magiging reaksyon ng magulang ko. Kung takot ako kay mama mas takot ako kay papa. Iba kasi magalit ang papa ko kaya mas nakakatakot siya.
Dapat masaya ako kasi paninindigan ako ng lalaking ito at hindi tulad ng iba na tinatakbuhan lang pagtapos ng sarap.
Kanina ay tinanong ulit ni ate Mikay si Miguel kung anong plano niya matapos nilang kausapin ang parents but still wala pa rin siyang maayos na sagot. Ewan ko bakit ganun parang wala naman talaga siyang maging plano.
Sa tingin ko sa tuwing gagawa ng kalokohan si Miguel si ate niya ang madalas umayos ng gusot. Pero ito hindi pwede dahil siya ang may responsibilidad sa akin at sa magiging anak namin.
Bago kami sa bahay dumaan muna si ate sa isang store nag-order pala siya ng dadalhin sa bahay.
Pagdating namin sa bahay kumpleto na ang lahat doon.
Nagbigay galang si ate Mikay at Miguel kay mama at papa.
Ang mga dala naming food ay dinala ko na sa loob ng kusina— to prepare it.
“Bakit sila nandito ate?” usisa ni Lota na sumunod pala sa akin dito sa kusina.
“Chismosa mo naman.” sabi ko pa sa kanya.
Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng food.
“Wow maraming food!” masayang sabi ni Lota. Nasa harap ko siya at pinanonood niya ako habang nag-aayos.
“Patay gutom ka ba?” tanong ko sa kanya.
Lota rolled her eyes. “Luh feeling mo maganda ka d’yan?” tanong ko na nang aasar.
“Alam dapat hindi ka na umuwi!” inis na sabi niya sa akin. “Inaaway mo na naman ako!”
Sa tono ng boses ni Lota halata ko na pikon na siya sa pang aasar ko.
“Alam mo negra kung tinulungan mo ako na mag ready sana binigyan na kita ng food,” sabi ko pa sa kanya.
Tumingin siya sa akin. “Ano ba ang gagawin ko?” tanong pa niya.
“Kumuha ka ng mga kutsara, tinidor at baso.” utos ko sa kanya.
Sumunod naman siya sa sinabi ko na kumuha. Lahat ng binili namin ay take out na lang kasi according to Miguel hindi raw marunong magluto ang ate Mikay kaya nga raw ito mataba kasi panay take out ang food ang kinakain.
“Ano pang gagawin?” tanong ni Lota na bumalik na sa harap ko dala ang mga sinabi ko nakuhanin niya.
Inayos ko na ang table. Sakto nagluto rin ang mama ng mga pagkain.
Natakam ako sa niluto ni mama na ulam. Kaya tumusok ako ng isang pirasong laman tsaka iyon tinikman.
Agad na nanuot ang masarap na lasa sa aking bibig.
“Hoy ate wag kang magpapak ng ulam!” kontra ni Lota sa akin. Kukuha pa naman sana ako ulit pero dahil may kontrabida sa tabi ko ay hindi ko na natuloy.
“Inggitera ka.” sabi ko sa kanya.
Maayos na namin ang lahat ng food sa table.
Kinakabahan ako ng sobra. Lumakad ako pabalik sa living room.
“Kakain na.” anunsyo ko sa lahat.
Sa akin nabaling ang atensyon ng lahat. Bakit ganito ang kaba sa aking dibdib para akong malalagutan ng hininga.
Tumayo na sila kaya ako ay nauna na lumakad pabalik sa loob ng kusina.
Nakapwesto na si Lota sa table.
“Aba anak naghugas kana ba ng kamay?” tanong ni mama sa nakakabata kong kapatid.
“Opo naman syempre!” maagap na sagot niya.
Lahat sila ay nakaupo na sa table.
Nagsimula na kumain ang lahat. Tahimik lang ako pero si papa at Miguel ay nag-uusap sa kung ano-anong bagay.
Si mama naman ay tahimik lang din sa tabi mi papa. Mas kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong mood niya ngayong araw.
After the dinner. Ako at si mama ang naiwan sa kusina.
“Sabihin mo nga sa akin bakit sila nandito?” tanong ni mama.
Alam kong ramdam na niya na may kakaibang announcement ngayong gabi kaya siya ganyan. Na hindi na maganda ang kutob niya sa mga kaganapan.
“Ano Francheska magsalita ka!” inis na sabi ni mama.
Wala akong mahanap na salita na pwedeng isagot sa tanong niya. Natakot akong ibuka ang sariling bibig na baka bigla kong masabi nalang bigla.
Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng plato.
Sabay kami ng mama na pumasok sa sala kung saan sila nandoon.
Naupo ako sa tabi ni Miguel.
Pinatay na ni papa ang TV.
This is it!
“Hindi naman sa pagiging bastos ano itatanong ko lang sana kung bakit kayo nagpunta rito?” tanong ng papa.
Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa kaba. Alam ni Miguel na kinakabahan ako at natatakot ako.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
“May sasabihin ako,” panimula ko.
“Bakit kailangan kasama pa sila kung ikaw naman pala ang may sasabihin,” diretso na sabi ni mama.
Mas lalo akong takot. “Nandito po kami para mamanhikan at para pormal na hingin ang kamay ng anak niyo.” si Miguel ang sumagot kay mama.
Tumayo bigla ang mama ko. “Wag mong sabihin sa akin na buntis ka!” sigaw ni mama.
I know she knows.
Pilit niyang lumapit sa akin para hablutin ako. Agad na pigilan ni papa si mama na sumugod sa akin. Si Miguel ay tumayo para harangan ako mula kay mama.
“IKAW NA BATA KA!” galit na galit na siya.
Nahihirapan na si papa na pigilan si mama.
Nagsimula na akong umiyak. “Sorry ma.. sorry..” sabi ko habang humihikbi.
Tanging iyon lang ang kaya kong sabihin kay mama dahil sa alam kong mali ang ginawa ko.
“Pinag aaral kita tapos ganyan ang gagawin mo! Francheska nag-iisip ka ba! Ang landi mo na bata ka alam mong hindi ka pa nakatapos ng pag-aaral!”
Mas tumindi ang pag-iyak ko sa mga naririnig kong salita mula kay mama. Ang sakit sakit na marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya.
Papa trying to calm her down. Si ate Mikay ay nakayakap na sa akin. Hinahagod niya ng marahan ang aking likod.
“Bitawan mo ako!” sigaw niya kay papa.
Maging si Lota ay hindi alam ang gagawin dahil sa nangyayari sa paligid niya.
“HINDI MO PA HININTAY! GRADUATE KA NA PERO GANYAN PA!!” galit na galit siya sa bawat pagbitaw ng mga salita.
Para akong sinaksak ng mga salitang iyon mula sa kanya.
Seconds later. Kumalma na si mama kahit paano. Nagpalit na si ate Mikay at Miguel nasa tabi ko na siya ngayon.
Umupo na siya sa harapan namin.
“Papanindigan ko po ang anak niyo.” matapang na sabi ni Miguel.
“Kaya mo bang buhayin ang anak ko at ang magiging apo ko?” tanong ng papa ko.
“Dapat kasi mas nag-ingat kayo!” singhal ni mama.
“Tama na tumigil ka na nandito na yan wala na tayong magagawa.” saway ng papa kay mama.
Tumingin siya ulit kay Miguel. “Opo kaya ko po may trabaho naman po ako.” sagot niya.
Nakayakap ako kay Miguel habang humihikbi pa rin.
“Hindi niyo ba naisip na mangyayari ang bagay na ito? Mahirap ang bumuo ng sariling pamilya malaking responsibilidad iyon lalo na sa pagiging magulang,” simula ni papa. “Kailangan handa kayo sa papasukin niyo dahil hindi biro ang bagay na ito. Ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na pag napaso ka ay pwede mong iluwa tandaan niyo yan.”
Tahimik ang lahat nakikinig sa sinasabi ni papa. Maging ako ay hindi alam kung ano ang gagawin.
“Ngayon ano ba ang gusto ninyo mangyari?” tanong ng papa.
Kinalabit ni ate Mikay si Miguel dahil siya ang dapat magsabi ng plano niya para sa amin ng magiging anak namin.
“Gusto ko po sana ilipat na si Cheska sa apartment ko para magsama na po kami,” umpisa niya. “I will support her needs.”
Tama rin iyon dahil responsibilidad na niya ako ngayon.
Nakita ko sa mga mukha nila ang hindi pag sang ayon sa gusto ni Miguel.
“Nag-aaral pa si Cheska kaya hindi pwede,” tutol ni mama. “Dito lang siya para mas mabantayan siya ng maayos.”
Alam kong hindi hahayaan ni mama na nangyari iyon pero bakit? I want to be with Miguel.
“Aalagaan ko naman po siya and I will provide for her.” katwiran pa ni Miguel.
Hindi ako makapag salita dahil alam kong mali ko at may kasalanan ako.
“Pwede ko rin po siya na ihatid rito sa inyo kung gusto niyo po siya makita.” Miguel keep trying to convince my parents.
“Mama pumayag ka na para susubukan kong maging independent.” sabay ko sa usapan nila.
“Nagpapatawa ka ba Francheska?” tanong ni mama.
She’s being sarcastic again. Gagawin niya ang lahat para lang wag mangyari ang gusto namin ni Miguel.
“My decision is final.” seryoso na sabi ni mama.
One more decision from papa. Hindi ba talaga nila ako hahayaan na sumaya kasama ang magiging ama ng anak ko.
“Mananatili si Cheska dito pero kung gusto mo ay bisitahin mo na lang siya rito pero hindi siya pwedeng iuwi sa apartment mo para ibahay.” ma-awtoridad na sabi ni papa.
Wala na akong pag-asa kasi si papa na mismo ang nag— speak out. Totoong decision is final na.
“Buo na po ba talaga ang desisyon niyo? Hindi na ho ba mababago?” tanong ni Miguel.
“Walang magbabago.” sagot ni papa.
Hindi ko maintindihan ang naging desisyon ng magulang ko. Hinayaan na lang sana nila ako na sumama at tumira sa poder ni Miguel.
“Pwede mo naman siyang bisitahin dito sa bahay kung gusto mo wag kang mag-alala dahil hindi naman kayo pinagbabawalan.” sabi pa ni papa kay Miguel.
“Ganun na lang ho ang gagawin na kapatid ko ang bisitahin ang anak niyo rito.” sabi ni ate Mikay.
“Ayos lang naman sa amin na puntahan niya ang anak namin dito.” sabat ni mama.
Nag stay pa sila Miguel ng halos isang oras pa bago sila nagpaalam na uuwi na.
Nakaalis na sila ay kinausap ako ng magulang ko.
“Cheska hindi ka ba nag-isip?” tanong ni mama. “Alam mo na nag-aaral ka pa!” hindi alam ni mama ang gagawin niya.
Halatang galit na galit siya sa ginawa ko. I keep my mouth shut.
“Anak naman graduating ka na.” dagdag pa ni papa. “Gustong gusto kong sapakin ang lalaking iyon! Ang lakas ng loob niya na magpakita sa amin pagkatapos ng ginawa niyang iyon sayo!”
Lahat ng galit nila ay sasaluhin ko dahil mali ko pero hindi ko pa rin sila maintindihan kung bakit hindi nila ako hinayaan na pasamahin kay Miguel.
“Paano ka bubuhayin ng lalaking iyon?” tanong mo papa.
“Ano nagbebenta ng m*******a?” tanong pa ni mama. “Alam mo naman pusher at user yang lalaking yan pero hindi mo pa iniwasan!” gigil na gigil si mama.
“Gusto mo pa na sumama sa kanya para ano? Baka gusto mo rin na pag hinuli ang lalaking iyon damay ka pa.” Nasasaktan ako sa mga salitang sinasabi ni mama tungkol kay Miguel.
Naiinis ako na masyado nila kung ijudge si Miguel. Wala na bang karapatan na magbago ang tao?
“Simula ngayon hindi ka na pwede makipag kita kay Miguel sa labas at baka bigla ka na lang itakas ng lalaking ‘yon.” sabi ni mama.
“Bakit naman! Hindi niyo na nga ako hinayaan na sumama sa kanya tapos pag babawalan ninyo rin akong makipag kita sa kanya?” hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni mama.
“Wala na kaming tiwala sayo at sa lalaking iyon! Kaya susunod ka sa amin. Malapit na ang graduation mo kaya dapat ayusin mo na ang lahat habang hindi pa malaki ang tiyan mo at hindi ka nahihirapan na kumilos.” mama instruct me.
“Tama na yan.” pigil ng papa kay mama.
Bumaling sa akin si papa. “Umakyat ka na roon at magpahinga bukas kailangan mo na mag pacheck up.” utos ng papa.
Kaya tumayo na ako at umakyat na sa kwarto. Nakakapagod maraming nangyari sa araw na ito.